JM de Guzman felt intimidated by Angelica Panganiban; the actor admits: “I get my high sa workout.”

JM de Guzman is paired with Angelica Panganiban in the 2014 Cinema One entry That Thing Called Tadhana. It is one of the ten films that will compete in the 10th Cinema One Originals film festival that will run from November 9 to 18, 2014.



Ikinagalak ni JM de Guzman ang pagkapili sa kanya para maging leading man ni Angelica Panganiban para sa Cinema One Originals: Intense entry titled That Thing Called Tadhana.

Ito ang ipinahayag ni JM nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launching presscon ng Cinema One Originals noong November 4 sa 9501 Restaurant, ELJ Building, ABS-CBN compound.

Kamusta naman katrabaho si Angelica Panganiban?

"Kinabahan nga ako, e, na-intimidate ako kasi first time ko siya nakatrabaho at ang tagal na niya sa industry.

"Naovercome ko yun kasi magaan naman siya katrabaho.

"Sobrang professional niya ang yung willingness niya to bring out the best, makikita mo. Nakaka-inspire."

Dagdag pa ni JM: “Magkahalong saya at excitement ang nadama. Masarap lang talaga ang pakiramdam na nakatapos ka ng isang pelikula.”

“Maraming first time ito. First time ko sa Cinema One Originals. First time ko makatrabaho si Direk Antoinette Jadaone. And first time ko uli makagawa ng pelikula after two years.”

In this movie written and directed by Antoinette Jadaone, JM plays Anthony who is an artist.

“Medyo iba ang pananaw siya sa buhay, about love, about moving on. Parang hindi ito basta love story kundi story about life din. Paano ka magmo-move on sa buhay kapag may nawala sa iyo,” kwento ng actor.

Paano siya nakuha for the role of Anthony?

“Noong pumunta ako sa set ng She’s Dating A Gangster, where I did a cameo role, si Dan Villegas who is the DOP [Director of Photography] told me na may ibibigay siya sa akin na script. Nang mabasa ko, I told him na sana sa akin na mapunta ang role sa movie, huwag na sana nila ibigay sa iba.

“Then I met Direk Tonette over dinner. Sabi ko gusto ko ang script na ibinigay nila sa akin. Wala pa akong alam kung sino ang partner ko so mas lalo akong kinabahan nang malaman ko na si Angelica ang partner ko sa movie. Naisip ko na baka tanggalin ako sa project kasi baka isipin ng ABS-CBN bosses na di ako bagay na ipareha kay Angelica so natuwa ako na sa akin talaga napunta ang role.”

Nag-enjoy si JM working with Angelica.

“Masarap katrabaho si Angelica, hindi lang sa pag-arte kundi bilang isang tao rin. Magaling siya magtrabaho, sobrang professional. Ibang klase siyang magtrabaho. And I consider it a blessing na nakasama ko siya sa pelikula,” dugtong pa niya.

Kumusta working with her?

“Sobrang disiplinado, ibang klase rin siya kung magtrabaho. Ang dami kong natutuhan sa kanya, kung paano umatake ng character. Kung wala naman kaming ginagawa, we talk, kalog siya. Masarap siyang kasama.”

May kissing scene o love scene ba sila ni Angelica?

“Wala po kasi wala naman sa script."

Hindi ka ba nanghinayang?

“Hindi naman sa nanghihinayang ako na wala sa bed scene or love scene or kissing scene. Hindi naman sa ayaw ko gumawa ng ganoon eksena. Wala lang talaga sa script,” pahayag ni JM.

Sobrang happy si JM na naka-move on na siya after nawala siya sa showbiz ng isang taon dahil gumamit siya ng drugs at sumailalim siya ng rehabilitation.

“Kailangan ma-maintain ko na ito. Parang I should not commit the same mistakes again para di na ako mawala uli. I have to be focused sa career na ngayon.”

Naging sports-minded raw lalo ang 26-year-old actor.

"Pag wala akong trabaho, nasa gym lang siya to work out o kaya para mag-boxing or wrestling, o muay thai. O kaya pupunta siya ng UP para tumakbo.

“I get my high sa workout,” pag-amin ni JM.

Nang tanungin kung umaasa siyang manalo ng award for That Thing Called Tadhana, sinabi ni JM na pinapatay niya ang kanyang expectations pagdating sa mga awards.

“Kasi kong mag-expect ka at hindi mo makuha, madi-disappoint ka lang. Mas okay na sa akin yung nakagawa ako ng pelikula.”

That Thing Called Tadhana ang isa sa ten competing entries sa 10th edition ng Cinema One Originals film festival.

Directed by Antoinette Jadaone, ang light romance movie na ito ay tungkol sa heartbroken woman na si Mace (played by Angelica) na makikilala si Anthony (played by JM). Iimbitahan ni Mace si Anthony na sumama sa kanya sa isang road trip papuntang Baguio at Sagada.

Masasaksihan ang entries ng 2014 Cinema One Originals mula November 9-18 sa Fairview Terraces, Glorietta, Trinoma, at Greenhills Dolby Atmos.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN