Aga Muhlach thankful even if he loses in MMFF 2019

by Rose Garcia
Dec 13, 2019
Miracle in Cell No. 7 star Aga Muhlach thankful even if he loses in the 45th MMFF.

Matunog na tatanghaling Best Actor si Aga Muhlach sa 45th Metro Manila Film Festival ng Best Actor para sa pelikulang Miracle in Cell No. 7.

“Hindi ko naman ide-deny na masarap pa rin na marami kang mapulot na ganyan,” nakangiting sambit ni Aga sa mediacon kamakailan sa Textite Auditorium ng Philippine Stock Exchange, Ortigas Center.

“Pero mula’t sapul, mas mahal ko ang paggawa ng pelikula kesa sa tropeyo.

“Basta, masaya akong gumawa ng pelikula.

“Kapag nabibigyan ako ng parangal, ng award, salamat. Yung araw na yun, nabigyan ng pansin ang performance mo.

“But more than anything, all I want to happen all the time, masyado nga akong nai-immerse sa pelikula na sana, mapanood nila palagi ang pelikulang ginagawa ko.

“It’s always like that and with acting awards, who doesn’t want an acting award? Thank you if I’ll get, thank you if I don’t, maraming salamat din.”

Mas ipinagpapasalamat niya na ang pelikula nilang Miracle in Cell No. 7 ay isa sa mga official entry sa MMFF 2019.

Continue reading below ↓

“I can guarantee that we have a very beautiful movie. Yun ang nagbibigay ng drive sa akin ngayon, sa bahay ko, sa pamilya namin, sa cast. Maganda siya.”

Dugtong pa niya, “Let’s not talk about death penalty. It’s more than that. The movie is about love.

“It’s our pride that on Christmas day, we have movie like this--family, friends, criminals all because of love.”

Isa pa sa ipinagpapasalamat ni Aga, na sa edad niya na 50 ay nabibigyan pa rin siya ng mga karakter na tulad ng ginagampanan niya sa Miracle in Cell No. 7 na isang mentally challenged na ama, pero pinagbintangang nag-sexually molest ng isang anak ng kilalang pulitiko at pumatay rito.

“My goodness, I’m 50 years old and for me to still experience this right now is a miracle. Seriously.

“At this point in time, tumigil na ako sa pag-aartista, nagpahinga ako, bumalik ako. Ako kasi, very grateful ako.

Continue reading below ↓

“And people are just raving about the movie. This is one movie na nagkakagulo sila at halos lahat sinasabi, ‘Papanoorin namin ‘to,’ ganun. Parang... ‘Aga, papanoorin namin ‘tong movie mo.’ It’s an excitement that I have right now.”

Ka-text ni Aga ang Korean actor na unang gumanap sa karakter na ginagampanan niya na si Rye Seung Ryong.

Ayon kay Aga, “Seriously, we’re in constant communication now. In fact, I’m inviting him for the premiere and it’s just that, kino-consider niya lang iyung schedule because he’s very busy now.

“Pero sinabi niya na, ‘It’s really an honor to be invited in your premiere and I can’t wait to see your movie.’”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miracle in Cell No. 7 star Aga Muhlach thankful even if he loses in the 45th MMFF.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results