REVIEW: John Lloyd is a scene stealer in MMFF 2019 entry Culion

by Jocelyn Valle
Dec 25, 2019
Iza Calzado, Jasmine Curtis-Smith, and Meryll Soriano top-bill the MMFF 2019 entry Culion, wherein John Lloyd Cruz makes a cameo appearance.

CULION

Starring: Iza Calzado, Jasmine Curtis-Smith, Meryll Soriano

Director: Alvin Yapan

Writer: Ricky Lee

Producer: Shandii Bacolod / iOptions Ventures

Release date: December 25, 2019

Inaabangan ng mga manonood ang cameo ni John Lloyd Cruz sa pelikulang Culion.

At hindi sila mabibigo dahil markado ang eksena na binigay sa ABS-CBN actor.

Sapul sa puso ang eksena nina Meryll at John Lloyd, na gumaganap sa isang cameo role.

Pumalakpak ang mga moviegoers sa close-up shot ni John Lloyd sa nagawang ipadama ang nararamdaman niyang matinding emosyon sa pagkakataon na iyon.

Nangyari ito sa Metro Manila premiere night ng Culion na ginanap noong December 21 sa SM Megamall Cinema 4.

Halatang na-miss ng moviegoers ang aktor na huminto sa pag-arte sa pelikula simula nang mag-indefinite leave of absence siya noong October 2017.

Ang pelikulang Culion ay hindi lamang tungkol sa isang isla sa Palawan na itinalaga bilang Culion leper colony noong 1906 sa pamamagitan ng Act 1711 ng Philippine Commission.

Continue reading below ↓

Ito ay pag-alala at pagkilala sa mga taong nanirahan doon, maging leprosy patient o care provider, na may kani-kanilang kuwento.

Ito rin ay pagbalik-tanaw at pagsuri sa kasaysayan ng Pilipinas sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano at paglusob ng mga Hapon.

Sa ganitong milieu namuhay ang mga tauhan sa pelikula, na gawa sa ilalim ng produksyon ng Options Ventures Corp. at entry sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Bagamat pawang fictional characters ay base naman sila sa true stories sang-ayon sa research ng scriptwriter na si Ricky Lee, katulong ang kanyang grupo ng manunulat, at paggabay ng direktor na si Alvin Yapan.

Nakatutok ang kuwento sa mga magkakaibigang Anna, Ditas, at Doris, na napadpad sa Culion dahil sa leprosy, o kilala din sa tawag na Hansen’s disease.

Noong panahon na iyon ay wala pa itong lunas at ang tanging paraan para hindi ito kumalat sa buong bansa ay ang segregation at isolation ng mga maysakit.

Continue reading below ↓

Si Anna (Iza Calzado) ay nine years pa lamang nang makarating sa leprosarium at iwan doon ng kanyang ina, na hindi na niya nakita pang muli.

Ang Cebuana teacher na si Ditas (Meryll Soriano) ay ikakasal na sana sa kanyang kasintahan nang dapuan siya ng sakit.

Ealang ibang pinanggalingan si Doris (Jasmine Curtis-Smith) dahil sa leper colony na siya ipinanganak sa mga magulang na mga pasyente din.

Karugtong ng kuwento ni Anna ang kanyang mangingibig na si Kanor (Joem Bascon), na sa simula ay malamig ang kanyang pakikitungo.

Mapag-isa naman si Ditas habang nababalot sa panghihinayang at pag-asam sa kanyang matatawag na one great love.

Magiliw namang nagtuturo ng English language si Doris sa mga batang pasyente at may masugid na manliligaw sa katauhan ni Jamie (Mike Liwag).

Sa kabilang banda naman ay nariyan ang mga tagapangalaga sa mga pasyente, mula sa head doctor (Simon Ibarra), nurse (Suzette Ranillo), parish priest (Joel Saracho), at Caucasian nuns.

Continue reading below ↓

Nariyan din ang leper colony administrators sa pangunguna ng American head nito (Lee O’Brian).

Maayos at masusi ang pagkakasulat ng buong kuwento at bawat lead character, kabilang na ang mga papel nila sa leper colony maging ang relasyon nila sa isa’t-isa. Kapansin-pansin ang paggamit ng iba-ibang lengguwahe at salita upang ipakita ang pinanggalingan ng mga tauhan at panahon ng pangyayari.

Ngunit may mga pagkakataong hindi angkop ang paggamit ng ilang English words para sa period drama na ito.

Malinaw ang pagpili ni Direk Alvin kung paano umusad ang kuwento bilang paglalarawan sa mabagal na buhay sa isla, sa matagal na paghihintay sa kumpletong lunas sa sakit, at sa pangungulila ng mga pasyente.

Angkop din ang kanyang tila theatrical approach, subalit may mga eksena na sumobra ito kaya nagmukhang asiwa ang pagganap, lalo na ng mga baguhang artista o mga tubong Culion na nabigyan ng partisipasyon sa pelikula.

Nahuli naman ng cinematographer na si Neil Daza ang angking ganda ng isla habang ipinapakita ang salungat na kalagayan at pakiramdam ng mga tao dito.

Continue reading below ↓

Mahusay ang pagganap ng lead characters at pinagbuti pa nila ang mga ibinigay sa kanilang acting moments.

Nakakadala ang mga emotional scenes nina Iza (habang nasa kama), Meryll (nang magsayaw mag-isa), Jasmine (sa pag-akyat ng burol), Joem (pagsalaysay sa karanasan sa labas ng leprosarium), Mike (nang matanto ang kanyang mga pagkukulang), at Suzette (pagkuwento ng back story).

Kapuri-puri din ang paglahad ng contrast sa lovemaking nina Iza at Joem, bilang Anna at Kanor, sa umpisa at katapusan ng pelikula upang isalarawan hindi lamang ang paglago na kanilang relasyon bagkus ang pagbigay puwang ng pag-ibig sa kuwento.

Nakakatuwa naman ang mga hirit ni Jasmine para ipakita ang paging candid ng kanyang karakter na si Doris.

Sana lamang ay katulad ng simula ng pelikula, kung saan may prologue ukol sa pagtatag ng Culion leper colony, ay mayroon ding epilogue para iparating sa madla na nabuwag na ito simula pa 2006 nang ideklara ito ng World Health Organization bilang leprosy-free.

Continue reading below ↓

Nasayang ang pagkakataong maanyayahan ang mga manonood na bisitahin ang dating leprosarium na ngayon ay itinuturing nang Philippine National Cultural Treasure.

Ang Culion ay nagkamit ng Grade “A” mula sa Cinema Evaluation Board, kung saan ang artistic merits nito ay may katumbas na 100 percent rebate mula sa amusement tax.

Mainam panoorin ito kung makabuluhang panonood ang hanap sa MMFF 2019.


Ed's Note: The "PEP Review" section carries the views of individual reviewers, and does not necessarily reflect the views of the PEP editorial team.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iza Calzado, Jasmine Curtis-Smith, and Meryll Soriano top-bill the MMFF 2019 entry Culion, wherein John Lloyd Cruz makes a cameo appearance.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results