Ejay Falcon considers Manila Mayor Isko Moreno a modern-day Elias

by Rose Garcia
Nov 14, 2019
Ejay Falcon plays Elias in the musical film Damaso, which also stars Vina Morales.
PHOTO/S: Rose Garcia

Ginagampanan ni Ejay Falcon sa musical film na Damaso ang karakter ni Elias, ang misteryosong kaibigan at kakampi ni Crisostomo Ibarra sa nobelang Noli Me Tangere (1887) ni Dr. Jose P. Rizal.

Para kay Ejay, si Manila Mayor Isko Moreno ang makabagong Elias.

“Sa nakikita ko talaga, grabe naman talaga yung ginagawa niya,” paliwanag ni Ejay.

“Sa mga nakikita ko at nababasa ko. At the same time, nadadaan ka rin naman sa lugar ng Maynila, napakaganda.

“Okay na, malinis. Natutuwa ka.

“Ang sarap ng ganun na may nangyayaring ganun sa mga panahon ngayon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ejay nitong Nobyembre 11, Lunes, sa office ng Reality Entertainment, QC.

Naniniwala si Ejay na ang pelikulang gaya ng Damaso ang dapat panoorin ng mga kabataan ngayon, lalo na ang millennials.

Paano niya makukumbinsi ang mga kabataan na manood nito?

“Kahit ako, aminado naman ako na sa panahon ngayon, sa generation ngayon, nakakalimutan na natin yung mga ganitong history ng Pilipinas, yung mga Noli Me Tangere,” pahayag ni Ejay.

Continue reading below ↓

“Ngayon, masasabi ko na kailangan nilang panoorin dahil ginawa ang movie na ito para sa mga bagong generation, para makita nilang lahat kung gaano kahalaga ang pagmamahal sa ating bayan, sa ating kapwa Filipino.

“Kasi, alam naman natin na sa ibang school, hindi na natuturo. Sana, maging daan itong movie.”

Dahil musical ang Damaso, may mga eksena na kumanta siya. Sa halip na kabahan, mas natuwa pa si Ejay nang malaman niyang kakanta siya.

“Nakakatuwa kasi, dito ko pala maipapakita na... well, hindi ko naipapakita sa ASAP ‘to, dito ko maipapakita,” natawang sabi niya.

“Yung kanta kasi, lahat kami rito ang ganda ng message ng kanta. Kung ano yung character ng bawat isa, kapag kinanta mo, ang ganda.”

Mas na-challenge siya sa pagbigkas ng malalalim na salitang Tagalog.

Ayon kay Ejay, “Actually, hindi lang yung acting ang nagpa-challenge sa amin dito, yung Tagalog words. Sabi ko nga, Tagalog naman akong tao pero, nahirapan pa rin akong bigkasin yung words noong panahon ni Jose Rizal.

Continue reading below ↓

“Bawal ang ad lib pero si Direk Joven [Tan] kasi, yung pag-intindi niya sa amin at yung hirap namin as artista, iniintindi niya kami.

“Ang laking bagay sa amin na hindi niya kami hinahanapan ng sobra. Kasi, mahirap po talaga.”

Ang title role sa Damaso ay si Arnell Ignacio.

Nasa cast din ng movie sina Aiko Melendez, Nyoy Volante, Marlo Mortel, Ketchup Eusebio, Irma Adlawan, Arman Reyes, Richard Quan, Pinky Amador, Jon Achaval, Leo Martin, Jin Macapagal, Riva Quenery, Arlene Muhlach, Jim Pebangco, Simon Ibarra, Mon Confiado, Lou Veloso, Noel Comia, Tess Antonio, Vina Morales, Gerald Ejercito, MJ Lastimosa, Ernie Garcia, Ronnie Lazaro, Allan Paule, Ynigo Delen, Ricardo Cepeda, Michael Flores, Carmi Martin, Luke Conde, Ariel Rivera, Soliman Cruz, Archie Adamos, Jenine Desiderio, Dexter Doria, at Biboy Ramirez.

Idinirek ito ni Joven Tan, na siya ring direktor ng mga pelikulang Petmalu, Wander Bra, Otlum, Pansamantagal, Santigwar, And Ai Thank You, at Echoserang Frog.

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ejay Falcon plays Elias in the musical film Damaso, which also stars Vina Morales.
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results