Liza Soberano on kissing scene with Enrique: "Ako yung mas magaling."

by Allan Sancon
Dec 14, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Matagal-tagal nang hindi napanood sa telebisyon at sa big screen sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Nag-shoot sa Croatia ang LizQuen love team para sa kanilang upcoming ABS-CBN teleserye titled Make It With You.

Sa kanilang pagbabalik, kakaibang LizQuen ang makikita ng viewers dahil sa kanilang transformation. Kapansin-pansin rin na mas open na ang dalawa sa kanilang relasyon bilang real-life couple.

Bukod pa rito, nagkuwento ang love team partners tungkol sa kissing scene na ginawa nila para sa teleserye sa ilalim ng direksiyon ni Direk Cathy Garcia-Molina. Pinakita rin sa ang trailer ng ginanap sa 9501 restaurant sa ABS-CBN compound noong December 6, 2019.

Ano ang kanilang roles na gagampanan sa Make It With You?

Enrique: "I play Gabo. I start off as someone na parang lost boy. He finds himself in Europe and he doesn't know why. He's searching for freedom. And somewhat, he's escaping something. And then he stumbled upon a beautiful angel, si Billie, sa Croatia."

Continue reading below ↓

Liza: "Billie is a free spirit. She's very street smart and family oriented. She always has her family at the back of her mind. She's really striving and working hard. I'm working in Croatia due to a series of unfortunate events and I end up in Croatia. And I make the best out of it.

"Billie is a raketera. Marami siyang iba't ibang work kasi in Croatia, the peak season is in summer and that's when they have the most work. Pag wintertime, wala talagang mga turista so work is really hard to find. Billie doesn't have a stable job so she does a lot of things on the side so she could send money to her family."

Ano yung mga challenges na hinarap nila while shooting in Croatia?

Liza: "Super kaunti lang kasi yung Philippine team na nandun. We really help each other like yung magbuhat ng gamit and everything. Mostly yung mga boys yung nagbubuhat.

Continue reading below ↓

"And the language barrier, the communication with the Philippine staff and the Croatian team. Parang minsan nagkakaroon ng miscommunication kasi they don't really understand but I think everything went really smooth."

Headwriter Mark Duane Angos: I guess isa pang difficulty ay yung shooting namin sa tourist spot ng Croatia, dumating kami ng peak season. May dalawa or tatlong mga ships na dumating, so unexpectedly, may more than 5,000 people na extra na wala kang control."

Liza: "In Croatia, hindi mo pwedeng sitahin na, 'don't look at the camera.'"

May encounter ba sila with LizQuen fans sa Croatia?

Enrique: "Yes, marami dun! Maraming mga Pinoy na bumababa sa cruise ships na Pinoy."

Liza: "We don't have fans sa Croatia, actually galing sila sa mga cruise ships. Hindi sila nakatira dun kasi Croatia has 100+ something Filipinos lang. Never kami naka-encounter na Pinoy na nakatira talaga dun. Yung dalawang Pinoy lang na na encounter namin ay yung nag-guide sa amin dun."

Continue reading below ↓

Ano ang masasabi nila sa new looks nila para sa kanilang teleserye comeback?

Enrique: "I love the hat kaso tabingi. Joke lang! She's beautiful. Siyempre mas beautiful siya ngayon."

Liza: "Si Quen, inaasar siya sa hair niya kasi parang it's K-pop-ish, kasi pinagawa niya yung hair niya sa 01 Store Salon, na gumagawa talaga ng Korean hairstyles. Friend siya ni Ryan Bang.

"Ako gwapong gwapo ako sa hairstyle niya pero inaasar siya ng mama niya, e. Mas gusto ko yung ganyang look niya kasi mas may volume at may mas character yung mukha niya."

Dahil mas mature ang mga characters ninyo, mas may makikita bang intimate scenes or kiss on TV sa bago ninyong teleserye?

Liza: "Hindi lang kiss! Joke lang! (sabay tawa) Joke lang talaga yun! I'm not ready for mature roles. (sabay tawa uli) We'll see! Abangan niyo na lang po. Meron namang intimate pero not as much as we think."

Continue reading below ↓

Enrique: "Pero, meron din! (sabay tawa)

Headwriter: "Ang sabi sa kin, super intimate daw, e! Week 1 and 2 pa lang ang nasu-shoot nila, hindi pa alam ng LizQuen yung sa week 10."

How did you prepare para sa super intimate scenes na yun?

Liza: "Si Quen, super mouthwash! Yung sa Alone/Together, super mouthwash siya. Makuwento ko lang, when we were shooting She's The One before, yung may kissing scene sila ni Ate Bea [Alonzo], lagi ko siyang nakikita dun na nag ma-mouthwash, yung isang malaking bote ng mouthwash nakakalahati niya.

"Tapos yung sa Alone/Together movie namin, yung first scene namin na nag-kiss kami, kakakain lang yata namin noon ng kwek, kwek. Sabi ko, 'di man lang nag-toothbrush to.'"

Enrique: "Sabi mo kasi nun, wag na kasi pareho lang tayo."

Dagdag na hirit ni Enrique, "Mas mabaho nga hininga mo nun, e! (sabay tawa!) Joke lang!"

Liza: "Pero, alam niyo sa totoo lang, sa kissing scene namin ni Quen, ako yung mas magaling. Not in the context na mas magaling ako mag-kiss, mas comfortable lang ako kasi sa kin, it's work lang talaga."

Continue reading below ↓

Enrique: "Hindi, ganito, ako kasi mas kinakabahan ako pag ganun, e. Pero mas magaling ako mag-kiss, mas relax lang siya, mas kaya niyang magdala. Ako, pagdating sa kiss, siyempre ako..."

Liza, in one word, how would you describe Enrique's kiss?

Liza: "Quen's kiss parang Grade 2! "Joke lang!"

Dahil sa sinabi ni Liza, kitang-kita na parang nalungkot si Enrique.

Pagpapatuloy si Liza, "Pag sa eksena lang yun, kasi naalala ko nung nasa park kami sa New York for Alone/Together, sabi niya sa akin (sabay pikit at dine-demonstrate yung kiss ni Enrique) 'Iki-kiss na kita, iki-kiss na kita.'

"Ganun siya kasi andun si Tito Ogie, nakabantay. Sabi ko naman sa kanya na alam naman ni Tito Ogie na magki-kiss tayo kaya wag kang mahiya."

Ang tinutukoy ni Liza ay si Ogie Diaz na manager ng Kapamilya actress.

Enrique: "Kasi nga, may timing na lalapit ako tapos yun na nga."

Liza: "Excuse me, yung sa ano....(sabay bulong kay Enrique) Basta yung sa Croatia may nasira na kama. Hindi yun sa eksena. Sa totoong buhay niya nasira yung kama sa Croatia."

Continue reading below ↓

Enrique: "Hindi, ganito yun, nag-take kami ng scene!"

Liza: "Sobrang kinilig siya sa akin, nahulog siya, nasira niya yung kama."

Enrique: "Parang na bwiset ako, tumalon ako! Tapos nasira yung kama."

Ang LizQuen teleserye na Make It With You ay nakatakdang ipalabas ng ABS-CBN sa first quarter ng 2020.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results