Joem Bascon reacts to possible competition with Aga Muhlach as MMFF Best Actor nominee

by Arniel C. Serato
Dec 23, 2019
Joem Bascon happy to be part of Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019: "I think it’s a healthy competition with each other, with everyone at the same time nga natutuwa ako kasi nagsasama sama lahat ang Pinoy filmmakers, mapapanood ng mga kababayan natin, ng mga kapwa Pilipino natin, ng mga Kapamilya natin.”
PHOTO/S: Arniel Serato

Feeling “very blessed” daw si Joem Bascon ngayong 2019 dahil sa dami ng proyektong nagawa niya.

Isa na nga rito ay ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019 entry na Write About Love kasama sina Yeng Constantino, Miles Ocampo, at Rocco Nacino.

Continue reading below ↓

Lahad ng Kapamilya actor, “I’m happy lang dahil sobrang blessed ako sa work and at the same time yun may TV work ako for ABS-CBN, yung Starla.”

Paano siya nag-aadjust sa movie dahil romantic comedy ito hindi kagaya ng ilang mga TV shows niya at ibang proyekto na kontrabida ang role na kanyang ginagampanan?

Saad ni Joem, “Well-written yung script by Direk Crisanto Aquino.

“So talagang sinusunod na lang namin kung ano man yung nakasulat sa script.

“Adjustments would be, it depends on Direk Crisanto, e, kung ano yung hindi pa niya nakikita sa amin na bago.

“So kapag medyo kulang o hindi pa talaga tama dun sa eksena, niri-retake namin nang niri-retake which is okay.

“Kasi akala mo minsan may ginagawa ka kasing acting, akala mo okay na, e, pero after that hindi pa pala so talagang pinapaulit niya nang pinapaulit hanggang sa totoo talaga ang lalabas.”

Saan ba siya mas komportable, sa pagiging bida o kontrabida?

Continue reading below ↓

Ayon sa kanya, “Siyempre mas kumportable ako kapag nagku-kontrabida kasi yun ang kadalasan na nabibigay sa akin na work.

“Pero, I’m very happy na mabigyan ako ng chance na ano ba, hindi naman leading man pero yung partner para sa isang romantic movie, nabigyan ng chance.

“I’m just happy na nakaka-deliver ako kahit papano na mabigyan ko sila ng ibang putahe naman, ibang side ni Joem.”

Isa sa walong entries na pasok sa MMFF 2019 ay ang Write About Love mula sa TBA Studios. Itinuturing ito ng aktor na isang blessing dahil makakasama niya ang iba pang mga bigating talento sa industriya.

Lahad nito, “Sobrang saya ko lang pag-naiisip ko yung MMFF, kasi yun yung gathering ng all filmmakers ng Pilipinas.

“Masaya ako na magkakasama kaming lahat.

“I think it’s a healthy competition with each other, with everyone at the same time nga natutuwa ako kasi nagsasama sama lahat ang Pinoy filmmakers, mapapanood ng mga kababayan natin, ng mga kapwa Pilipino natin, ng mga Kapamilya natin.”

Continue reading below ↓

A POSSIBLE COMPETITION WITH AGA MUHLACH

May mga nagsasabi na baka isa si Joem sa mabigyan ng nominasyon sa kanyang pag-arte sa Write About Love.

At maaring ang kanyang makakatunggali naman ay ang aktor na si Aga Muhlach na bida naman sa isa pang entry, ang Miracle in Cell No. 7.

Ano ang masasabi niya rito?

Tugon niya, “Naku po, I’m very, very happy to be in a festival with Aga Muhlach, kasi ano before Piolo [Pascual] or anyone, si Aga Muhlach ang andiyan, e, so I’m just happy to be with him in the festival.

“I’m very happy na kasama ko lahat ng magagaling na aktor na napili ng MMFF for this year and it’s an honor to be part of that festival.

“Alam mo, I’m so happy and bonus na lang kung ma-nominate pero ngayon I’m just happy na matapos ang mga pelikulang dapat tapusin.

“Siyempre importante din na ma-relay namin sa mga tao ang mensahe namin sa pelikula.

Continue reading below ↓

“Kung ano man yung maramdaman at dapat matanggap ng mga tao ngayong Pasko.”

Mapapanood ang Write About Love sa darating na December 25, Araw ng Pasko.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joem Bascon happy to be part of Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019: "I think it’s a healthy competition with each other, with everyone at the same time nga natutuwa ako kasi nagsasama sama lahat ang Pinoy filmmakers, mapapanood ng mga kababayan natin, ng mga kapwa Pilipino natin, ng mga Kapamilya natin.”
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results