Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

REVIEW: Judy Ann Santos gives moving portrayal in MMFF 2019 entry Mindanao

by Jocelyn Valle
Dec 16, 2019
The MMFF 2019 entry Mindanao is graded “A” by the Cinema Evaluation Board. This Brillante Mendoza film stars Judy Ann Santos and Allen Dizon.

Magmula pagkabata ay nakilala na si Judy Ann Santos sa kanyang madamdaming pagganap sa mga pelikula at telebisyon hanggang hirangin siyang Teleserye Queen.

Para nga raw gripo ang mga mata ng aktres, na tinatawag rin sa palayaw na Juday, kung saan dumadaloy nang walang humpay ang luha.

Sa kanyang bagong pelikula na dinirek ni Brillante Mendoza na Mindanao ay naroroon pa rin ang mga luha ngunit tamang daloy sa tamang pagkakataon na lamang kaya mas nakakaantig ito.

Hindi na nakakapagtaka kung bakit nasungkit ni Juday ang Best Actress award mula sa Cairo International Film Festival nitong November at inaasahan din ang pagwawagi niya sa parehong award sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Kapaskuhan.

Isa ang Mindanao sa eight entries sa MMFF 2019, na tatakbo nang dalawang linggo simula December 25, Pasko, at magkakaroon ng awards night na tinatawag na Gabi ng Parangal sa December 27.

Malaking tulong marahil para kay Juday na sa edad 41 ay sampung taon na siyang may asawa at may tatlong anak na kaya damang-dama niya ang karakter bilang Saima Datupalo.

Continue reading below ↓

Si Saima ay maybahay ni Malang Datupalo (Allen Dizon), isang military medic, at nanay ni Aisa Datupalo (Yuna Tangog), na may sakit na cancer.

Nakatira ang mga Datupalo sa Maguindanao, na bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao, at kinakailangang magbiyahe ni Saima karay-karay ang anak patungo sa malaking siyudad ng Davao para sa pagpapamot nito.

Sa Davao City, tumutuloy ang mag-ina sa House of Hope, isang temporary home para sa mga pediatric cancer patients at kanilang mga tagapangalaga, habang ang haligi ng kanilang tahanan ay sumasabak sa military operations.

Ang batang si Aisa ay nahihilig sa pag-drawing gamit ang crayons at sa pagkuwento ng kanyang nanay (at tatay kapag may pagkakataon) ng folktale tungkol sa kung paano natalo ng magkapatid na Rajah Indara Patra at Rajah Solaiman ang mag-asawang dragon.

Ito rin ang ginamit ni Direk Brillante at scriptwriter na si Honee Alipio na jump-off point sa paggamit ng animation sa pagtahi ng crayon drawings ni Aisa at brotherhood/bravery story ng folktale sa kuwento ng pelikula.

Continue reading below ↓

Bagamat may tulong ang animation upang maging visually appealing ang pelikula ay may ambag din ito sa pagbagal ng usad ng kuwento.

Kapuri-puri ang pagsalarawan ng kulturang Muslim, kabilang na ang pagsayaw ni Juday ng traditional dance gamit ang malong kasama ng ilan pang nanay sa House of Hope, at mga kaugaliang hindi lamang sakop ng relihiyon bagkus bilang kapwa-tao.

Nariyan ang pagtutulungan ng pamilya ni Saima at pagdadamayan sa kanyang pangalawang tahanan sa House of Hope.

At mayroon ding random acts of kindness, tulad ng pagtulong ng katabi ni Saima sa bus at pag-ubaya ng isang mamimili ng ice cream sa grocery dahil paborito ni Aisa ang strawberry flavor.

Makatotohanan ang pagsalarawan ng military operations subalit hindi malalim ang pagtalakay sa Mindanao conflict, na tila ba may pag-alinlangan sa pagbigay ng political stand.

Mas may sinasabi ang pelikula sa kalagayan ng mga mahihirap, lalo na pakikibaka laban sa malubhang sakit tulad ng cancer.

Continue reading below ↓

Katulad ni Juday ay mahusay din ang pagganap ni Allen Dizon at iba pang gumanap bilang militar, gaya ni Ketchup Eusebio at Epy Quizon.

Gayundin ang mga nanay sa House of Hope, sa pangunguna ni Ruby Ruiz, at ang kanilang mga anak.

Nakakabilib naman ang batang si Yuna Tangog na sa kanyang unang sabak sa pag-arte ay gumanap na siya ng isang markadong papel at kapani-paniwala siyang cancer patient.

Ang Mindanao ay naipalabas na sa international film festivals sa Busan, South Korea; Tokyo, Japan; Taipei, Taiwan; at Kolkata, India.

Nanalo na din ito sa Cairo, Egypt hindi lamang ng Best Actress para kay Juday ngunit pati na ng Henry Barakat Best Artistic Contribution award para sa buong produksyon.

Dito naman sa Pilipinas ay nagkamit ito ng Grade “A” mula sa Cinema Evaluation Board, at ang artistic merits nito ay may katumbas na 100% discount sa amusement tax.

Kung hindi lang entertainment bagkus enlightenment din ang habol sa panonood sa MMFF, maaaring subukan ang Mindanao.

Continue reading below ↓

Ed's Note: The "PEP Review" section carries the views of individual reviewers, and does not necessarily reflect the views of the PEP editorial team.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The MMFF 2019 entry Mindanao is graded “A” by the Cinema Evaluation Board. This Brillante Mendoza film stars Judy Ann Santos and Allen Dizon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results