Yeng Constantino happy to share love advice to students during Write About Love campus tour

by Arniel C. Serato
Dec 6, 2019
Pop Rock Royalty Yeng Constantino on sharing love advice during Write About Love campus tour: "Nakakatuwa naman po. I think yung experience kahit si Yan lang yung first boyfriend ko, parang meron na rin po akong wisdom tungkol sa mga ganung bagay. So nakakatuwa po na makapag-share ng payong pag-ibig sa mga bata.”
PHOTO/S: Arniel Serato

Kabadung-kabado si Yeng Constantino may ilang sandali bago pa ang premiere night ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019 entry nilang Write About Love. Ginanap ito noong Lunes, December 2, sa SM Megamall, Mandaluyong City.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media, “First time ko mapapanood, sabi po nung isang staff nung TBA Studios, e, maghanda raw po ako ng tissue.

“E, maganda po atang senyales yung maghanda ng tissue pati na sa mga manood.”

Pagkatapos ng premiere night, marami naman ang naantig sa kuwento nina Joyce (Yeng) at Marco (Joem Bascon) at sa mga karakter pa nina Miles Ocampo at Rocco Nacino.

Tumatalakay kasi ang pelikula sa buhay ng mga manunulat ng kuwentong pang-pinilakang tabing.

Ika nga nila, a movie within a movie.

May mga nagsasabi ding pasadung-pasado na ang pag-arte ng Pop Rock Royalty, na mas nakilala sa kanyang mga romantic songs.

Tuluy-tuloy na nga ba ang kanyang pagpapaimbulog sa mundo ng pag-arte?

Continue reading below ↓

Tugon ng 31-year-old Kapamilya singer, “Ang panalangin ko po talaga for this project, kung makitaan po ako ng potensiyal ng industriya, marami po sanang kumuha sa akin.

“Kasi po nag-audition po talaga ako para sa role na ‘to.

“Nag-audition po talaga ako.”

HAPPY TO SHARE LOVE ADVICE

Bahagi ng promotion ng Write About Love ay ang kanilang isinasagawang campus tour sa iba’t-ibang unibersidad sa Metro Manila at karatig-probinsiya.

Continue reading below ↓

Ang ilan na nga sa napuntahan ng mga bida ay ang St. Dominic College of Asia, Manila Tytana Colleges, Bulacan State University, Barcelona Academy Marilao, at Collegio de San Juan de Letran.

Ilan sa kanilang mga activities ay ang pagpapasulat sa mga estudyante ng kanilang opinion tungkol sa pag-ibig.

Pagdating naman kay Yeng ay sharing daw ang kanyang ginawa tungkol sa kanyang buhay pag-ibig sa kanyang asawang si Yan Asuncion.

Continue reading below ↓

Kuwento niya, “Mas more on nagtanong sila sa buhay pag-ibig, mga kabataan ngayon gusto nila yung mga ganung questions.

“Nakakatuwa naman po. I think yung experience kahit si Yan lang yung first boyfriend ko, parang meron na rin po akong wisdom tungkol sa mga ganung bagay.

“So nakakatuwa po na makapag-share ng payong pag-ibig sa mga bata.”

Inilabas na rin ng TBA Studios ang official soundtrack ng pelikula na may pamagat na "Ikaw Ang Akin" na kinanta din ni Yeng.

Continue reading below ↓

Mapapanood na ang pelikula sa darating na December 25, araw ng Pasko.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pop Rock Royalty Yeng Constantino on sharing love advice during Write About Love campus tour: "Nakakatuwa naman po. I think yung experience kahit si Yan lang yung first boyfriend ko, parang meron na rin po akong wisdom tungkol sa mga ganung bagay. So nakakatuwa po na makapag-share ng payong pag-ibig sa mga bata.”
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results