Alessandra de Rossi, Menggie Cobarrubias win acting honors at 2014 QCinema International Film Fest



Kinilala ang stars ng Mauban: Ang Resiko na sina Alessandra de Rossi bilang Best Actress at si Menggie Cobarrubias bilang Best Actor sa QCinema International Film Festival.

Ginanap ang awards night Linggo ng gabi, November 9, sa Cinema 4 ng Trinoma.

Ang awards night ng QCinema IFF ay pinangunahan nina Quezon City Mayor Herbert Bautista, Vice Mayor Joy Belmonte, at ng executive director ng Quezon City Film Development Council na si Ed Lejano Jr.

Hosted by Issa Litton, nagsimula ang awards night sa pamimigay ng plaque of appreciation para sa pelikulang Alienasyon ni Arnel Mardoquio na nakatanggap ng P2 million production grant mula sa Quezon City Government.

Ang Alienasyon ang naging opening film ng QCinema nang magsimula ito noong November 5. Tampok dito sina Spanky Manikan, Tessie Tomas, Shamaine Buencamino, Bing Pimentel, Art Acuna, Manuel Chua. Kess Mendoza, at Meryll Soriano.

Sunod na binigyan ng plaque of appreciation ng pagkilala ay ang limang short film grantees

na tumanggap ng P150,000 pesos bawat isa. Ito ay sina Rob Jara na director ng Tila, Victor Villanueva para sa Ang Nanay Ni Justin Barber, Jed Medrano ng Senior, Grace Simbulan for Bonifacio, at si Miko Livelo ng Sa Ngalan Ni Ultimate Warrior.

Ang mga nabanggit na short film ang magkakasama sa QCX (Quezon City Experience) Anthology na siyang nanalo ng Audience Choice award. Ito ang award para sa pelikulang may pinakamaraming naipon na tickets mula sa mga nanood.

Ginawaran din ng ganitong plaque of recognition ang iba pang filmmakers na tumanggap ng production grants. Ito ay sina M Bonifacio ng pelikulang Tigbao na tumatalakay sa issue tungkol sa desaparecidos, Real Florido ng pelikulang 1st Ko Si 3rd na naging finalist din sa 2014 Cinemalaya New Breed Category, Barbara Politsch for Cemetery Life, a documentary about a group of people living in a society’s fringes.

Kasama rin dito sina William Mayo, Edgardo Boy Vinarao, at Jose Carreon para naman sa Tres na isang trilogy of literary adaptations, si Cha Escala at Wena Sanchez ng Nick and Chai, isang documentary film naman tungkol sa typhoon Yolanda victims.

May plaque of recognition din ang mga filmmakers na nabigyan ng post production grant.

Sila ay sina Baby Ruth Villarama para sa Little Azkals, Lemuel Lorca for Mauban: Ang Resiko, Carl Joseph Papa para sa Ang Di Paglimot Ng Mga Alaala, Christopher Ad Castillo para sa In Darkness We Live, at Neil Tan para naman sa Bigkis.


WINNERS OF QC IFF. Ang 1st Ko Si 3rd na pinagbibidahan nina Nova Villa at Freddie Webb ang nanalo ng gender Sensitivity Award. Nominado rin sa kategoryang ito ang pelikulang Bigkis.

Itinanghal na Best Actress si Alessandra de Rossi para sa pelikulang Mauban: Ang Resiko.

Ang iba pang nominado ay sina Nova Villa for 1st Ko Si 3rd, LJ Reyes sa Bigkis, Rossana Roces para pa rin sa Bigkis, at RC Penafrancia para sa Tres.

Hindi dumating si Alessandra de Rossi kaya ang director ng pelikulang Mauban: Ang Resiko na si Lemuel Lorca ang tumanggap ng trophy para sa kanya. Sinabi nito na kausap niya ang aktres bago ang awards night pero wala siyang sinabi kung bakit hindi ito nakarating.

Nanalong Best Actor naman ang character actor na si Menggie Cobbarubias para pa rin sa pelikulang Mauban: Ang Resiko.

Tinalo niya ang iba pang nominadong sina Alex Medina ng In Darkness We Live, Jess Mendoza para sa Mauban: Ang Resiko, Lou Veloso sa Tigbao, Mon Confiado para sa In Darkness We Live.

Sabi ni Menggie sa kanyang acceptance speech… “’Yong una ko award, 35 years ago. Allow me to dedicate this trophy, kaya lang po ako nakapag-artista ay pinayagan akong mag-resign sa trabaho ng aking asawang si Gina.”

Ang Nanay Ni Justin Barber kung saan tampok si Giselle Sanchez ang nanalo ng NETPAC Jury Prize For Short Film. Nominado rin dito ang Tila, Bonifacio, Senior, at Sa Ngalan Ni Ultimate Warrior.

