TOTOO BA: Regine Velasquez-starrer Yours Truly Shirley offered first to this veteran actress

by Julie E. Bonifacio
Nov 11, 2019
Regine Velasquez is the lead actress of the Cinema One Originals 2019 entry Yours Truly Shirley.
PHOTO/S: Jocelyn Dimaculangan

Nangingitim pa rin ang ilong ni Regine Velasquez nung dumalo siya sa opening night ng Cinema One Originals Film Festival 2019 na ginanap sa Ayala Malls Manila Bay, Pasay City last Thursday, November 7.

Ilang araw bago ang opening night, naaksidente ang ilong ni Regine.

Na-realize lang niya na may nangyari sa kanyang ilong nung mapansin niya ang pangingiitim nito.

Sa kanyang Instagram account na @reginevalcasid, ipinost ni Regine kanyang picture kung saan kita ang pangingitim ng kanyang ilong. Narito ang caption niya (published as is):

"May katangahan akong ginagawa!!!! I was recording some stuff for ASAP. Pagkatapos ko, tinanggal ko na yung headset sa pagmamadali ko the headset hit the bridge of my nose.

“Tapos when I was fixing my make up parang napansin ko may parang maitin sa nose ko kala ko naman napasobra lang nose line ko.

"But when I touched it masakit pasa na pala. I didn’t even realised na malakas pala yung pagkahampas nung headset. Tapos paggising ko ayan na sya gandara.

Continue reading below ↓

“Apparently magaling akong dancer medyo may pagka tanga lang. Ingat ingat din guys wag tularan ang dancer na Ito.

“By the way maitim din pala yung mata ko hindi naman kasali sa aksudente yan ang tawag dyan ay bonggang bonggang eyebags."

Sa red carpet ng 15th Cinema One Originals ay ekslusibo naming nakausap si Regine at kinumusta ang lagay ng kanyang ilong.

"Andiyan pa rin siya [pangingitim sa ilong]. Tinakpan ko na lang ng concealer," pahayag ni Regine.

May kailangan bang gawin na surgery or treatment para sa mabilis na paggaling ng kanyang ilong?

“Wala namang major surgery or anything na kailangang gawin. Hihintayin mo lang gumaling."

Kabilang sa walong official entries for competition ang kauna-unahang pelikula ni Regine sa 2019 Cinema One Originals, ang Yours Truly, Shirley.

"I’m excited and I'm also very proud sa movie namin. And, I feel very excited that I'm part of the Cinema One Originals festival," sabi ni Regine.

Continue reading below ↓

Ano sa tingin niya ang chance ng performance niya at ng pelikula sa awards night ng Cinema One Originals?

"Ay, alam mo, never naman ako'ng nag-iisip na, I have a good movie. Kung manalo then, you know, it's great. Pero kung hindi, I'm okay.

“Wala akong expectations."

Aware ba siya sa balitang inalok din daw kay Sharon Cuneta ang movie niya?

"Hindi ko alam na inalok sa kanya,” sagot ng Asia's Songbird.

“Uh, I'm not sure. Pero kung inalokan it's okay. It was offered to me and I accepted it," diin niya.

Ang 15th edition ng Cinema One Originals ay ongoing until November 17 sa Trinoma, Glorietta, Ayala Manila Bay, Gateway, at Powerplant Makati. May screenings rin sa Vista Cinemas Iloilo at Evia Lifestyle pati sa Cinema Centenario, Cinema ‘76, Black Maria, UP Cine Adarna, at FDCP Cinematheque Manila.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Regine Velasquez is the lead actress of the Cinema One Originals 2019 entry Yours Truly Shirley.
PHOTO/S: Jocelyn Dimaculangan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results