Jane de Leon wants to reach Angel Locsin after meeting another Darna star Marian Rivera

by Glenn Regondola
Dec 10, 2019
Jane de Leon on her Darna movie: “Right now, excited na rin akong ma-meet ang cast, and malaman kung sinu-sino kami. So, excited na rin ako.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Bago pa inihayag na si Jane de Leon ang kapalit ni Liza Soberano sa Darna movie ng Star Cinema, nag-umpisa na si Jane mag-training.

“Recent lang ako nag-start mag-stunts, hindi siya ganun kadali. Ini-expect ko din naman yun,” pahayag ni Jane.

“Right now, excited na rin akong ma-meet ang cast, and malaman kung sinu-sino kami. So, excited na rin ako.”

Nag-meet na sila ni Liza, at napag-usapan nila ang tungkol dito.

Aniya, “Si Liza, nag-dinner na kami last time. Yeah, nag-uusap kami ni Liza sa text kapag hindi siya busy.

“Nag-a-advise siya sa akin, at may sini-share din ako sa kanya. Nabubuo na ang friendship naming dalawa, and she’s a nice person.

“Mabait siyang tao, kaya doon ko nasabi na deserving siya sa blessings na natatanggap niya.”

Nakausap din niya si Marian Rivera na gumanap bilang Darna sa TV.

“Super-bait din naman niya. I was so happy talaga, at nag-share din sa akin si Ate Marian ng mga previous work sa Darna, at kung ano ang mga ginawa niya.

Continue reading below ↓

Ganoon din kahirap yun.

“At saka kung ano ang stunts noon, at kaiba rin sa stunts na gagawin ko.

“Hayun, at ngayon ay looking forward din ako kay Ate Angel [Locsin].”

DARNA COSTUME

Curious ang publiko sa costume niya bilang Darna.

Ani Jane, “Sa costume, wala pa akong idea.

"Sabay nating abangan, at excited na rin akong aabangan kung ano siya.

“Ipinapakita rin po nila sa akin, pero nasa mga Ravelo pa rin po yun.

"Siyempre, sila po ang masusunod kung ano ang gusto nila.

“Pero kahit papaano ay tinatanong nila ako, iyung permission kung kaya ko ba ito, kung maganda ba ito.

“Napag-uusapan din po. Pero yung final costume, right now, hindi ko pa po talaga nakikita,” sabi pa ng 21-anyos na Kapamilya star.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang press si Jane sa launch ng Tyrone Escalante Artist Agency (TEAM) noong December 8, Linggo sa Limbaga 77 restaurant, QC.

Continue reading below ↓

JANE'S MANAGER

Pinuri si Jane ng kanyang manager na si Tyrone Escalante sa pagiging grateful nito sa kanilang pinagsamahan.

Nag-expire na ang contract ni Jane with him, pero hindi niya iniwan ang manager hanggang dumating na ang break niya sa showbiz.

Paliwanag ni Jane, “Sinabi ko naman yun kay Kuya Tyrone, noong nagsisimula pa lang ako sa showbiz.

"Nag-promise ako sa kanya na, ‘Kuya Ty, balang araw, makakakuha rin po tayo ng proyekto, darating din yung time para sa isa’t isa.’

“Pareho po kasi kaming nangangarap. Hindi lamang po ako yung binibigyan niya ng oportunidad para matupad yung pangarap ko.

“Para ko na po kasi siyang tatay, kapatid, kuya.

“Ganun po kasi siya, yung pagmamahal niya sa mga artist niya. It’s not all about money, it’s about heart din po.

"Inuuna niya po talaga iyung sa mga alaga niya, bago yung sa sarili niya.

“Sinabi ko talaga sa kanya, na kapag kaming mga alaga niya, natupad ang mga pangarap namin, kami rin ang tutulong sa kanya para umangat siya.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jane de Leon on her Darna movie: “Right now, excited na rin akong ma-meet ang cast, and malaman kung sinu-sino kami. So, excited na rin ako.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results