Luis Manzano confirms Angel Locsin and Vilma Santos together in drama film

Luis Manzano says girlfriend Angel Locsin (leftmost) will support him if he decides to enter politics.



Kinumpirma ni Luis ang pagsasamahang pelikula ng dalawang babaeng mahalaga sa kanyang buhay: ang kanyang nanay na si Batangas Governor Vilma Santos at girlfriend na si Angel Locsin.

“Yung precise details hindi ko pa alam, pero ang pagkakaalam ko, na kay Angel na yung script, dinaanan na niya yung script one time,” pahayag ni Luis sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at isa pang reporter sa recent press conference ng movie niyang Moron 5.2 The Transformation.

“Siyempre script na yon, ayoko nang pakialaman pa 'yon. Base sa kwento na narinig ko sa kanya, drama. [It’s] under Star Cinema.

“I think inaayos pa nila kung sino yung lalaki. I think nakausap na nila—I could be wrong, ha—I think they spoke to Coco Martin, si Echo [Rosales]. Nakausap din nila si Xian [Lim].”

Sino ang magdidirek ng pelikula?

“I think si Inang, Direk Olive [Lamasan]. I could honestly be wrong,” sagot ng actor-host.

“Dapat naga-grind na sila ngayon based on their initial timetable, they’re supposed to start already so I guess hindi lang nasusunod ang timetable.”




Luis Manzano, Governor Vilma Santos and Angel Locsin were photographed together at Zion's birthday party

Samantala, sinabi ni Luis na naka-recover na ang kanyang ina pagkatapos pumanaw ang kanyang assistant na si Aida Fandialan noong Hulyo.

Read: Governor Vilma Santos still in shock over longtime aide's death: "Kaya siguro ang hirap tanggapin. It was too sudden."

Nagkaroon kasi ng ilang ulat na nagkasakit ang Star for All Seasons pero nilinaw ni Luis na dala iyon ng stress.

“Nagkataon lang na namatay si Ate Aida, who’s very close to her na talagang kapamilya na namin.

“Stress got to her lang, kumbaga after acceptance, the body followed.

“Okay na, she’s back to work, back to normal, regular mommy na makulit, na naglalambing na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, inusisa rin si Luis kung may posibilidad na pasukin ni Angel ang pulitika balang araw, lalo pa’t kilala ang aktres sa pagtulong sa publiko sa panahon ng pangangailan.

“Actually, she’ll be a perfect servant kung sakali man.

“Kung sakali she decides to enter politics, she’d be the absolute perfection sa isang servant.”

Very supportive naman daw ang kanyang girlfriend sa kanya kung sakali mang ituloy ni Luis ang pagpasok niya sa pulitika.

“Sobrang suporta [ni Angel]. Ni isang kusing ng duda, nothing. Talagang support all the way,” ani Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN