Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

REVIEW: Sunod combines good casting and horror-suspense elements to shock moviegoers

The Carmina Villarroel-starrer Sunod is the only horror entry in the Metro Manila Film Festival 2019.
PHOTO/S: Sunod (TEN17P)

SUNOD

Starring: Carmina Villarroel, Krystal Brimner, Rhed Bustamante, Mylene Dizon, Susan Africa, JC Santos
Director: Carlo Ledesma
Writer: Anton Santamaria
Producer: TEN17 Productions
Release date: December 25, 2019

JIMPY ANARCON:

Ibang klaseng pananakot ang dala ng Metro Manila Film Fest 2019 entry na Sunod, with Carmina Villarroel in the lead role.

Lagi naman sinasabi actually sa mga promo ng horror films na kakaiba ang mga pananakot nila, pero in fairness to Sunod, napanindigan nilang maging iba, especially with its twists and turns.

Carmina plays Liv, a mom na kailangan ng pera dahil sa anak niyang may heart disease.

Star Magic talent Krystal Brimner, na nakilala sa MMFF 2015 entry na Honor Thy Father, plays the role of Carmina’s daughter.

The character of Carmina applies to be a call center agent para magkaroon ng pera.

Nakakatuwa for me ang milieu na ginamit: isang call center na naka-house sa isang lumang building na ang itsura palang, panakot na. And true enough, marami pala talagang lihim na kaganapan sa building na yon!

Continue reading below ↓

RACHELLE SIAZON:

Na-achieve ng Sunod ang gulat factor na mahalagang elemento sa isang horror film. Ilang beses akong napasigaw sa mga eksena sa loob ng Liboro House na sobrang creepy din naman talaga.

Kudos to Direk Carlo Ledesma na maganda ang pagkakatahi ng mga kababalaghan sa fictional haunted call center building na dating ospital sa Manila noong dekada '70.

Kulay-luma o sepia ang mga eksena ni Carmina sa Liboro House at cyan blue ang kulay kaya gloomy ang mga eksena sa hospital room kunsaan naka-confine ang may sakit na si Krystal.

Kitang-kita kung paano ginamit ni Direk ang pag-establish ng eerie vibe, hindi lang sa kulay ng pelikula kundi pati musical scoring at mismong pag-arte ng lahat ng cast members.

Napansin mo ba, Jimpy, na mala-Patayin Sa Sindak ni Barbara ang feels ng Sunod? Parang si Dawn Zulueta si Carmina na may ethereal beauty.

Gustung-gusto ko yung opening scene na naka-all-black na damit at belo si Carmina kaya tumingkad ang pagkakutis-porselana niya. Nakuha agad ang atensyon ko bilang moviegoer.

Continue reading below ↓

May isa pang super close-up na shot at nasisinigan ng araw mula sa bintana ng ospital ang mukha ni Carmina, pero ang ganda pa rin ng rehistro niya sa big screen.

Wala pang dialogue, na-highlight na agad yung stress niya kung paano maitawid ang pambayad ng hospital bills ng anak.

Grabe rin si Krystal na hawig ni Maja Salvador at may naitatagong sariling galing sa pag-arte.

Ayokong mag-spoiler, pero can I just say na ang galing ng shift of character ni Krystal dun sa vital confrontation scene nila ni Carmina sa dulo ng movie?

It reminds me of a scene from Patayin Sa Sindak Sa Barbara—yung na-possess si Antoinette at may hawak na basag na salamin habang kinukumpronta si Dawn.

JIMPY ANARCON:

Yes, Patayin sa Sindak si Barbara talaga ang feel dahil halos mamatay din ako sa sindak sa gulat sa mga eksena! Achieve na achieve ni Direk Carlo ang panggugulat, to think that this is his first feature film.

Continue reading below ↓

At ang galing na naalala mo yung Antoinette scene. Agree ako dun!

Bongga nga ang cinematography ni Mycko David at alagang alaga si Carmina sa shots. Although na-depict naman nang maayos na stressed mom si Carmina at kulang sa tulog, pero hindi masagwa tignan on-screen!

Of course, aside from Krystal, bongga rin ang performance ni Rhed na kahit wala masyadong acting, yung presence pa lang niya ay damang dama na ang takot at kaba.

