Rocco Nacino on MMFF 2019 entry Write About Love: "Underdog nga kami"

by Arniel C. Serato
Dec 23, 2019
Rocco Nacino on film writers: "To give so much time and effort and emotions para magawa ‘to o makumpleto ‘to, its one thing to say thank you to them.”
PHOTO/S: Arniel Serato

Magiging abala si Rocco Nacino at iba pang cast ng Write About Love sa Araw ng Pasko sa pag-iikot sa mga sinehan sa Kamaynilaan upang magpapasalamat sa mga taong tatangkilik sa kanilang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry.

Nakangiting sabi ng GMA-7 actor, “Cinema tour nito, magpapasalamat kami sa mga taong manonood nito.”

Ayon pa kay Rocco, kahit mga higanteng artista ang makakalaban nila ngayon sa MMFF 2019, hahayaan daw nilang ang “word of mouth” ng mga tao ang magbibigay ng tagumpay sa Write About Love.

Saad niya, “Underdog nga kami, e. Pero hinahayaan lang namin ang mga sinasabi ng mga tao na underdog, dark horse, we will let the movie speak for itself.

“We will let the comment of the audiences na lalabas sa sinehan.”

Hindi naman daw umaasa si Rocco na makakuha ng nominasyon.

Bonus na lang daw kasi ito kung sakali. Aniya, “Hopefully, ang lagi ko sinasabi sa mga bagong artista, kung nasali ka man sa filmfest, hope but don’t expect.

Continue reading below ↓

“Para kung sakaling hindi mo makuha, hindi ka bugbog sa sarili mo. Para ready ka sa next challenge or next project.”

Isa ang kanilang pelikula sa bukambibig na pinag-uusapan ng netizens dahil sa husay ng pagganap niya—kasama ang co-stars na sina Yeng Constantino, Miles Ocampo, at Joem Bascon.

Gusto na din ba ni Rocco na maging screenwriter katulad ng karakter na ginampanan niya sa pelikula?

Tugon ng aktor, “That’s a nice question. Tsinallenge ako ni Miles pero parang di ko kaya, e.

“Siguro marami pa akong pag-aaralan pagdating sa mga formulas and stuff.

“Pero understanding it, it’s no easy task, to write a love story or any kind of story.

“We really have to understand emotions to write something beautiful.”

Dahil sa pelikula, mas lalo pang humanga si Rocco sa mga manunulat na nag-iisip ng mga magagandang kuwento upang isalin sa pinilikang tabing.

Sabi niya, “After doing this, talagang hanga ako sa kanila.

“To give so much time and effort and emotions para magawa ‘to o makumpleto ‘to, its one thing to say thank you to them.”

Ang Write About Love ay mula sa TBA Studios at mapapanood na simula December 25, Araw ng Pasko.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rocco Nacino on film writers: "To give so much time and effort and emotions para magawa ‘to o makumpleto ‘to, its one thing to say thank you to them.”
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results