Janine Gutierrez on her new movie with Paulo Avelino: “Mas young, mas happy, mas kilig.”

by Rommel Gonzales
Nov 15, 2019
GMA-7 actress Janine Gutierrez paired with ABS-CBN actor Paulo Avelino in the upcoming movie If We Don't Make It.

Nahirapan nang husto si Janine Gutierrez sa rape scene sa pelikulang Babae at Baril, isa sa official entries ng 2019 QCinema International Film Festival na ginanap mula October 13-22.

Isang saleslady ang karakter ni Janine sa Babae at Baril. Kuwento ng GMA-7 actress:

“Mahirap kasing i-shoot. Kasi, sensitive iyung pangyayari and parang iyon yung turning point kasi ni Babae, e, so iyon yung pinakamahirap.”

Sa tunay na buhay ay nakahawak na si Janine ng baril.

“Puro sa teleserye lang. Mga totoong baril naman sila pero hindi yung outside work. Yung mga ginagamit naman sa teleserye, mga totoong baril pero ang inilalagay nila is blanks.”

Kahit blangkong bala ang inilalagay sa mga props na baril sa mga taping ay kabado pa rin si Janine.

Kampante naman daw siya dahil isang propesyonal sa paghawak ng baril ang kinuha para tulungan siya sa mga eksena sa Babae at Baril na may hawak siyang baril.

Continue reading below ↓

Nakausap namin si Janine sa special screening ng Babae at Baril sa Platinum Cinema ng Gateway Mall, Quezon City nitong November 8, Biyernes.

In full support sa block screening si Rayver Cruz, ang manager ni Janine na si Leo Dominguez, at ang mga kapatid niyang sina Jessica at Maxine Gutierrez.

Noong October 18 ay nagwaging Best Actress si Janine sa 2019 QCinema International Film Festival para sa Babae at Baril.

Ito ang maituturing ni Janine na pinakamalaking achievement niya bilang artista.

“Kasi, ngayon lang ako na-Best Actress, e! And pangarap ko kasi yun, e.

“I actually really wasn’t expecting anything. Nagpunta lang ako ng awards night to support the team. Kasi, pag ganitong pelikula na indie, maliit lang yung crew, maliit lang yung staff, lahat. So, parang naging pamilya na rin kami.

“And napalapit na rin ako sa director, sa AD [assistant director], sa producers, so bilang thank you, kaya ako nagpunta ng awards night.

Continue reading below ↓

“And sabi rin ni Tito Leo, na iyun nga, bilang pakikisama and thank you na rin talaga for making me a part of the movie.”

Mabuti na lang at dumalo siya kaya personal niyang nakuha ang kanyang trophy bilang Best Actress.

"Oo nga, buti na lang!”

Ni wala siyang kahit konting kutob o pag-asa na mananalo siya.

"Hindi kasi ako nag-e-expect sa mga ganyan, kasi mahirap na.”

Na baka ma-disappoint siya?

“Oo, so as much as possible, kahit sa roles or yung kunyari may gusto akong teleserye hindi talaga ako umaasa. Kasi, mahirap na.”

(Read: Janine Gutierrez on Babae at Baril: "Ito yung pinangarap kong role!")

JANINE ON PAULO AVELINO AS LEADING MAN


Dahil Best Actress awardee na si Janine, magiging mapili na ba siya sa projects na tatanggapin niya sa telebisyon at pelikula?

“Well, I’m starting shooting for a new movie, yung with Paulo Avelino. Excited ako kasi ibang-iba naman yun dito," sagot ni Janine tungkol sa movie nila titled If We Don't Make It.

Continue reading below ↓

“Mas young, mas happy, mas kilig. Yes, mainstream naman siya and iyon, excited ako. Kasi, it’s another love story.”

Kakaiba rin daw ang papel niya sa bago niyang pelikula with ABS-CBN actor Paulo.

“Excited ako kasi pinanoood ko yung movie ni Direk Prime, yung kay Maine [Mendoza] and Carlo [Aquino], and maganda, nagandahan ako sa pelikula, naiyak ako.

“Kaya now I’m more excited to work with Direk Prime.”

Si Prime Cruz ang nagdirek ng Isa Pa, With Feelings na pinagbidahan nina Maine at Carlo. Ito ay produced ng Black Sheep, isang subsidiary ng ABS-CBN Films.

“Idealistic” ang description ni Janine sa karakter niya sa If We Don’t Make It.

Kuwento ni Janine: “Magsisimula kasi siya sa past, nasa college sila. Yung alam mong nung bata pa tayo, feeling natin kahit ano, posible. So, ganun siyang klaseng tao.

“Naniniwala siya na kapag may gusto ka, tapos sobrang pinaniwalaan mo, makukuha mo yun. Which is something I can relate to. Ganun din ako dati.

Continue reading below ↓

“And hanggang ngayon naman, naniniwala ako dun.

“So, ipapakita yung growth nila from college hanggang sa tumanda and iyon, nakaka-relate din ako doon. Kasi, kaedad ko yung character sa script. So, mapapaisip ka kung paano ka nagbago within like ten years.”

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA-7 actress Janine Gutierrez paired with ABS-CBN actor Paulo Avelino in the upcoming movie If We Don't Make It.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results