Iza Calzado on MMFF box office: "Vice, share naman some of your money kasi I also want to get rich!"

by Rommel Gonzales
Nov 22, 2019
Iza Calzado reveals that she wanted to invest in the indie film Bliss but she was rejected in the past.
PHOTO/S: Noel Orsal

Isa si Iza Calzado sa producers ng MMFF 2019 official entry na Culion, kung saan isa siya sa mga bida.

“Meron akong konting perang inilagay,” sambit ni Iza.

Bakit napili ni Iza na sa Culion mag-invest?

“Well siyempre, unang-una sa lahat, Ricky Lee script siya. Ikalawa, lead ako,” at tumawa si Iza.

“So nag-bakasakali lang ako. Actually nagtanong ako kay Shandii [Bacolod], ‘May posibilidad ba?’ Ang dali nilang kausap, agad-agad, oo!

“Kasi, nung Bliss, nag-offer din ako, e, but they said no.”

Bakit tinanggihan siya noon?

“Ewan ko, sa kanila iyon, e, it’s none of my business.”

May pressure ba na bukod sa pagiging aktres ay producer din siya ng Culion?

“Hindi siya pressure, e. I think it’s more of excitement. Hindi ko napi-feel na pressure kasi nakapasok na nga kami sa MMFF, e. Ano na nga ito e, God’s grace, di ba?

“And whatever happens is His will. It is beyond our control. Tapos na namin ang pelikula e, nagawa na namin lahat ng mga trabaho namin.

Continue reading below ↓

“Now what we’re doing is, of course, marketing it but with the performance, the execution of our director, tapos na. Hindi ko pa napapanood, and to overthink something is unnecessary.

“So I think I would just like to enjoy the process, kasi nga it being the first film that I’m actually producing for, sa totoo lang it’s my very first MMFF film that I am the lead.

“And it’s a very important film. For me, it’s not so much as I should win an award, it’s not that, e.

“I just want that all of us will be commended for the work that we did.”

May mga nagsasabi na malaki ang chance na humakot sila ng awards sa gabi ng parangal ng MMFF 2019.

“Hmmm… thank you! Alam mo, of course, it would be hypocritical of me to say that we don’t want an award. Dyusko, charotera ba tayo ng taon? Heller!

Continue reading below ↓

“Siyempre, I mean it would be nice but I will not lose sleep if we don’t. The fact that we are in MMFF is already a blessing.”

Biro namin kay Iza, handa ba siyang sabihing, “Vice Ganda, iyo ang box-office, amin ang award?”

“Hindi! Gusto ko nga ng pera, e, di ba?!” at tumawa si Iza. “Ayokong sabihin yun, producer ako, e. Ang gusto kong sabihin, ‘Vice, share naman some of your money kasi I also want to get rich!’

“Hindi… ayoko, gusto ko ring kumita,” ang patuloy na tumatawang sinabi ni Iza.

“Well it would be nice to have both, di ba? E, para din makagawa kami ng iba pang pelikula pagkatapos ng Culion.”

Nakausap namin si Iza sa announcement kay Joanna Ampil bilang interpreter ng theme song ng Culion na "Kundimang Mahal. Ginanap ang press con noong November 11 sa Marco Polo Hotel, Ortigas, Pasig City.

Ang Culion ay isang lugar sa Palawan na naging tirahan ng mga taong may Hansen’s disease o leprosy o ketong.

Continue reading below ↓

Ngayon ay nagsisimula na itong maging tourist destination mula noong magkaroon ng lunas ang leprosy.

“Napakaganda po ng Culion, napakabait po ng mga tao,” pahayag ni Iza.

“Huwag natin silang tratuhin na naiiba sa atin. Dahil tao din po sila na kagaya natin.

“At wala na po, wala na po yung sakit. You know what? Kahit pa meron, you know what I mean?

“I don’t think we should frown upon others just because we are privileged to not be going through what they are going through.

“Siyempre, naaawa tayo, but I think more than the awa, what they need is just for us to understand them and respect them, still as human beings, regardless of whatever it is that they are going through.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iza Calzado reveals that she wanted to invest in the indie film Bliss but she was rejected in the past.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results