Joem Bascon jokes about competing in MMFF 2019: "Nag-e-expect po ako ng cash award!"

by Rommel Gonzales
Nov 16, 2019
In the MMFF 2019 entry Culion, Joem Bascon portrays a character afflicted with leprosy. He is paired with Iza Calzado in this movie.


Tumawa muna si Joem Bascon bago sinagot ang tanong sa kanya kung nagpapahinga pa ba siya.

“Ah, opo! Nakakapagphinga pa ba ako? Yes, nakakapahinga pa,” tugon ng aktor.

Marami ba siyang bayarin?

“Nagmamahal ang bilihin, e, sa mga panahong ito at kailangang kumita.”

Kasama si Joem sa mga pelikulang Culion, Utopia, Write About Love, at The Annulment, at sa fantaseryeng Starla ng ABS-CBN.

“Nagkataon lang po. Kasi, kunyari nung Starla, last year nag-start kami. Medyo matagal, kasi one year naming ginagawa yung Starla.

“So, hanggang ngayon, hindi pa rin namin siya natatapos, and then may mga break kasi kami, may months na walang ginagawa.

“Tapos ayun, nagkataon na nagkaroon ng Culion, so naisingit yung mga pelikula na ginagawa namin.”

So, wala nga siyang pahinga?

“Hindi, naano siya in one year, e. So ngayon, medyo pahinga na, yung promos na lang yung ginagawa ko.

“Pero kung tatanungin ninyo kung nagte-taping pa or nagsu-shooting pa for a film, hindi na gaano.”

Continue reading below ↓

Nakausap namin si Joem sa announcement kay Joanna Ampil bilang interpreter ng theme song ng Culion na Kundimang Mahal.

Ginanap ang reveal noong Lunes, November 11, sa Marco Polo Hotel sa Ortigas.

Sa Culion ay gaganap si Joem bilang si Kanor na kapareha ni Iza Calzado. Pareho silang may ketong sa naturang pelikula.

“Isa akong manliligaw niya, isa akong nanunuyo sa kanya. Isa akong mangingisda na matagal nang nakatira sa Culion.”

Masaya si Joem na nakapasok ang Culion sa 2019 Metro Manila Film Festival.

"Siyempre, isang honor, isang privilege ang makapasok sa MMFF. Ang hirap na ngayong makapasok, di ba?

“Lagi namang mahirap, laging meron yung sa selection committee, mahirap, may hinahanap sila talagang theme.

“At least, sa Pasko, kasama ang Culion sa mga hinahanap nila ngayong taon para maipakita or i-showcase yung mga pelikula natin.”

Umaasa ba siya ng Best Actor o Best Supporting Actor award sa MMFF?

“Nag-e-expect po ako ng cash award,” at humalakhak si Joem.

Continue reading below ↓

“Hindi… wala naman po akong ine-expect, nag-e-expect ako na sana, manalo or ma-recognize yung buong pelikula sa film fest. Ma-recognize yung lahat ng actors...

“Iyon ang mas importante sa akin, iyon ang ine-expect ko, na sana mapansin kami as a group, as an ensemble cast.”

Paano iniarte ni Joem ang karakter ng isang taong may ketong?

“Normal lang naman siya. Nilagay lang yung sugat [prosthetics] sa amin. Kasi, iyon nga yung sinasabi nila, kahit na mayroong Hansen’s disease ka, normal ka pa ring tao, e.

“Wala naman siyang epekto talaga sa pakikitungo sa kapwa mo tao. At nagkakaroon lang talaga siya ng… nagiging mainit lang yung kanilang pakiramdam dahil sa gamot na inilalagay sa kanila.

“Kaya, di ba, sinasabi nilang maraming nagkakaroon ng anak sa Culion kasi very active yung body nila. Kasi, iyon yung cure nila na nilalagay.

“Noong unang panahon, ngayon kasi, may tablet na. Yung dati, pinapasok talaga ng needle para mapatay yung bacteria kung nasaan yung sugat and then kumakalat sa buong katawan yung init, so, nagiging active sila.”

Ano ang satisfaction ni Joem sa paggawa ng indie films?

Continue reading below ↓

"Yung satisfaction ko would be yung different characters. Kasi, pag napo-portray ko, tapos nasasabing mahusay yung ginawa ko, nasa-satisfy ako dun.”

Sa dami na ng papel na nagampanan ni Joem, wala na siyang maisip na role na nanaisin pa niya.

“Kung ano yung ibigay sa akin na kaya kong gawin or kung mahihirapan man ako, pipilitin kong kayanin.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In the MMFF 2019 entry Culion, Joem Bascon portrays a character afflicted with leprosy. He is paired with Iza Calzado in this movie.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results