REVIEW: Maine Mendoza shows marked improvement in Mission Unstapabol: The Don Identity

by Jocelyn Valle
Jan 2, 2020
(L-R) Pokwang, Jelson Bay, Vic Sotto, Jake Cuenca, and Maine Mendoza top-bill the MMFF 2019 entry Mission Unstapabol: The Don Identity.

MISSION UNSTAPABOL: THE DON IDENTITY

Starring: Vic Sotto, Maine Mendoza, Pokwang, Jake Cuenca, Jose Manalo, Wally Bayola, Jelson Bay

Director: Michael Tuviera

Writers: Don Santella, Michelle Ngu, and Aloy Adlawan

Producer: Antonio Tuviera (APT Entertainment Inc.) and Marvic Sotto (M-Zet TV Production)

Release Date: December 25, 2019

Tuloy-tuloy ang Pamaskong tradisyon ni Vic Sotto sa pamamagitan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019 entry niya na Mission Unstapabol: The Don Identity.

All-out comedy pa din ito tulad ng dati ngunit may bagong rekado hango sa heist o caper film genre, kung saan ang kuwento ay umiikot sa pagpaplano, paggawa, at pagtatapos ng isang big time na pagnanakaw.

Bagamat ang titulo ng pelikula ay galing sa Mission Impossible at Bourne film franchises, mas swak ang storyline at style nito sa Ocean’s trilogy ni George Clooney at spin-off na Ocean’s 8 ni Sandra Bullock, maging ang Netflix series na Money Heist.

Isang perlas na kung tawagin sa pelikula ay Pearl of the Orient ang paksa ng pagnanakaw. Nadiskubre ito ng archeologist na si Dr. Arthur Mendez (Tonton Gutierrez) at nagkakahalaga ng US$100 million.

Continue reading below ↓

Ang pagnanakaw nito ang dahilan ng pagkasira ng samahan nina Don Robert Fortun (Vic Sotto) at Benjamin “Benjie” Fortun (Jose Manalo), na kahit magkapatid ang turingan ay nagkatalo naman sa iisang babae (Max Collins bilang Marjorie).

Nakulong si Don Robert nang 20 years habang namayagpag naman ang negosyo ni Benjie at tumaas ang social status bilang patron of the arts.

Marami nang nagbago sa mundo nang makalaya si Don Robert, ngunit nanatili ang pakay na linisin ang pangalan niya sa pagkakasangkot sa pagnanakaw ng Pearl of the Orient noon kahit naibalik na ito ngayon ni Benjie sa pangangalaga ng museo.

Sa tulong ng kanyang sidekick na si Kikong (Jelson Bay) at ex-inmate na si Bruno (Wally Bayola) ay bumuo si Don Robert ng grand plan at dream team para maisakatuparan ang kanyang pakay.

Ang “Don” dream team ay kinabibilangan din ni Johnson (Jake Cuenca), isang mixed martial artist; Zulueta (Pokwang), isang petty thief na may short-term memory loss; at Donna Cruz (Maine Mendoza), isang computer expert/hacker.

Continue reading below ↓

May sariling pakay si Donna, na may kinalaman kay Dr. Arthur Mendez at kanyang ina (Lani Mercado). Katulong niya sa kanyang hidden agenda ang kapwa computer expert/hacker (Mike “Pekto” Nacua) at anak nito.

Nang matunugan ni Benjie ang balak ni Don Robert ay gumawa siya ng counter-attack kasama ang kanyang security team (Sarah Lahbati at Clint Bondad).

Makakarating din naman sa inaasahang happy ending, pero sinigurado muna ng direktor na si Michael Tuviera at kanyang writing team na may suspense pa at realization sa parte ni Donna.

Bilang lead actor at co-producer ay kapuri-puri si Vic Sotto sa kanyang misyon na huwag lamang dumepende sa kasikatan bilang ace comedian at TV host para makagawa ng MMFF entry, maski pa may proven track record na siya sa box-office.

Simula sa kanyang MMFF 2017 entry na Meant To Beh, maliwanag na mas kinikilingan na ng top star, na kung tawagin ay Bossing, ang logical at believable narrative kesa sa fantasy o physical comedy elements.

Continue reading below ↓

Meron pa ring slapstick sa kanyang MMFF 2019 entry na Mission Unstapabol pero minimal na lamang at nakakatawa naman, lalo na kung katuwang niya ang kapwa niya veteran comedians at longtime co-stars na sina Jose Manalo at Wally Bayola.

Kuwela din ang tandem niya sa bagong sidekick na si Jelson Bay, na unang nakipagsabayan kay Bossing nang gumanap siya ng minor role sa MMFF 2018 entry nito na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Mas madalas na ang comic situations at punchlines ay nanggagaling sa maayos at malaman na materyal.

Binigyan pansin din at pag-iingat ang heist element ng pelikula, kaya lang sadyang hindi ito tumutugma sa Philippine setting at hindi relatable sa Filipino audience katulad ng pagtanggap sa Hollywood movies.

Marahil ay kulang ang exposure at appreciation ng nakakarami sa halaga ng archeological treasure kumpara, halimbawa, sa Yamashita Treasure, na kaagad alam na may katumbas na kayamanan kaya gustong nakawin.

Continue reading below ↓

Isa pa ay limitado ang access sa high-tech devices at equipment dito kaya may mga eksena na medyo di kapani-paniwala at mabagal ang pacing.

Mabuti na lang ay napupunan ng mga energetic at committed performances ng mga artista, magmula kay Vic at ang mga nabanggit na sina Jose, Wally, at Jelson.

Kahit hindi kasing laki ng role ni Jose bilang main kontrabida ay markado pa rin ang pagganap ni Wally sa iba-ibang iconic Pinoy onscreen personalities, kabilang na si Nora Aunor bilang Elsa sa pelikulang Himala.

Naipakita rin na hindi issue sa stars ang network war dahil sa pag-spoof ni Wally sa Daniela Mondragon character ni Dimples Romana sa ABS-CBN teleserye na Kadenang Ginto.

Mas comfortable at confident na si Maine Mendoza sa kanyang acting, kumpara sa nakaraan niyang MMFF entries na My Bebe Love: #KiligPaMore at Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Kapansin-pansin lang ang absence ng Eat Bulaga! co-host nina Bossing, Maine, Jose, at Wally na si Paolo Ballesteros. Sayang at hindi siya nakasama sa kagrupo niyang JoWaPao na sina Jose at Wally.

Continue reading below ↓

Refreshing ang presence ng ABS-CBN stars na sina Pokwang at Jake Cuenca. Hindi rin sila nagpahuli sa subok nang samahan ng mga GMA-7 artists.

Kung comedy na may ibang sahog ang hanap (na hindi fantasy o horror) ang hanap sa panonood ng MMFF 2019, maaaring subukan ang Mission Unstapabol: The Don Identity.

Ed's Note: The "PEP Review" section carries the views of individual reviewers, and does not necessarily reflect the views of the PEP editorial team.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Pokwang, Jelson Bay, Vic Sotto, Jake Cuenca, and Maine Mendoza top-bill the MMFF 2019 entry Mission Unstapabol: The Don Identity.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results