Two Darna stars in one photo: Marian Rivera finally meets Jane de Leon

Nov 27, 2019
Marian Rivera (left) finally meets her successor, new "Darna" actress Jane de Leon, on Tuesday, November 26.
PHOTO/S: @marianrivera on Instagram, Belo Medical Group PR

Maraming fans ang natuwa na nagkakilala na sa wakas sina Marian Rivera at Jane de Leon—ang dati at ang bagong Darna.

Sa unang pagkakataon, nagkaharap sina Marian at Jane sa opening ng bagong Belo Medical Clinic nitong Martes, November 26.

Star-studded ang event sa One Bonifacio High Street Mall sa BGC, Taguig City, na dinaluhan din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nagyakap sina Marian at Jane nang dumating ang Kapuso Primetime Queen sa event, bandang 4:30 ng hapon.

Sinabi ni Marian kay Jane: “Finally, I met you! Good luck!"

Nang araw ring iyon, ipinost ni Marian sa kanyang Instagram Story ang litrato nila ni Jane sa event.

Caption ng 35-anyos na Kapuso actress (published as is): “Nice to meet you jane! (two hearts emoji)”

Continue reading below ↓

Ngayong Miyerkules, November 27, ipinost din ni Jane ang parehong litrato sa kanyang Instagram wall.

Saad sa post ni Jane: “Happy to finally meet you po @marianrivera Thank you for all your kind words and sana magkawork po tayo soon! (hugging face, two hearts emojis) #Darna”

View this post on Instagram

Happy to finally meet you po @marianrivera Thank you for all your kind words and sana magkawork po tayo soon! ???????? #Darna

A post shared by J A N E (@imjanedeleon) on

Simpleng “Muah (heart kiss emoji)” naman ang sagot ni Marian sa 21-anyos sa Kapamilya actress.

Continue reading below ↓

FANS REACT

Sa comment section, nagpahayag ng tuwa ang parehong fans nina Marian at Jane na finally ay nagkakilala na ang dalawang Darna actresses.

Sinabi nilang parehong maganda sina Marian at Jane, at may nagsabi pa ngang magkahawig sila at pupuwedeng magkapatid.

Continue reading below ↓

Si Marian ang huling gumanap na Darna nang magbida siya sa Mars Ravelo’s Darna primetime series ng GMA-7 noong 2009, o sampung taon na ang nakalipas.

THE OTHER DARNA ACTRESSES

July 2019 nang ihayag ang pagpili kay Jane para magbida sa Darna movie ng Star Cinema.

Pinalitan ni Jane si Liza Soberano, na unang nakumpirma para gumanap sa pelikula bilang ang sikat na Pinay superheroine.

Continue reading below ↓

Abril ngayong taon nang kinailangang mag-backout si Liza sa proyekto dahil sa natamo niyang finger injury, na nangailangan ng operasyon.

Si Angel Locsin ang orihinal na bida sa pinakaaabangang Darna movie.

Pero hindi natuloy ang aktres sa dapat sana ay muli niyang pagganap sa iconic role.

Napilitan si Angel na bitawan ang project dahil sa problema sa kanyang spine.

Bago si Marian, si Angel ang unang gumanap na Darna sa telebisyon noong 2005, sa GMA-7 din.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera (left) finally meets her successor, new "Darna" actress Jane de Leon, on Tuesday, November 26.
PHOTO/S: @marianrivera on Instagram, Belo Medical Group PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results