Miles Ocampo feels pressured competing with prime stars in MMFF 2019

by Arniel C. Serato
Nov 15, 2019
Miles Ocampo appeals to moviegoers to give their movie Write About Love a chance in the upcoming Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019.
PHOTO/S: Arniel Serato

Pressured ang ABS-CBN star na si Miles Ocampo dahil paparating na ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019 kung saan entry ang pinagbibidahan niyang pelikula na Write About Love.

Kuwento ni Miles, “Ano po nakakakilig, nakakakaba.

"Sobra yung excitement ko at the same time kasi nga po sabi ko nga kumbaga mataas po ang respeto kay Kuya Coco [Martin], with Miss Vice [Ganda], with Bossing [Vic Sotto] kasi sila na yung mga prime ng MMFF.

“So sobrang suwerte lang namin dahil nakapasok yung pelikula namin sa MMFF this year.

“And sana ang pinagpi-pray ko lang ay bigyan din nila ng oras ang Write About Love.”

Ang tinutukoy ni Miles ay ang ilang makakatapat ng Write About Love sa taunang film festival na entries nina Coco (3Pol Trobol Huli Ka Balbon), Vice Ganda (The Mall The Merrier), at Vic (Mission Unstapabol: The Don Identity).

Bukod sa kanya, bida rin sa Write About Love sina Rocco Nacino, Joem Bascon, at Yeng Constantino.

Continue reading below ↓

Marami naman ang nagsasabing dark horse ang movie nila sa film fest. Ano ang masasabi niya rito?

Tugon ng 22-year-old actress, “Ano po siyempre po dinadasal natin ang paano ba… nagdadasal din tayo ng the best para sa pelikula and actually marami po akong nariringgan na yun po ang sinasabi nila about our film.

“So ipag-pray po natin. Hindi ko po alam ang sasabihin ko talagang prayers talaga ang kailangan.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miles sa pocket presscon nito na hatid ng TBA Studios noong Lunes, November 11.

WRITE ABOUT LOVE GETS G RATING

Gumaganap si Miles na aspiring writer sa pelikula na Write About Love.

Continue reading below ↓

Kuwento niya sa kanyang role, “Malapit sa puso ko yung kuwento kasi ano pa rin po ako nagsisimulang writer, pangarap ko rin pong maging writer.

“And sabi ko nga lumaki ako na nakapanood ng mga romcom films and alam niyo po 'yan na bata pa lang ako lagi kong iniisip sa utak ko na, 'Uy paano kaya kapag ginawa ko 'tong eksenang ito?'

“Kapag nakapanood ka ng eksena ay gusto ko itong gawin kapag nagkapelikula ako.

“So nung ginagawa na po namin yung mga eksenang yung sa pelikulang ito, grabe po yung kilig ko, 'Ay shucks ganito pala siya gawin.'”

Ano naman ang maasahan ng mga tao sa kanilang entry?

Sagot niya, “Ang Write About Love kasi di ba ngayon ang ika-100 years ng Philippine Cinema so isa rin itong tribute sa lahat ng mga gumagawa ng pelikula off-cam.

"Kasi dito makikita kasi na hindi porket may kuwento na, yun na yun.

Continue reading below ↓

"Dito makikita yung struggle at kung paano ba ginagawa ang isang istorya along the way."

Samantala, masayang-masaya naman ang mga producers ng TBA Studios na sina Fernando Ortigas, Eduardo Rocha at Vincent Nebrida, at ng first-time director na si Crisanto Aquino dahil nabigyan ng G rating mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang kanilang entry.

Ibig sabihin, maaring mapanood ng lahat ng moviegoers ang Write About Love sa darating na Pasko, December 25.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
Miles Ocampo appeals to moviegoers to give their movie Write About Love a chance in the upcoming Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019.
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results