Allen Dizon admits disappointment over losing as Best Actor at Cairo Film Fest

by Rommel Gonzales
Dec 20, 2019
Allen Dizon admits disappointment over losing as Best Actor at the Cairo Film Fest. Their film Mindanao is now competing in MMFF 2019.
PHOTO/S: Noel Orsal

Unang beses na nakatrabaho ni Allen Dizon si Judy Ann Santos sa pelikulang Mindanao na official entry sa 45th Metro Manila Film Festival.

“Siyempre, ang unang impression ko, magaling siya, saka sikat siya, Judy Ann Santos siya. Alam kong kayang-kaya niya lahat ng eksena, di ba?

“Alam kong ready siya sa lahat ng eksena. So, nung first time namin together dun sa ano… nagkita muna kami, nag-usap kami, hindi namin pinag-usapan yung pelikula, nag-usap kami about sa husband niya, sa mga anak niya.

“Kasi, ganun din ako, may sarili akong pamilya, may pamilya siya, so yun ang usapan namin.

“First shooting day yung nakahiga yung anak namin sa hospital, tapos nakatalikod si Judy Ann sa akin, papasok ako, yun ang first scene namin.”

Paano siya naghanda na intense agad ang scene nila ni Judy Ann?

“Before the shoot, set-up muna, tapos si direk eh di eksena… 'tapos yun pa lang ang first day ko, kasi siya nakapag-shoot na siya ng ilang days eh, so nasa likod ako ng pinto. Tapos, si direk in-explain niya yung eksena na. ‘Ikaw, nasa giyera ka, tapos umuwi ka, yung anak mo naka-hospital na, medyo grabe na. Tapos, si Judy Ann, nandiyan, nakaupo diyan, tapos papasok ka ng pinto.’

Continue reading below ↓

“Yun lang ang sinabi ni direk sa amin, walang iba, so bahala ka na, bahala ka na kung ano gagawin mo dun. Wala rin kaming lines.”

Kinabahan ba si Allen sa unang eksena nila ni Judy Ann?

“Oo naman! Oo naman, kasi parang…saka kasi pag… ewan ko, kasi ako, pag narinig ko na ‘yung ‘Action!’ parang pagpasok ko sa pinto, nandun na ako sa mundo na ‘yun, parang ‘yung isip ko, ‘yung puso ko, parang totoong nangyayari ‘yung nakikita ko.

“Kung ano ‘yung magiging reaksiyon ko, hindi ko… kumbaga, hindi ko iniisip eh, dun lalabas mismo, lalabas na natural, so pag ganun ko, sinabi ni direk na ganun kung paanong… ‘Basta magkita kayo ni Juday, bahala na kayo kung paano gagawin ninyo,’ ganun si direk.

“So, nag-rehearsal kami, pero nung nag-rehearsal kami, parang blocking lang. Kasi, hindi naman alam kung ano ang magiging acting mo, kung ano ang mararamdaman mo, ‘so yun.”

Continue reading below ↓

Nakausap namin si Allen sa isang intimate interview sa Classified Kitchen + Wine Café sa Quezon City nitong Lunes, December 16.

Si Allen ang tumanggap ng Best Actress award ni Judy Ann at Best in Artistic Contribution para sa Mindanao sa 41st Cairo International Film Festival nitong November 29.

Hindi nakadalo sa awards night sina Judy Ann at Mindanao director Brillante Mendoza.

“First kong tinanggap yung kay Brillante… so siyempre, unang-una tuwang-tuwa ako dahil sa pelikulang Mindanao. So, in-accept ko ‘yung award, tapos nung tinawag na si Judy Ann, sinabi ko sa sarili ko na hindi ako mananalo.”

Bakit?

“Kasi, actually parang naging test ko na yun, e. Parang pag international film festival, kapag nanalo yung best actress sa pelikula, minsan hindi nananalo yung best actor.

"So, pag nanalo yung best actor sa pelikula, ibig sabihin, hindi na puwedeng manalo yung best actress.

“Ang ginagawa ng mga film festival din kasi siyempre, gusto nilang ibagay yung iba sa mga ibang bansa na kasama sa film festival.

Continue reading below ↓

"Kaya nung nanalo si Judy Ann, siyempre, hindi na rin ako nag-expect, kasi alam ko namang…”

Nalungkot ba siya na hindi siya nanalo?

“Natuwa ako kay Judy Ann, natuwa ako kay direk, pero siyempre merong konting lungkot din kasi nandun na ako, ako ‘yung nag-attend ng festival, ako yung nag-ano ng effort, di ba.”

Pero at least, si Allen ang nakaakyat sa CIFF stage.

“Nakaakyat akong stage, nakapasyal ako sa pyramid, sa museum, kumbaga walang… priceless yun, e!

“Sa buong buhay ko, nakarating ako ng Cairo, tapos nanalo naman si Judy Ann tsaka si direk, so okay na rin naman.

“Pero siyempre, hindi mo naman puwedeng sabihin na… hindi naman ako ipokrito para sabihing hindi ako nalungkot, hindi ako kumbaga nag-expect.

"Siyempre, kahit papaano, kahit sabihin mong hindi ka nag-expect, kahit konti, meron pa rin, e.

"Dahil alam mo naman yung ginawa mo sa pelikula, alam mo na binigay mo yung best mo, so kung manalo ka, alam mong deserve mo ring manalo, di ba?”

Continue reading below ↓

Pinuri siya ni Sharon Cuneta sa celebrity premiere ng Mindanao sa Director’s Club sa The Podium noong December 9

“Nakakatuwa di ba, parang… Sabi niya, ‘What’s your name?’ Hahaha! ‘You’re so good, ‘you’re so gwapo, ang galing, congrats, ang ganda ng pelikula ninyo, ang galing ninyo, naiyak ako, iyak ako nang iyak, ilang beses akong umiyak’, ganyan.

“So yun di ba… Megastar yun, e, para purihin ka niya, para magustuhan niya yung ano mo, yung role mo.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Allen Dizon admits disappointment over losing as Best Actor at the Cairo Film Fest. Their film Mindanao is now competing in MMFF 2019.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results