Did Yeng ask permission from husband before doing kissing scene in MMFF entry?

by Arniel C. Serato
Dec 23, 2019
Yeng Constantino on her MMFF 2019 entry Write About Love: "Sana sa panonood ng mga tao ng film na ‘to, hindi lang sila kiligin pero yung proseso at lalim nang pinaghuhugutan din ng mga writers natin to give us such beautiful stories, yun talagang ma-appreciate.”
PHOTO/S: Erickson Dela Cruz

Mas lalong hinahangaan ng Pop Rock Diva na si Yeng Constantino ang mga manunulat ng pelikula matapos niyang gawin ang pelikulang Write About Love.

Si Yeng ay gumaganap kay Joyce, isang fictional character na binubuo ng manunulat sa pelikula na ginagampanan naman ni Miles Ocampo.

Ayon pa sa singer-songwriter, proud siya sa pagganap niya sa pelikula dahil namulat siya sa realidad ng mga taong nagtatrabaho sa likod ng kamera, katulad ng mga screenwriters.

Kuwento pa ni Yeng, “Aminin ko ha nung nakita ko yung trailer, kasi siyempre focus ka dun sa assignment mo, e, na ma-execute mo yung mga dapat mong gawin.

“Pero to see the... at least full picture sa lens ng trailer, grabe ‘no, ganun yung struggle na ginagawa ng mga writers.

“Parang ano pala siya, it’s a process.

“Stories are not just made in an instant, that’s why masasabi mo talaga, kapag nakanood ka ng film, ang ganda naman nun, pero hindi yun in one big ganun, may process siya, may tatanggalin ka, may buburahin ka.

Continue reading below ↓

“Kapag may co-writer ka, makikipag-away ka pa so parang ako songwriter ako, I usually work alone, I don’t do collaborations kasi kinakabahan ako.

“Kasi naku-conscious ako sa mga words na sinusulat ko but that’s just a song compared to a story na ganyan kakapal yang binabasa namin sa script.

“Gaano kahirap yun. Sana sa panonood ng mga tao ng film na ‘to, hindi lang sila kiligin pero yung proseso at lalim nang pinaghuhugutan din ng mga writers natin 'to give us such beautiful stories, yun talagang ma-appreciate.”

Paano kaya niya pinaghahandaan ang role niya?

Tugon ni Yeng, “Ano po binasa ko po talaga ng maigi yung script at siyempre po sa tulong po ni direk at kung ano po yung execution kasi po medyo malayo po yung character sa ginampanan ko sa totoong buhay, mas maamo po yung karakter niya.

“Sabi ko nga sa asawa ko [Yan Asuncion], paalis ako kanina sa bahay, sabi niya, ‘O, you look so pretty.’

Continue reading below ↓

“Sabi ko, ‘Hindi ako ‘to, ito yung character ko sa film,’ sakit naman nun.

“Sabi ko sa kanya, ‘She’s very gentle, very patient,’ kilala ako ng asawa ko na medyo strong ako.”

Sa takbo ng pelikula, may kissing scene si Yeng sa character ni Marco na ginagampanan naman ni Joem Bascon.

Continue reading below ↓

Paano ba siya nagpaalam sa asawang si Yan na meron siyang ganitong eksena?

Saad niya, “Nagpaalam po ako sa asawa ko, ‘Love meron akong kiss dito, a. Pero smack lang naman. Love meron sa script, may kiss dito.'

"'Anong kind of kiss?’ tanong ng asawa ko, sabi ko, ‘Malalaman natin sa shooting ano.’”

YENG SINGS MOVIE THEMESONG

Bilang singer, si Yeng na rin mismo ang umawit ng themesong ng pelikula na may pamagat na "Ikaw Ang Akin."

Ito ay sinulat mismo ng direktor ng Write About Love na si Crisanto Aquino.

Pinuri naman ng netizens ang magandang interpretasyon ng ABS-CBN singer sa movie themesong. Ngayon ay may over 1 million views na ito sa Facebook.

Continue reading below ↓

Rated-G ang pelikula kaya naman para sa lahat ng moviegoers ang pelikula na mapapanood simula December 25, 2019, Araw ng Pasko.

Ito ay handog ng TBA Studios at bahagi ng 45th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yeng Constantino on her MMFF 2019 entry Write About Love: "Sana sa panonood ng mga tao ng film na ‘to, hindi lang sila kiligin pero yung proseso at lalim nang pinaghuhugutan din ng mga writers natin to give us such beautiful stories, yun talagang ma-appreciate.”
PHOTO/S: Erickson Dela Cruz
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results