Daniel Padilla, Glaiza de Castro win top acting honors in 37th Luna Awards 2019

by Jerry Olea
Dec 1, 2019
(L-R) Mon Confiado, Daria Ramirez, and Christian Bables personally received their trophies during the awards night of the 37th Luna Awards 2019.
PHOTO/S: Mark Atienza

Walang leakage sa 37th Luna Awards ng Film Academy of the Philippines (FAP) nitong Nobyembre 30, 2019 Sabado nang gabi sa Maybank Performing Arts Theater, BGC, Taguig City.

Kahit iika-ika ay dumating si Direk Chito Roño na nominadong best director para sa Signal Rock.

Second to the last ang announcement ng best director at hindi niya iyon nahintay. Nakaalis na si Direk Chito sa venue nang ihayag ang kanyang pagkapanalo.

Ang tumanggap ng kanyang tropeyo ay si Christian Bables, na gumanap bilang pangunahing karakter na si Intoy sa movie.

Ayon sa katotong Jun Lalin, inihatid kapagkuwan ni Christian kay Direk Chito ang tropeyo sa Manila Peninsula Hotel.

ABSENTEE WINNERS

Wala ang best actor na si Daniel Padilla (The Hows of Us). Nasa Dubai, UAE ito kasama si Kathryn Bernardo for a prior commitment.

Wala ang best actress na si Glaiza de Castro (Liway). Dumalo si Glaiza sa Nominees’ Night noong Nobyembre 20 sa Delgado.112 restaurant, Quezon City.

Continue reading below ↓

Ang tumanggap ng award ni Glaiza ay ang direktor ng Liway na si Kip Oebanda.

Inilahad ni Direk Kip na lahat ng mga nakapaligid kay Glaiza ay ayaw na gawin ng GMA-7 actress ang nasabing indie movie.

Continue reading below ↓

“She was doing a teleserye that required her to do kickboxing on heels, and do stunts. And so, dumarating siya sa set namin, walang tulog,” kuwento ni Direk Kip.

“Blonde ang buhok niya, kukulayan namin nang isang oras. Pero despite that, naglakad siya sa putik, sa bundok.

“Dumating sa point, by the end of Liway na hindi na siya makabigay ng emosyon. Kasi, ubos na ubos na ubos siya sa role.

“At ginamit namin iyon sa cut.

“Ganoong klaseng artista si Glaiza de Castro, and she deserves this.”

Pumalakpak nang husto ang audience.

Wala ang best supporting actor na si Arjo Atayde (Buy Bust). Ikailang pagwawagi na ba niya ito na absent siya sa awards night?

Continue reading below ↓

Nasurpresa ang best supporting actress na si Daria Ramirez (Signal Rock).

“Hindi ko po ito ine-expect tonight, really,” masayang sambit ni Daria, na takaw-pansin ang cleavage.

Masigabo ang palakpakan ng mga tao.

Pagpapatuloy ni Daria, “Suwerte pala uli ang paglabas ng cleavage ko! For the very long, long time after... 1978? Yes! Aguila. Yes.

Continue reading below ↓

“Well, to 37th Film Academy Luna Awards, thank you so much for this award talaga! Maraming-maraming salamat po!

“At sa bumubuo ng Signal Rock, of course, my son Intoy is here... Christian Bables. And my director, our director, Chito Roño. And the rest of the group ng Signal Rock.”

Hmmm... Pebrero 1980 ipinalabas ang Aguila na pinagbidahan ni Fernando Poe Jr. kaya sa 5th Gawad Urian noong 1981 naging best supporting actress si Daria.

Ang best director sa Luna Awards ay si Chito Roño para sa Signal Rock, pero ang best picture ay ang Goyo: Ang Batang Heneral na idinirek ni Jerrold Tarog para sa TBA Studios.

Nasurpresa ang producer na si Vincent Nebrida na napabulalas, “Oh, my God! The competition was tough!”

Continue reading below ↓

Ani Vincent, hinahangaan niya lahat ng mga pelikulang nominado ngayong taon sa Luna Awards.

“Of course, when I’m surprised, I’m also very humbled and very proud of this, ‘no, of this award that I’m accepting obviously, and especially on behalf of the two driving forces ng TBA Studios, namely Mr. Ed Rocha and Mr. Fernado Ortigas.

“If we could just give them an applause, kasi, talagang sila po ang nagdadala...”
Pumalakpak ang audience.

“I thank you both,” pagpapatuloy ni Vincent. “Thank you, Ed, Fernando. And, of course, itong Goyo, you know, ito ang pangalawa sa trilogy na gusto naming matapos, ‘no?

“Pangatlo yung tungkol kay Quezon. Thank you po sa Goyo team. Direk Jerrold [Tarog], congratulations! Congrats and thank you to you and to all your team, ‘no?

“Maraming salamat! Ako po’y hindi makapaniwala na sa amin ang award na ito. Pero thank you po, we very much appreciate it.

Continue reading below ↓

“And patuloy po kami sa TBA Studios sa pag-appreciate, you know, ng mga biyayang ito, blessings na ito.

“In fact, magse-shameless plug po ako. Iyon pong susunod na pelikula namin na pang-MMFF called Write About Love, it’s a tribute po to all the scriptwriters.

“So, bihira yun. Rom-com siya pero tribute po sa lahat ng manunulat!”

Bida sa Metro Manila Film Fest (MMFF) entry na Write About Love sina Miles Ocampo, Rocco Nacino, Joem Bascon, at Yeng Constantino.

Magpi-premiere night ito bukas, Disyembre 2, Lunes nang gabi sa SM Megamall.

Continue reading below ↓

Tatlo ang awards ng Goyo: Ang Batang Heneral — best picture, best musical score (Jerrold Tarog), at best sound design (Albert Michael Idioma at Alex Tomboc).

Tatlo rin ang awards ng Liway — best actress (Glaiza de Castro), best screenplay (Zig Dulay at Kip Oebanda), at best editing (Chuck Gutierrez).

Continue reading below ↓

Dalawa ang awards ng Signal Rock — best director (Chito Roño) at best supporting actress (Daria Ramirez).

Dalawa rin ang awards ng Gusto Kita With All My Hypothalamus — best production design (Maolen Fadul) at best cinematography (Neil Daza).

Tig-isa ng award ang The Hows of Us (best actor, Daniel Padilla) at Buy Bust (best supporting actor, Arjo Atayde).

Apat ang pinagkalooban ng special awards — Regal Matriarch Lily Monteverde (Fernando Poe Jr. Lifetime Achievement Award), Nova Villa (Manuel de Leon Award for Exemplary Achievement), Soxie Topacio, at Wenn Deramas (Lamberto Avellana Memorial Award).

Continue reading below ↓

Ang host ng programa ay si Jon Santos. Ang director ay si Ice Seguerra.

Continue reading below ↓

Magkatuwang sa 37th Luna Awards ang FAP at FDCP (Film Development Council of the Philippines).

Wala sa awards night si Leo Martinez, na director general ng FAP sa loob ng 16 na taon. May shooting daw ito out of town.

Continue reading below ↓

Wala rin ang bagong director general ng FAP na si Vivian Velez.

Sabi ni FDCP Chairperson and CEO Liza Diño-Seguerra, “6:00 pm, nagpasabi siya sa staff ko na hindi siya makakarating.”

Ang nag-welcome remarks tuloy ay si Ms. Boots Anson-Rodrigo.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Mon Confiado, Daria Ramirez, and Christian Bables personally received their trophies during the awards night of the 37th Luna Awards 2019.
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results