Lani Mercado reveals the best thing about working with Maine Mendoza

by Rommel Gonzales
5 days ago
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Dalawang pelikula ni Bacoor City Mayor ang lalabas ngayong December.

“December 4, may regular showing na ng movie na Kaibigan, introducing the Perkins twins, with Stephen Baldwin [Hollywood actor].

“Kasama ko si Tirso Cruz III, si Jean Garcia, Cesar Montano, Boots Anson-Rodrigo and other stars.

“Yung isa naman, nakaraket po ako,” at tumawa si Mayor Lani.

“Naimbitahan po ako ni Bossing Vic [Sotto] na maging nanay po ni Maine Mendoza sa Mission Unstapabol: The Don Identity. May film fest entry po ako.”

Noon pa vocal si Mayor Lani na masugid siyang tagahanga ni Maine.

“Remember nung una kaming pumasok dito [Bacoor, Cavite], may Halloween parade kami dito. Lahat sila, puro mga Disney characters. Ang ginawa namin sa opisina ko was Eat Bulaga!

“So, nandun lahat yung characters. Si Nidora, Tinidora, Tidora, yung mga sina Rogelio, Rogelio, Rogelio.

“Ako si Maine!”

Sino ang nag-Alden Richards para kumpletuhin ang AlDub tandem?

“Si Bong Revilla yung Alden ko,” at tumawa si Lani. “Wala, e, nag-standee lang siya.”
Ano ang best thing about Maine?

Continue reading below ↓

“Tahimik siya, e, I find her very tahimik.

“Tapos she’s... alam ko, she’s very busy, she’s a very busy lady.

“Kasi she was doing two movies when we were doing Mission Unstapabol, ginagawa niya rin yung pelikula with Carlo Aquino.”

Ang Isa Pa With Feelings na ipinalabas noong Oktubre ang tinutukoy ni Lani na movie nina Maine at Carlo.

“So, she was shuttling from one shoot to another. So, talagang alam kong devoted siya sa trabaho niya.

“Walang ereng bata, tahimik.”

May napag-usapan ba sila ni Maine, halimbawa tungkol sa lovelife?

“Hindi kami masyadong nagkakuwentuhan on lovelife, wala po.

“Kasi very short yung scenes namin together.”

Sa direksyon ni Mike Tuviera, ang Mission Unstapabol: The Don Identity ay mula sa APT Entertainment at M-ZET TV Productions.

Medyo matagal nang hindi umarte sa harap ng kamera si Lani dahil mas tumutok ito sa pagiging “ina” ng siyudad ng Bacoor.

Paano siyang nakumbinsi na muling mag-artista?

Continue reading below ↓

“Basta sabi ko, huwag lang soap dahil hindi ko kayang mag-soap.

“Kaya kong mag-guesting, so ito ang ibinigay ng Panginoon sa akin.”

Bakit ayaw niya ng soap o teleserye?

“Parang hindi ko na kakayanin. Very tasking po ang trabaho ng isang alkalde, hindi po biro, very competitive po ang local government units, talagang patagisan po ito ng galing lalo na, I’m very proud that Bacoor won its fifth seal of Good Local Governance.

“So, to be consistent for the past five years masayang-masaya po ako doon!

“Mas marami po akong awards dito kaysa sa pelikula at sa telebisyon,” ang tumatawang sabi pa ni Lani.

Nakausap namin si Lani nitong Disyembre 2, Lunes sa opisina niya sa Bacoor Government Center, Cavite.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results