Nagulat si Bela Padilla sa iginawi ng Japanese audience matapos panoorin ang pinagbibidahan niyang pelikula na Mañanita sa Tokyo International Film Festival 2019.

Isa sa mga entry sa international competition ng mga pelikula ang Paul Soriano-helmed movie na ito tungkol sa isang babaeng retired military sniper.

Nasaksihan ni Bela kung gaanong na-appreciate ng mga Hapon ang kanilang pelikula at kung paanong tinapos muna ng mga ito maski ang pag-roll ng credits o paglabas ng mga pangalan ng mga involved sa production, bago tumayo at nagpalakpakan.

Sabi nga ng nag-i-interview sa kanyang si Mario Dumaual ng ABS-CBN News, "Iba yung respeto, ano, sa mga Hapones?"

Kinumusta rin kay Bela ang balitang nagka-crush pa raw ang isa sa organizers ng film festival sa Japan nang makita siya nang personal.

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

HOT STORIES

NOOD KA MUNA!

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results