Title daw ng Hollywood film ni Arnel Pineda: "Crazy Little Asian."

by Noel Orsal Text: Rommel R. Llanes
Nov 19, 2019
Biro ni Arnel Pineda, bagay raw na maging title ng Hollywood film niya ay "Crazy Little Asian." Samantala, ini-reveal niyang ilang beses na pala siyang in-approach para maging isa sa mga mentors sa "The Voice Philippines" ngunit hindi ito natuloy. Bakit kaya?
Video: Noel Orsal.

Nagbigay ng update si Arnel Pineda sa napabalitang paggawa ng Hollywood film na base sa kanyang buhay.

Ani Arnel, katatapos lang siyang interbyuhin ng Crazy Rich Asians director na si Jon M. Chu at ng Joker screenwriter na si Scott Silver. May ilan pa silang kailangang pag-usapang detalye tungkol sa kanyang buhay.

Magsisimula raw sa parteng may sakit ang nanay niya, hanggang sa makasali siya sa kanyang unang banda, at hanggang sa maging lead singer siya ng American rock band na Journey.

Samantala, natanong din si Arnel kung payag ba siyang maging mentor ng mga baguhang singers, katulad ng ginagawa ng katulad niyang world class Filipino artist na si Lea Salonga sa The Voice.

Ini-reveal ni Arnel na ilang beses na siyang in-approach para maging isa sa mga mentor ng naturang Kapamilya show, ngunit hindi magtagpo ang kanilang schedule.

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Biro ni Arnel Pineda, bagay raw na maging title ng Hollywood film niya ay "Crazy Little Asian." Samantala, ini-reveal niyang ilang beses na pala siyang in-approach para maging isa sa mga mentors sa "The Voice Philippines" ngunit hindi ito natuloy. Bakit kaya?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results