REVIEW: MMFF 2019 entry Write About Love depicts world of screenplay writers

by Jocelyn Valle
Dec 9, 2019
Write About Love stars (L-R) Rocco Nacino, Yeng Constantino, Joem Bascon, and Miles Ocampo.

Ang Write About Love ay maituturing na film-within-a-film dahil sa structure ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019 entry na ito.

Kuwento ito ng tauhang kilala lamang bilang Female Writer (Miles Ocampo), na habang inaasikaso ang family clothing business ay sumusubok din bilang romance writer kahit salat siya sa karanasan bilang no boyfriend since birth (NBSB) ang kalagayan niya.

Upang mabigyan siya ng pagkakataon ng isang film outfit na isapelikula ang kanyang unang script ay kailangan niyang makipagtrabaho sa isang established screenplay writer na kilala lamang bilang Male Writer (Rocco Nacino).

Naging sentro ng pelikula ang collaborative writing process ng dalawang manunulat, at naging visually appealing ito dahil hindi lang nababasa sa screen ang kanilang sinusulat, bagkus napapanood pa.

Ang mga eksena sa kanilang script, na pinamagatang "Just Us," ay nabubuhay sa mga bidang sina Marco (Joem Bascon) at Joyce (Yeng Constantino) kasama ng mga tao as paligid nila.

Sa partido ni Joyce ay nariyan ang mga kapamilya (Cecile Guidote-Alvarez, Harlene Bautista) at mga kabanda (Felix Roco, Chai Fonacier), samantalang si Marco naman ay kadamay ang mga kaibigan at katrabaho.

Continue reading below ↓

May mga pagkakataong nagtatalo sina Female Writer at Male Writer kung saan dadalhin ang kanilang sinusulat na kuwento. Minsan ay nagdudulot ito ng comedic effect na sadyang nakakatuwa at ilang kilig moment na sana ay nilubos pa kasi bitin.

Mas madalas ay napupunta sa dramatic situation ang mga manunulat at kanilang mga sinusulat hanggang dumating sa puntong isa-isa nilang maaayos ang lahat ng gusot.

Katulad ng pagbibigay solusyon sa mga problema ng mga tauhan sa kanilang kuwento, kailangang si Female Writer at Male Writer mismo ang lumutas ng kanilang suliranin.

Isa sa mga highlights ng pelikula ay ang ginawa ng Female Writer tungkol sa matagal nang paghihiwalay ng kanyang mga magulang (Romnick Sarmenta at Che Ramos). Kahanga-hanga ang heartfelt dialogue na binitawan ni Miles nang kausapin niya nang masinsinan ang kanyang ama na iniwan sila para sa ibang babae. Nagawa ni Romnick na makapag-deliver ng malalim na emosyon bagamat halos wala siyang linya sa naturang confrontation scene.

Continue reading below ↓

Bagamat malinaw ang kuwento at pakay ng pelikula, halata rin na gawa ito ng isang baguhang direktor na hinahanap pa ang kanyang sariling paraan kung paano maging tight at fluid ang pagsadadula.

Ang Write About Love ay directorial debut ni Crisanto B. Aquino, isang longtime assistant director na nagsimula sa industriya bilang production assistant at story continuity supervisor.

Maituturing na risky ang pagpili sa mga pangunahing artista dahil unang pagkakataon nilang magkakatrabaho at hindi pa bihasa sa ganitong romantic-comedy-drama genre.

Napatunayan na nina Joem at Rocco ang kanilang acting versatility sa mga nauna nilang pelikula at drama series, habang si Miles ay hindi pa lubos na nakikilala sa young adult role at si Yeng ay mas kilala bilang singer-songwriter.

Ngunit refreshing din ang overall effect dahil hindi inaasahan kung ano ang maibibigay nila sa mga eksena at sa kanilang mga ka-eksena.

Kapuri-puri ang pagpili sa supporting cast dahil sa kakaibang kombinasyon na nalikha nila at pinagbuti pa nila ang kanilang pagganap.

Continue reading below ↓

Malaking gulat ang paglabas muli sa pelikula ni Cecile Guidote-Alvarez, na sa mahabang panahon ay focused sa kanyang theater at cultural work.

Kung nais ng manonood sa MMFF 2019 ng light romantic movie na family drama din, maaaring subukan ang Write About Love.

Sinabi ni Direk Crisanto sa press interview noong premiere night kamakailan sa SM Megamall na layunin niya na iangat ang pagkakakila sa mga manunulat ng pelikula. At iyon nga ang ipinapakita sa produksiyong ito ng TBA Studios na isinulat din ng direktor katuwang si Janyx Regalo.

Ito ay kalahok sa 45th edition ng Metro Manila Film Festival na taunang nagbubukas tuwing Pasko, December 25, 2019.

Ito ay nagkamit ng Grade “B” mula sa Cinema Evaluation Board (CEB), kaya mayroon itong tax incentive na 65% sa makokolektang amusement tax, at “G” rating naman mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kaya puwede itong panoorin kahit ng mga bata.

Continue reading below ↓

P.S. Tulad ng 2014 movie na That Thing Called Tadhana, naging key location rin ang Sagada para sa mga karakter ng Write About Love. Maaasahan na malaking boost na naman ito sa tourism ng naturang probinsiya.

Ed's Note: The "PEP Review" section carries the views of individual reviewers, and does not necessarily reflect the views of the PEP editorial team.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Write About Love stars (L-R) Rocco Nacino, Yeng Constantino, Joem Bascon, and Miles Ocampo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results