Sharon Cuneta attends special screening of Judy Ann Santos' MMFF 2019 entry, Mindanao

by Rommel Gonzales
Dec 10, 2019
Sharon Cuneta (rightmost) cried while watching the Judy Ann Santos-starrer Mindanao, which is part of MMFF 2019.
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Sumuporta si Sharon Cuneta sa kanyang “younger sister” na si Judy Ann Santos sa celebrity screening ng MMFF 2019 official entry na Mindanao nitong Disyembre 9, Lunes ng gabi, sa The Podium, Mandaluyong City.

Namugto ang mga mata ni Sharon sa pag-iyak dahil sa mahusay na pagganap ni Judy Ann.

Isang tumpok ng tissue paper ang nakita naming nasa harapan ng Megastar na pruweba ng wagas niyang pagluha habang pinanonood ang Metro Manila Film Festival entry na directed by Brillante Mendoza.

Pagkatapos ng pelikula, mahigpit ang yakapan ni Mommy Carol Santos (ina ni Judy Ann) at ng Megastar, gayundin ang yakapan ni Sharon at ng blockbuster director na si Bb. Joyce Bernal na maraming taon nang matalik na kaibigan ni Judy Ann.

Sa kanyang Instagram account ay nag-post si Sharon ng picture nila ni Judy Ann at sinulat sa caption nito: "With one of my best friends by chance, sister by choice, and this year’s Cairo Film Festival’s Best Actress for 'MINDANAO,' at the film’s special screening tonight at The Podium."

Continue reading below ↓

Noong gabing iyon ay ibinigay kay Judy Ann ang kanyang trophy at plaque bilang Best Actress sa 41st Cairo International Film Festival sa Egypt.

Siyempre pa, nasa selebrasyon sa The Podium ang mapagmahal na mister ni Judy Ann na si Ryan Agoncillo (nasa bahay ang tatlong anak nilang sina Yohan, Lucho at Luna dahil may pasok sa school kinabukasan), pati ang mga kapatid ni Judy Ann na sina Kuya Jeffrey at Ate Jack.

Dumalo rin ang pamilya ni Ryan sa special screening, pati na ang iba pang malalapit na kapamilya at kaibigan ng mag-asawang Judy Ann at Ryan.

Ngayon pa lang, dahil sa husay ni Juday sa Mindanao, marami na ang nagsasabing bukod sa pagwawagi sa MMFF awards night sa December 27 ay napakalaki ng tsansa niyang maka-grandslam sa pagka-Best Actress para sa Mindanao.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta (rightmost) cried while watching the Judy Ann Santos-starrer Mindanao, which is part of MMFF 2019.
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results