Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

REVIEW: Aga, Xia, Bela lead strong ensemble cast of Miracle in Cell No. 7

by Jocelyn Valle
Dec 18, 2019
Aga Muhlach and Xia Vigor (right) lead the cast of the tearjerker movie Miracle in Cell No. 7. This MMFF 2019 entry also stars Bela Padilla (not in photo).

Hindi matatawaran sa husay ang cast ng Miracle in Cell No.7, ang Pinoy adaptation ng South Korean movie na may parehong titulo at unang pumatok sa bansang iyon noong 2013 hanggang naging tanyag din dito, lalo na sa mga K-drama fans.

Si Aga Muhlach ang bida sa pelikulang ito na gawa sa ilalim ng produksyon ng Viva Films bilang kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Siya ay gumaganap bilang Lito, isang mentally challenged ngunit responsible at loving single parent kay Yesha (Xia Vigor, nang bata pa, at Bela Padilla, nang lumaki na).

Sa likod ng pangunahing artista ay isang hanay ng mga premyadong aktor sa pamumuno ni Joel Torre, John Arcilla, Soliman Cruz, JC Santos, Mon Confiado, at Jojit Lorenzo.

Maging sina Tirso Cruz III at Ronnie Lazaro na may maiksi ngunit markadong papel ay nagbigay din ng makabuluhang pagganap.

Malaki ang posibilidad na magwagi si Aga bilang Best Actor habang magtutunggali naman ang kanyang kapwa artista sa kategoryang Best Supporting Actor.

Continue reading below ↓

Mapapanatag ang loob ng mga nakapanood na at napaibig ng original South Korean movie dahil hindi lumihis ng landas ang Pinoy director na si Nuel Naval at scriptwriter na si Mel Mendoza-del Rosario.

Buo ang kuwento, kabilang na ang mga kuwelang eksena at nakakaantig na mensahe ng pelikula.

Ngunit, una sa lahat, kailangan munang isaisip na salin lamang ang kuwento mula sa ibang bansa na may pagkakaiba sa ating economic, social, at political situation.

May mga bagay sa realidad na dapat baliin o ang tinatawag na suspension of disbelief upang maging katanggap-tanggap ang kaubuan ng kuwento.

Halimbawa nang mahuli ang karakter ni Aga na si Lito dahil sa kidnapping, rape, at murder ay dinala siya sa isang pasilidad na mistulang rehabilitation center at malayo sa maximum security prison.

Dahil sa kaluwagaan at kaayusan ng piitan na inilalarawan sa pelikula ay naging posible na maipuslit ang batang Yesha (Xia Vigor) sa loob at makapagtago sa selda ng kanyang Tatay Lito.

Continue reading below ↓

Dito tumatakbo ang kuwento nang maging kaibigan ni Lito at ni Yesha ang ibang inmates na sina Boss Sol (Joel Torre), Tatang Celso (Soliman Cruz), Mambo (JC Santos), Choi (Mon Confiado), at Bong (Jojit Lorenzo).

May kani-kanila silang personalidad at isyu sa buhay ngunit nagkaroon sila ng pagkakaisa at bagong sigla habang tumutulong sa mag-ama.

Nakakatuwa silang panoorin lalo na si Joel Torre nang madiskubreng hindi marunong magsulat at magbasa ang astig na si Boss Sol, at si JC Santos naman nang ihayag na may mga anak na ang pinaghihinalaang bading na karakter niyang si Mambo.

Sa kabilang banda ay nariyan si prison warden Johnny San Juan (John Arcilla) na nagmamasid at tuluyang nagsimpatiya kay Lito.

Di tulad ng original movie, binigyan sa remake ng mas malalim na back story si Johnny kasama ang asawa (Yayo Aguila) at ang kanilang unico hijo.

Continue reading below ↓

Sa pagsapit ng sentensya ni Lito at paghihiwalay nila ng kanyang anak ay emosyonal na ang mga eksena hanggang sa dulo ng pelikula. Kahanga-hanga ang breakdown scene na ginawa ni Aga na siyang maituturing na isa sa mga highlights ng MMFF 2019 entry na ito.

Punong-puno naman ng emosyon ang pag-deliver ni Bela ng speech bilang older Yesha. Dahil ramdam na ramdam ang kanyang pagmamahal para sa ama, maaantig ang mga manonood sa heartfelt performance ni Bela.

Pinalitan ni Bela si Nadine Lustre na siyang orihinal na cast member ng MMFF 2019 entry na ito. Naging kasinghusay kaya ang dramatic courtroom speech na ito kung tumuloy si Nadine sa proyekto na ito?

Perfect casting sina Xia at Bela, na pawang mestiza, bilang anak ni Aga, na taglay pa rin ang pagiging heartthrob ng kanyang kabataan.

Hindi rin nagpahuli sina Xia at Bela sa pag-arte katapat kay Aga na kilala rin sa kanyang award-winning performances.

Continue reading below ↓

Katulad sa original movie, natalakay din ang police brutality sa pamamagitan ng imbestigador na may hawak ng kaso (Ronnie Lazaro) at ang power play sa pagpilit ng maling akusasyon ng pulitiko (Tirso Cruz III).

Kung nais makaramdam ng kurot sa puso ngayong Pasko, mainam na panoorin ang Miracle sa Cell No. 7 remake kahit napanood na o hindi pa ang original movie.

Ang Philippine version ng Miracle sa Cell No. 7 ay nagkamit ng Grade “A” mula sa Cinema Evaluation Board.

Continue reading below ↓

Ed's Note: The "PEP Review" section carries the views of individual reviewers, and does not necessarily reflect the views of the PEP editorial team.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aga Muhlach and Xia Vigor (right) lead the cast of the tearjerker movie Miracle in Cell No. 7. This MMFF 2019 entry also stars Bela Padilla (not in photo).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results