REVIEW: Unbreakable starring Angelica Panganiban, Bea Alonzo

Angelica Panganiban (left) and Bea Alonzo portray two women whose friendship get tested in the movie Unbreakable.
PHOTO/S: Unbreakable (ABS-CBN)

UNBREAKABLE

Starring: Angelica Panganiban, Bea Alonzo, Richard Gutierrez, Ian Veneracion
Director: Mae Cruz-Alviar
Writer: Vanessa Valdez
Producer: Star Cinema (An ABS-CBN Films company)
Release date: November 27, 2019

Rachelle Siazon

Lakas maka-hook sa Unbreakable ang funny antics ni Angelica Panganiban na hindi takot magwalanghiya ng sarili para sa build-up ng character niyang si Deena.

Si Deena yung friend mo na baliw pero nakaka-good vibes kasama.

Very Angelica in real life ang humor kaya nagmukhang natural ang bitiw ng jokes na na-enjoy ko as a moviegoer.

Get ready to meet Chestita and Chabelina! Hahaha!

Gusto ko yung tahi na total opposites sila ni Bea Alonzo, who plays the character of Mariel na sobrang goody goody two shoes.

Siya yung friend mo na never mag-cut ng class at never masasangkot sa gulo—almost perfect.

How can these two seemingly different people be the best of friends, right?

For me, this is where the magic of the movie begins.

Continue reading below ↓

Yung exposition ng universal truth about how painful trials bring out the worst in us.

Only when we learn to face the ugliest parts about who we are can we conquer life as we know it.

Jimpy anarcon:

I agree. Bagay na bagay sila Angelica at Bea sa mga roles nila!

Sobrang comic relief ang na-provide ng character ni Angelica, at marami kang matututunan mula sa lines ni Bea, which she delivered na maniniwala ka talaga.

In fairness to the material, kung ang One More Chance ang anatomy of a break-up, Unbreakable seems to be the anatomy of a friendship.

Maipapakita kung paano mabuo at mag-grow ang isang friendship hanggang sa dumaan ito sa mga trials. Darating sila sa punto na kailangan nilang gumawa ng choice: kung maayos pa ba or just let things be and accept that there are relationships na nagu-grow apart.

Ang ganda rin ng pagkakatahi ni Vanessa Valdez sa script because ipinakita talaga yung bawat stage ng pinagdadaanan ng magkaibigan—as partners and as individuals.

Continue reading below ↓

I think what the movie is trying to show is that no relationship is perfect.

Parang love lang din, you cannot give your all kung meron ka pang mga baggage na hindi mo ma-settle sa sarili mo.

And sometimes, it will take its toll on you and might risk your relationship with others. Ito yung natutunan ko sa relationship ni Deena and Mariel.

I also love how the writer used the planting and pay-off device, dahil na-plant yung idea nang maayos, na akala mo, wala lang siya sa movie, yun pala, may reveal later na integral part ng pelikula.

At siksik din sa ganap yung movie. So kung tulad kong maikli ang attention span mo sa panunuod, this is the perfect movie dahil ang dami talagang nangyayari.

Di nga ako nakapag-CR or nag-check ng phone kasi parang every sequence may nangyayari!

Rachelle Siazon

My gosh! Ang sakit sa dibdib nung confrontations nina Angelica at Bea.

Continue reading below ↓

Match ang galing sa aktingan, pero nakakatuwa na may kanya-kanya silang peak moments.

Iba magpaiyak si Bea, dramahan talaga. Yung kay Angelica, mapa-comedy or drama, dalang-dala. Gugulatin ka na lang sa kung ano ang ipapakita niya.

Gigil naman ako sa pagiging monster-in-law ni Gloria Diaz. Effective yung pagmamaldita sa mga titig niya kay Bea at pagsabi ng 'whatever!' Hahaha!

Acting-wise, may iba lang na supporting characters na sana mas na-push pa para makasabayan sa pag-shine ng dalawang lead stars.

Jimpy Anarcon:

The boys are eye candies as well.

Ang pogi ni Ian Veneracion and Richard Gutierrez! Bagay na bagay sila bilang leading men of the two girls.

Important din ang characters nila dahil may kinalaman sila sa mga mangyayari sa friendship ng dalawa.

Hindi lang masyadong nabigyan ng highlight because, sabi nga, Unbreakable is really a friendship story.

Rachelle Siazon

Agree ako, Jimpy, dun sa siksik sa ganap kaya no dull moment ang Unbreakable. Sulit ang bayad ng moviegoer dahil ma-entertain ka until the very end.

Continue reading below ↓

Yun nga lang, medyo jarring kung minsan yung ibang transitions dahil sa dami.

I totally feel for each of the characters battling with inner struggles at malinaw naman yung naipakita sa movie.

Mapapaisip ka lang kung lahat ba talaga trials na yun pinagdaanan nila? In real life, possible kaya yun? What will you do if you were in their shoes? Kakayanin mo ba?

I guess, dito rin papasok yung kung may part ba sa movie na naka-relate sina Bea at Angelica?

Sabi nga nila, marami na silang nalampasang pagsubok sa buhay na nakatulong sa kanila sa pelikula.

Jimpy Anarcon

Nakakatuwa din for Unbreakable that the material matched the acting calibre of the cast, especially the two leads.

Ang daming touching and eye-opening moments that viewers must watch for!

Pro tip: Magdala ng tissue para sa mga touching scenes!

I would recommend that you watch this movie with your closest friend because, gasgas na ito but for sure, a lot of us can relate because each one of us is a friend and has a friend.

Continue reading below ↓

Of course, this is still cinema and you might think medyo grabe or exaggerated ang ilang eksena.

But at one point, lahat tayo nagkaroon ng struggles and conflicts in our lives kung saan kinailangan nating mamili kung ano ang tama sa sitwasyon na iyon.

Ed's Note: The "PEP Review" section carries the views of individual reviewers, and does not necessarily reflect the views of the PEP editorial team.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban (left) and Bea Alonzo portray two women whose friendship get tested in the movie Unbreakable.
PHOTO/S: Unbreakable (ABS-CBN)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results