Nakakatuwa rin si JC Santos as Carmina’s team leader. Ang gwapo niya! Although predictable for me ang magiging ganap sa character niya, nagulat pa rin ako sa mga pangyayari dahil nga alam ni Direk Carlo saan ipapasok ang mga surprise factor ng istorya!

Nahihiwagaan din ako at naku-curious kung ano ang inspiration ng movie na ito tungkol sa red yarn na element. Although malaki ang contribution niya sa eerie vibes ng movie, nakulangan ako sa explanation kung ano ang relevance niya sa pagkakagulo-gulo ng buhay ng mga bida.

Continue reading below ↓

Depende naman sa viewer kung gusto niya ang mystery ng red yarn element, pero for me, sana naipaliwanag din para walang loophole na iniisip paglabas ng sinehan.

RACHELLE SIAZON:

Hindi rin nga masyadong malinaw sa akin kung yung red yarn ba ay may pinanggagalingan na pamahiin o tipong nakakatakot na ritwal ng isang mambabarang.

Para kasing bitin yung exposition ng katatakutan sa movie. O baka naman dahil may part two pa ang Sunod?

Isa pa sa medyo nakakapagtaka sa akin ay kung bakit hindi gumamit ng dasal to ward off bad spirits dito sa kuwento.

Hindi ko sure kung ang intensyon ng pelikula ay ipakita na may kakayanan ang tao na magpaalis ng bad spirit in the same way na may kakayahan ang tao na pumili kung gagawa ng masama o mabuti.

Or baka hindi lang talaga nilagyan ng religious aspect para maiba sa nakasanayang mga horror film?

In any case, agree ako dun sa acting ni Rhed na no dialogue needed para maging effective. Ito yung patunay na hindi kailangan mababad sa eksena para maipakita ang galing sa pag-arte.

Continue reading below ↓

Itong si JC, consistent na maganda ang diction ng English kahit sa pelikula niya noon na Mr. & Mrs. Cruz at The Day After Valentine's. Kaya tamang-tama sa kanya ang role na call center head trainer. Effective ang nakakainis niyang character.

At gusto ko si Mylene Dizon na red lipstick pa lang niya ay nakakadagdag na sa impact ng kasungitan niya sa movie. Hahaha!

JIMPY ANARCON:

Yes, presensiya pa lang din ni Mylene Dizon, nakakatakot na! At tuwang tuwa ako sa eksena nila ni Susan Africa na hindi natin iso-spoil. Na-remind lang kasi ako na si Susan Africa ang original na Susan sa Mara Clara, at si Mylene ang gumanap na Susan sa 2010 remake.

I-mention din natin si Kate Alejandrino na nag-play as Carmina’s best friend sa call center dahil sobrang funny ng character niya. Sa gitna ng takot at kaba, very good na may comic relief para naman makagaan sa feeling!

Continue reading below ↓

Natakot ako doon sa climax part na nireveal na kung ano ang twist ng story. Sa totoo lang, may kilabot factor siya dahil parang in real world lang din, hindi mo na talaga alam kung sino ba ang totoong masama at sino ba ang totoong kakampi.

Ang ganda rin ng title na Sunod dahil very apt sa movie. Sa umpisa, akala mo, yun na ang meaning. Yun pala, may kasunod pang interpretation sa latter part of the movie.

Isa pang nagustuhan ko ay yung paggamit ng isang dramatic mother-daughter story para sa isang horror movie. Effective naman ang ginawang pagtatahi ng drama at horror elements sa pelikulang ito.

Kaya parang doble ang tama ng Sunod sa puso ng mga manunuod. Nandoon yung gugulatin ka na halos magka-heart attack ka na, at meron ding nakaka-touch na part dahil sa relasyon ng mag-inang Carmina at Krystal.

RACHELLE SIAZON:

Kung ano ang matinding twist, 'yan ang dapat abangan sa Sunod.

Continue reading below ↓

Dekalibre ang cast at may kuwento ang horror film na ito kaya sulit na mapanood this MMFF 2019.

Ed's Note: The "PEP Review" section carries the views of individual reviewers, and does not necessarily reflect the views of the PEP editorial team.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Carmina Villarroel-starrer Sunod is the only horror entry in the Metro Manila Film Festival 2019.
PHOTO/S: Sunod (TEN17P)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results