Ariel Villasanta reveals how he convinced President Duterte, other celebs to do cameos in reality movie

by Rommel Gonzales
Nov 25, 2019

“Kinakabahan ako na excited, halu-halo,” bulalas ni Ariel Villasanta tungkol sa kanyang pelikulang Kings of Reality Shows.

“Kasi sana, magustuhan nyo. Sana, magustuhan ninyo at basta’t ako, kung ano’t anuman ang mangyari sa pelikulang ‘to e masaya na ako. Kasi, iyung art na ‘to, medyo kakaiba kasi ang comedy nito, e.

“At for the first time in Philippine cinema, may pumayag na Presidenteng sumama rito.

Nag-cameo sa pelikula si Pangulong Rodrigo Duterte.

“Hindi biro ho yun!

“Kaya talagang itong art na ‘to, puwede ko nang masasabing masayang-masaya akong mai-share ko sa inyo ito. Medyo kakaiba ito, first time.”

Akala ni Ariel ay hindi na maipapalabas pa ang pelikula nila ni Maverick na tungkol sa struggle nila sa pag-a-apply sa American Idol sa Hollywood.

“Tapos yung struggle ko kung paano ko siya nabuo, so medyo reyalidad ito, yung nasangla ko yung bahay ko, et cetera.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal)a si Ariel Villasanta bago ang press screening ng reality movie na Kings of Reality Shows nitong November 15, Biyernes sa UP Film Center, UP Diliman, QC.

Continue reading below ↓

Hanggang sa gabing iyon na kausap namin si Ariel ay hindi pa rin sila nagkikita o nagkakausap ni Maverick na co-star niya sa movie.

“Alam mo, okay kami ni Maverick pero sa totoo lang nasaktan siya sa industriya kaya nag-iba na siya ng venture, e. Nasaktan siya e, kaya… medyo masakit talaga.”

Nasaktan si Maverick sa naging direksyon ng showbiz career nila. Eight years ago, nawalan sila ng regular TV shows at halos nawala sa sirkulasyon.

Pero si Ariel, bakit kinaya niya ang mga nangyari, bakit naging mas matibay siya kaysa kay Maverick?

“Kasi, unang-una, may day job ako, e. Siya, walang day job kaya talagang yung impact sa kanya, mas malakas.

“Kumbaga iyan lang ang inaasahan mo, medyo yung medyo umangat nang konti, naiba yung lifestyle, tapos biglang…”

Nawala.

“Oo, e, kaya medyo…”

Marami ring pinagdaang pagsubok si Ariel sa mga nakalipas na taon. Namatay ang ina niyang si Mommy Elvie Villasanta, at naghiwalay sila ng businesswoman na si Cristina Decena.

Continue reading below ↓

“Mabigat din yung sa akin! Alam mo yung sa akin, nung inalis ako sa show, eksaktong Ondoy yun, nasa Provident, lumubog iyung buong bahay namin!

“After nun, e, di inalis ang show, nagka-Ondoy, lumubog ang buong bahay namin, nagka-cancer naman siya [Mommy Elvie].

“Sunud-sunod yung sa akin!”

Mas strong siguro ang personality ni Ariel kaya kay Maverick.

“Puwedeng ganun. Pero eto sasabihin ko lang sa inyo, itong pelikulang ito, tandaan ninyo, Diyos ang may gawa nito!

“Kung ako lang mag-isa, hindi ko naman sila kakilala, e. Diyos ang gumalaw rito, maniwala kayo sa akin.

“Yung pagpayag lang ni Presidente Duterte, ni Mayor Sara Duterte, nila Senator [Antonio] Trillanes...”

Nasa pelikula rin (na palabas ngayong Miyerkules, November 27 sa mga sinehan) in cameo appearances sina Senator Manny Pacquiao, Senator Bong Go, Manila Mayor Isko Moreno, American Idol finalist Jasmine Trias at marami pang iba.

Paano ba ang approach ni Ariel para mapapayag niya ang mga kilalang personalidad na mag-cameo sa pelikula nila?

Continue reading below ↓

“Kasi, kaya sila pumayag, nakakatuwa, e. Sabihin ko, ‘Sir, isa po akong struggling artist,, e, medyo matagal na po akong walang show…’

“E, napapanood pala nila ako dati. Si Mayor Sara sabi, ‘Ariel, I’m watching you nung naglo-Law ako!’

“Kaya lang pumayag, kasi pinapanood pala nila ako dati, natutuwa sila dati kaya sila pumayag.

“Sabi ko, ‘Ma’m, e last chance ko na ito so sana…’

“Alam mo yung pag nariririnig nila yun, kaya sumuporta sila.”

Dahil marami siyang koneksyon, may plano ba si Ariel na pasukin ang pulitika sa 2022?

“Sa totoo lang, dati pa kinukuha akong konsehal sa Marikina.

“Ayoko talaga! Kasi alam mo, kunyari kumuha ako ng isang libo, kumulimbat ako ng isang libo o ten million, pareho lang iyun!

“Kunyari, pambayad ng kuryente ko, medyo kumulimbat ako ng isang libo dito, one thousand o ten million, nakaw pa rin yun!

“Kaya sa akin, eto tandaan niyo, ha, kahit medyo naghihirap ako... importante pa rin, patas akong lumaban.”

Continue reading below ↓

Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho si Ariel sa HR o Human Resource department ng PLDT.

“Under ng HR, sa training department. Sa Creatives, kunyari trainor ka, para maging maganda yung turo mo, may video, gumagawa rin ako ng mga video. Creative ako dun.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results