Allen Dizon not expecting to compete with Aga Muhlach in MMFF 2019 Best Actor race

Allen Dizon lauds child star Yuna Tangog's impressive acting in Mindanao
by Rommel Gonzales
Dec 22, 2019
Allen Dizon believes that Aga Muhlach is a sure bet for this year's MMFF Best Actor award: “Aga Muhlach na yun, e. Siyempre alam naman nating magaling si Aga, e.”

Entry sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Pasko ang pelikulang Mindanao ni Judy Ann Santos kung saan leading man niya si Allen Dizon.

Marami na ang nagsasabing siguradong si Judy Ann ang tatanghaling Best Actress sa MMFF awards night sa December 27, lalo pa nga at nitong Nobyembre ay nagwagi na siya, para rin sa Mindanao, sa prestihiyosong 41st Cairo International Film Festival sa Egypt.

Kaya tinanong namin si Allen kung kinakabahan ba siya sa MMFF awards night dahil malamang na nominado naman siya sa pagka-Best Actor.

Lahad niya, “Kinakabahan siguro, kasi gusto ko maraming manood, gusto kong kumita yung pelikula.”

Ganun din ba ang pakiramdam niya sa awards night?

Aniya, “Lahat naman ng awards night o film festival na ina-attend-an ko, kinakabahan pa rin ako kasi…

"Lalo na pag nananalo ako mas kinakabahan ako, e. Kung talo okay lang, at least, di ba, kumbaga…

“Siguro hindi naman ako nag-e-expect kasi palagi, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang gusto ko lang, at least, kung may manalo sa pelikula. E, kung manalo ka, mas maganda, di ba?”

May nagsasabi na may laban siya kay Aga Muhlach sa Best Actor category.

Entry ni Aga ang Miracle in Cell No. 7.

Diin niya, “Aga Muhlach na yun, e. Siyempre alam naman nating magaling si Aga, e.”

HATS OFF TO AGA

Ano ang magiging reaksyon niya kapag sa gabi ng parangal ay tinalo niya si Aga?

Saad niya, “Siguro iba lang yung napuntang role sa akin. Siguro mas naano lang yung role ko sa Mindanao, and alam naman nating si Aga magaling na artista, di ba?

"Hindi ko pa napapanood yung pelikula niya and I’m sure papanoorin ko rin.

“Wala, siguro kung manalo man ako, siguro para sa lahat ng mga artistang kasama, sa mga entries, sa lahat ng mga actors, siguro sa kanila ko iaano yung award ko.

"Kasi parang lahat naman, di ba, pag gumagawa ng pelikula, binibigay mo yung best mo, binibigay mo yung lahat—oras, panahon—di ba?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kumbaga, lahat naman siguro deserve na manalo.”

Pero paano kung, knock on wood, talunin siya ni Aga?

Pahayag niya, “Hindi naman imposible kasi alam kong magaling siyang artista. Alam kong maganda yung role niya dun sa Miracle and… yun lang, siguro malulungkot ako nang konti, di ba?

“Kasi siyempre, gusto mo rin namang manalo, gusto mo rin namang magkaroon ng credit yung ginawa mong pelikula and kung paano yung ginawa mong acting dun sa role mo, di ba?

"Siyempre mas maganda yung… kumbaga, bonus na yan—magandang bonus, magandang pamasko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Allen sa isang intimate interview sa Classified Kitchen + Wine Café sa Quezon City noong December 16.

A SOLDIER'S LIFE

Halimbawang isang sundalo siya sa Mindanao sa tunay na buhay, ano ang uunahin niya: ang pakikipaglaban para sa bayan o ang anak niyang may sakit na kanser at misis na nag-iisang nag-aaruga sa kanilang anak?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pag-aanalisa niya, “Mahirap, e. Mahirap kung ibe-base mo sa totoong buhay, di ba?

"Pero itong… siyempre dahil pelikula, so uunahin mo yung bayan, e.

"Inuna mo yung bayan kesa sa mga anak mo, kesa sa anak mo na may sakit, sa asawa mo na siya lang mag-isang nag-aalaga...

“Na alam mong kailangan ka niya, alam mong kailangan ka ng anak mo, hinahanap ka ng anak mo, pero tumuloy ka pa rin, gumigiyera ka pa rin, na ang asawa mo ang worry din sa iyo anytime puwede kang mamatay, anytime puwedeng mamatay ang anak mo.

“So ang hirap nung sitwasyon na yun, ano?

“Yung mga eksena na yun, kung sa totoong buhay siguro, parang kung sa akin mangyari yun kung sundalo man ako, siguro uunahin ko muna pamilya ko, para sa akin.”

BONDING WITH YOUNG CO-STAR

Mahusay rin sa pelikula ang batang gumanap bilang anak nila ni Judy Ann, si Yuna Tangog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento niya, “Siguro maganda yung hindi pa niya na-e-experience yung acting. So, very natural yung ano niya...

"Kasi yung first day namin, natakot nga sa akin yung bata, e.

"Nung una, nagpa-picture sa akin yung mommy niya tsaka siya. Hindi pa ako nakapang-sundalo, parang nakadamit lang ako nang simple, casual lang.

“Nagpa-picture, tuwang-tuwa, nakikipaglaro sa akin, 'tapos nung nag-uniform na ako, nung may mga sugat at mga dumi-dumi na ako dahil sundalo na ako, parang ayaw nang umarte.”

Ano ang ginawa niya?

Tugon niya, “Wala, sabi ni Direk [Brillante Mendoza], ‘Kausapin mo muna si ano, bonding kayo.’

“So nag-usap muna kami, kasama yung nanay, sinuyo ko muna yung bata. Wala ka namang magagawa kung ayaw niyang mag-shoot, e.”

Kanino siya na-challenge, sa bata o kay Judy Ann?

“Sa bata muna, kasi ito [Judy Ann] propesyunal ito, e. Magaling ito, e.

“Itong bata wala namang alam sa acting ito, e.

"Kumbaga, ito pag hindi nakapag-shoot, walang mangyayari dito, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, ginawa namin, dun pa lang kinausap na namin siya,” pangwakas niyang lahad.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Allen Dizon believes that Aga Muhlach is a sure bet for this year's MMFF Best Actor award: “Aga Muhlach na yun, e. Siyempre alam naman nating magaling si Aga, e.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results