REVIEW: Coco Martin's 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon relies heavily on formula

by Jocelyn Valle
Jan 2, 2020
Coco Martin (left) once again transforms into Paloma for his MMFF 2019 entry 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon. Jennylyn Mercado is cast as his leading lady in this movie.

3POL TROBOL: HULI KA BALBON

Starring: Coco Martin, Ai-Ai delas Alas, Jennylyn Mercado, Sam Milby

Director: Rodel Nacianceno

Writer: Rodel Nacianceno

Producer: CCM Productions

Release Date: December 25, 2019

Katulad ng kanyang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry noong 2017 na Ang Panday, si Coco Martin din ang lead star, writer, at director ng 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon sa 45th edition ng film fest.

Gamit ni Coco ngayon ang tunay niyang pangalan na Rodel Nacianceno sa writing at directorial credits.

Maraming pagkakapareho ang 3Pol Trobol sa directorial debut niya rin, pero malaki na ang improvement nito.

Ipinamalas ni Coco ang mga natutunan niya hindi lamang sa Ang Panday ngunit maging sa kanyang four-year-old ABS-CBN action-drama series na FPJ’s Ang Probinsyano, kung saan isa na rin siya sa mga direktor.

Bitbit niya ang maraming kasamahan sa Ang Probinsyano, pati na ang past cast members, at nagsama naman ng ilang artista mula sa GMA-7, sa pangunguna nina Ai-Ai delas Alas at Jennylyn Mercado.

Continue reading below ↓

May bonus pa sa katauhan ni Manila Mayor Isko Moreno, na gumaganap sa isang special role.

Sinunod din ni Coco ang formula ng action na may halong comedy, romance, at drama, habang tamang kinalimutan na ang fantasy, horror, at musical elements.

Ang resulta ay naging mas katanggap-tanggap panoorin ang 3Pol Trobol. May dagdag ayos ang kuwento at bawas na ang ingay sa paligid nito.

Kuwento ito ni Apollo “Pol” Balbon (Coco Martin), na pinalaki ng isang single mother (Ai-Ai delas Alas) sa pamamagitan ng sariling karinderya na tinatambayan ng buong barangay.

Nang magtapos ng kursong criminology ay nagtrabaho na si Pol bilang close-in security ni National Defense Agency Secretary Ernesto Guillermo (Rowell Santiago).

Isang upright public servant si Secretary Guillermo kaya nang makuha niya ang isang ledger na naglalaman ng katiwalian sa gobyerno ay hindi siya nag-atubiling isiwalat ito.

Buo ang kanyang loob kahit sangkot pa ang mga kaibigang sina Senator Simon Esguerra (Edu Manzano) at General Damian Calupitan (Tirso Cruz III).

Continue reading below ↓

Nang matunugan ang napipintong expose ay gumawa ng paraan si Senator Esguerra at General Caluitan na mapigilan si Secretary Guillermo at mapagbuntungan ng sisi ang bodyguard nito na si Pol.

Nakatakas si Pol pero kailangan niyang protektahan si Trina Guillermo, ang balikbayang anak ng kanyang napaslang na amo, at ituloy ang expose.

Kaya nagbago siya ng katauhan bilang ang sexy New Yorker na si Pauleen Olivia Margaret, aka Paloma, at nagpanggap na long-lost half-sister ni Trina.

Tinanggap naman siya ni Trina at naging best friends pa sila, kahit na may duda ang ilan sa household nito, tulad ng mayordomang si Yaya Mi (Mitch Valdes).

Sa kabilang banda, umaksyon din si Senator Esguerra sa tulong ng kanyang asawa (Carmi Martin) at kanilang unico hijo na si Andrew (Sam Milby).

Di nagtagal ay nabuko na si Paloma ay si Pol din kaya nagtago siya kasama si Trina at nakarating sa tahimik na bayan ng Balete sa tulong ng ex-boyfriend ng kanyang Nanay Mary na si Joseph (Joey Marquez).

Continue reading below ↓

Habang nagtatago ay nakahanap pa ng trabaho sina Pol at Trina sa farm at ranch ng dating mayor ng Balete na kilala sa tawag na Yor-me (Isko Moreno).

Magandang pagkakataon din ito para mahuhulog ang loob nilang dalawa sa isa’t-isa.

Masusundan sila ng grupo ni Andrew at magkakaroon sila ng madugong engkuwentro.

Sa opening scene pa lang ng 3Pol Trobol ay action-packed na agad ang eksena kunsaan nagkaroon ng shootout sa pagitan ng mga pulis at mga sindikato. Ngunit kung susuriin ito nang mabuti, parang katulad lang nito ang mga barilan na nagaganap sa Kapamilya action series na Ang Probinsyano.

Maging ang karakter ni Coco na si Paloma ay nauna nang napanood sa Ang Probinsyano kaya hindi na rin ito ganun ka-exciting na makita ito sa big screen.

Dahil dito, masasabi na nakadepende ang 3Pol Trobol sa formula na nag-work para sa TV series na Ang Probinsyano.

Bukod pa rito, ang mga ibang supporting characters ay pawang mga co-stars rin ni Coco sa naturang teleserye. Mabuti na lang at may mga nadagdag na mga GMA-7 stars sa lineup tulad nina Ai-Ai at Super Tekla ngunit hindi rin na-utilize masyado ang kanilang comedic flair sa movie na ito.

Continue reading below ↓

Halatang entertainment ang layunin ng pelikula at naibigay ito ni Coco katuwang ang buong cast, kaya mapapalampas ang unbelievable at illogical moments dito.

Kung pure entertainment ang hanap sa panonood ng MMFF 2019, makakamit ito sa 3Pol Trobol.

Ed's Note: The "PEP Review" section carries the views of individual reviewers, and does not necessarily reflect the views of the PEP editorial team.

Continue reading below ↓

Coco Martin (left) transforms into Paloma in this scene with co-star Sam Milby.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coco Martin (left) once again transforms into Paloma for his MMFF 2019 entry 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon. Jennylyn Mercado is cast as his leading lady in this movie.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results