Watch Now

Bidaman winner Jin Macapagal thankful to non-showbiz GF for supporting his debut movie Damaso

by Rose Garcia
Nov 22, 2019
Bidaman winner Jin Macapagal is cast as Crisostomo Ibarra in the musical film Damaso.
PHOTO/S: Noel Orsal


Masayang-masaya ang Bidaman winner na si Jin Macapagal sa reaksyon ng mga nakapanood ng pagganap niya bilang Crisostomo Ibarra sa musical film na Damaso.

“Kasi po, first movie ko ‘to. Hindi ko alam kung paano tatanggapin ng mga tao,” lahad ni Jin.

“Pero natuwa naman po ako sa naging reaction nila. At may chemistry rin daw po kami ni Maria Clara.”

Ang gumanap na Maria Clara sa Damaso ay si Riva Quenery.

“Nagkakilala na po kami sa It’s Showtime. Dati po siyang GirlTrends and nag-click din po kami kasi. Bisaya siya, Bisaya rin ako. Kaya parang naging kumportable po kami.”

Bisaya rin ang non-showbiz girlfriend ni Jin. Mula sa Cebu ay lumuwas ito sa Manila para sa premiere ng Damaso.

“Parang Ibarra lang po, ipaglalaban din ang pagmamahal,” nakangiting sabi ni Jin.

Anim na taon na sila ng girlfriend niya. Naging magkarelasyon sila habang nasa kolehiyo.

Suportado siya ng girlfriend sa showbiz career niya. Binibigyan din niya ito ng assurance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jin sa press con ng Damaso noong November 15 sa 55 Events Place, Q.C. Bida rin dito sina Vina Morales bilang Sisa at Arnell Ignacio bilang Padre Damaso.

Bilang winner sa Bidaman ng It’s Showtime, ang management contract ni Jin ay sa show at hindi sa ABS-CBN Star Magic.

Kaya ang It’s Showtime management ang tumatanggap ng mga proyekto na gagawin niya.

Aminado si Jin na may mga nabago na sa buhay niya simula nang manalo siya sa nasabing contest.

“Mas marami na po ang nakakakilala sa akin and yun po, parang do’n ko po nalaman kung sino talaga ang mga taong mahalaga sa akin, kasi, nandoon ang anxiety.

“Siyempre, sino ang tatakbuhan mo kung hindi ang pamilya mo lang? Nandoon po sila palagi para sa akin. So, blessing, napakaraming blessing.

“Nagkaroon po ako ng mga TV guestings after. At personally po, sa pagkatao ko, confidence. At saka siguro ako po, hindi ko pa totally masasabi na kilala ko na ang sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi, hindi ko po alam ang mga gusto ko pang gawin and nae-enjoy ko po ngayon ang ginagawa ko.”

Itinanggi ni Jin na sa pagpasok ng Bidaman finalists sa It’s Showtime, nagkaroon ng kumpetisyon sa kanila ng Hashtags.

“Hindi po,” tanggi niya.

“Siguro po, yung mga tao, parang ginagawang ganun. Pero inside, napaka-welcoming po nila. Very friendly at tinuturuan po kami ng Hashtags po.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bidaman winner Jin Macapagal is cast as Crisostomo Ibarra in the musical film Damaso.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results