Coco Martin on co-star Sam Milby: "Nilalandi ko siya... Magki-kiss kami."

by Jerry Olea
Dec 13, 2019
Coco Martin on portraying Paloma for the last time in his MMFF 2019 entry 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon, “Napasubo ako!”
PHOTO/S: Noel Orsal

Sinagad ni Coco Martin ang pagiging Paloma sa MMFF 2019 official entry na 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.

“Huling beses ko nang gagawin ang karakter ni Paloma, sasagarin ko na,” napapangiting sambit ni Coco sa mediacon nitong Disyembre 12, Huwebes ng hapon, sa Luxent Hotel, QC.

Ang ibig sabihin ng salitang Kastila na “paloma” ay “kalapati.”

Paloma ang pangalan ng bihis-babaeng Cardo Dalisay, na ginawa ni Coco noong 2016 sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Times 5 daw ang pagiging Paloma ni Apollo “Pol” Balbon, na karakter ni Coco sa Metro Manila Film Festival entry na 3Pol Trobol.

Sa analysis ni Coco, ito ang pinakamahirap na movie niya so far.

Paliwanag ni Coco, “Ang hirap mag-bihis babae! Talagang in-effort-an ko! Lahat ng looks ko, talagang iniba-iba ko.

“Hindi ako yung parang... palit-make up lang. Lahat! Contact lens, kuko, palit! Ako ang pinakamaagang dumarating sa set. Kasi nga, one and a half hour akong mine-make up-an.

Continue reading below ↓

“Tapos, bibihisan akong kung anu-ano ang inilalagay sa akin para maging sexy.

“Ang dami palang mga palaman-palaman dito na mga basahan! Ha! Ha! Ha! Ha!” halakhak ni Coco.

“Lahat ng pawis ko, hinigop ng basahan! Tapos, nagkasugat-sugat yung katawan ko. Kasi, merong ... ano bang tawag do’n? Corset? Mga gano’n-gano’n.

“Actually, napasubo ako rito.

"Noong ipine-present ko kay Jennylyn [Mercado] iyong concept, ‘Jen, ganito ang mangyayari, ganyan-ganyan.

"'Tapos, may eksena tayo rito, magsu-swimming tayo. Naka-swimsuit ka. 'Tapos, ako rin, naka-swimsuit, ganyan-ganyan. 'Tapos, naka-T-back.’

“Siyempre, ipine-present ko kay Jen, para pumayag siya. E, noong gagawin na namin ang pelikula, kaya ko bang panindigan?

“Kasi, kailangan kong magpakita ng puwet. Siyempre, mapapahiya naman ako sa kanya pag di ko ginawa.

“Ginawa na namin para sa pelikula!”

Tawang-tawa si Jennylyn na tumatangu-tango habang nagkukuwento si Coco.

Dagdag ni Coco, “Actually, iyon ang babayaran ng mga tao. Ha! Ha! Ha! Ha! Sabi ko nga, ibang-ibang Paloma.

Continue reading below ↓

"Sinagad ko na! Actually, isa sa highlight ng pelikula, iyong eksena namin ni Sam [Milby].

"Nilalandi ko siya. Sumasayaw ako sa harapan niya. Ganyan...

“Tapos, magki-kiss kami. Iba! Ibang-iba!

"Kasi, sabi ko nga, gagawa ka ng comedy, sagarin mo na! Wala nang tipiran.

"Wala nang iniisip mo ang mga hindi ini-expect ng mga tao.

"Sabi ko nga, sana lang, after nito... lalo na iyong mga nanonood ng Probinsyano, bumalik ang pagtingin nila kay Cardo.

“Baka maiba, e! Ha! Ha! Ha! Ha!” bungisngis pa ni Coco.

“Iyong respeto, sana, andoon pa rin!”

Tawang-tawa pa rin si Jennylyn, na co-star noon si Coco sa indie movie na Nars (2007), sa direksyon ni Adolf Alix Jr.

May glam team si Coco sa pagpa-Paloma niya sa 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.

“Mula wig hanggang... lahat! Damit, pinag-aralan talaga namin. Bawa’ eksena, iba-iba,” sambit pa ni Coco.

Maliban sa pagiging bida, si Coco rin ang writer, director at producer ng 3Pol Trobol.

Continue reading below ↓

Kasama rin sa cast nito sina Ai Ai de las Alas, Edu Manzano, Tirso Cruz III, Joey Marquez, Carmi Martin, Mitch Valdes, John Prats, Mark Lapid, Bianca Manalo, PJ Endrinal, Super Tekla, Boobsie Wonderland, Soliman Cruz, Jhong Hilario, Kim Molina, Paolo Paraiso, Lou Veloso, Bernard Palanca, Whitney Tyson, at may special participation si Manila mayor Isko Moreno.

Read Next
Read More Stories About
Coco Martin
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coco Martin on portraying Paloma for the last time in his MMFF 2019 entry 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon, “Napasubo ako!”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results