NETPAC Jury Prize For Best Film winner naman ang Di Paglimot Ng Mga Alaala. Ang iba pang nominees sa kategoryang ito ay ang Little Azkals at Nick And Chai.

Emosyonal ang direktor ng Di Paglimot Sa Mga Alaala na si Carl Joseph Papa nang umakyat sa stage para tanggapin ang nasabing award.

Maluha-luha niyang pahayag, “Thank you very much Quezon City. Gusto ko lang po talagang i-dedicate ‘yong film sa nanay ko because para sa kanya ito. Ginawa ko talaga ito para sa kanya. Sobrang salamat sa lahat ng tumulong sa akin especially my sister who is my assistant director in the film and my actress Pia Franco.”

Magkakalaban naman para sa Best Picture ang Mauban: Ang Resiko, Di Paglimot Ng Mga Alaala, Tigbao, 1st Ko Si 3rd, at Nick And Chai na siyang nagwagi sa kategoryang ito.

Hindi raw inaasahan ng mga director nito na sina Cha Escala at Wena Sanchez na ang kanilang pelikula ang tatanghaling Best Picture. Bukod sa trophy ay may cash prize na P300,000 silang natanggap.

Sabi ng dalawang bagong sibol na filmmakers, “Before kami napansin ng Busan [film festival sa Korea] or before IDFA, it was QCinema who first noticed us ang gave their support. So thank you so much.

“Thank you to our family and friends. Also to Kuya Nick and Ate Chai for giving us the opportunity na pumasok sa buhay nila.

“I mean kung kami ‘yon na namatayan kami ng mga anak and then may filmmakers na papasok, maiinis kami.

“Pero they are very accommodating to us. This is for the Filipinos and for the victims of Yolanda.

“Maraming salamat sa QCinema. Actually sobrang hindi namin ito ini-expect.

“Naghu-hope kami na sana kahit Audience Choice… sa prize nito na P100,000. Kasi marami pa kaming utang.

“Sa lahat ng tumulong, maraming salamat. Pati sa mga kaibigan po namin na tumulong dito. Nag-ambag-ambag… five thousand, two thousand pesos, ‘yong gano’n para lang matapos ‘yong pelikula.

“Sa lahat yata ng mga kaibigan naming may utang pa rin kami hanggang ngayon. So maraming salamat.

“Alay namin ito sa mga biktima ng Yolanda. At kina Kuya Nick at Ate Chai na nawalan ng apat na anak.”

Pagkatapos ng awards night, usap-usapan kung bakit iilan lamang ang mga artistang dumating.

Isa sa highlight ng 75th anniversary ng Quezon City ang QCinema International Film Festival kaya marami ang nag-akala na magiging star-studded ito.

Bukod sa Best Actor winner na si Menggie Cobarrubias at isa sa best actor nominees na si Mon Confiado, ang iba pang namataan dumalo rito ay ang mag-inang Isabel at Mara Lopez kasama si Leo Martinez na kabilang sa cast ng full-length film na Tres, Dennis Padilla, at si Jaclyn Jose (na isa sa mga naging jury members ng QCinema festival entries).

Maraming moviegoers ang nagpakita ng kanilang suporta sa mga pelikulang tampok sa QCinema International Film Festival na ongoing hanggang November 11 sa Trinoma, November 12-14 sa Fairview Terraces and November 15-17 sa Robinsons Magnolia.

Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Herbert Bautista at QCIFF Festival Director Ed Lejano na willing ang Quezon City na magbigay ng pondo para sa future edition ng Cinemalaya.

(To read related article, CLICK HERE)


Narito ang listahan ng mga nanalo sa 2014 QCinema International Film Festival:

Audience Choice Award: QCX (Quezon City Experience) Anthology
Gender Sensitivity Award: 1st Ko Si 3rd by Real Florido
Best Actress: Alessadra de Rossi (Mauban Ang Resiko)
Best Actor: Menggie Cobarrubias (Mauban Ang Resiko)
NETPAC Jury Prize for Best Short Film: Ang Nanay ni Justin Barber
NETPAC Jury Prize for Best Full-length Film: Ang Di Paglimot ng Alaala
Best Picture of The Circle Competition: Nick and Chai by Cha Escala and Wena Sanchez

Nick and Chai received special citation for its "intimate observational documentary about a heartbreaking tale that manages to convey an inspirstional and positive message"

Senior by Jed Medrano received a special award for its excellent portrayal of old age

Ang Di Paglimot sa Alaala received special citation for "its portrayal of grief and loss through a very innovative marriage of fiction and documentary elements"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN