Iza Calzado grateful to be pitted against Judy Ann Santos in MMFF 2019 Best Actress category

by Nikko Tuazon
Dec 27, 2019
Iza Calzado, one of the lead stars of Culion, says, "It would be hypocritical of me to say that an award doesn't matter." During the MMFF 2019 Parade of Stars, she was photographed with director Quark Henares (right).
PHOTO/S: Erickson Dela Cruz

Si Iza Calzado at Judy Ann Santos ang inaasahang magtatapat para sa Best Actress award sa Metro Manila Film Festival 2019.

SI Iza ang bida sa historical movie na Culion habang si Judy Ann naman ang lead star sa drama film na Mindanao.

Ang dalawang aktres ay parehong nagpamalas ng kanilang husay sa mga nasabing pelikula ngunit bago pa man ang MMFF ay gumawa na ng ingay ang Mindanao sa ibang bansa. Nagkaroon na ito ng international screenings sa Busan, South Korea at sa Tokyo, Japan.

Nitong nakaraang Novemeber 29, itinanghal ding Best Actress si Judy Ann sa 41st Cairo International Film Festival. Ito ang dahilan kung bakit inaasahan ng karamihan na siya ang mananalong Best Actress sa MMFF 2019.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment press kay Iza, natanong ito kung nao-offend siya sa tuwing sinasabing si Judy Ann ang mag-uuwi ng award.

Continue reading below ↓

Ngunit para 37-year-old actress, mas importante ang kanilang pagkakaibigan.

Saad ni Iza, "Happy na ako na may laban ako. Yung may magsabi sa akin na may laban ako kahit papano, kahit kakaunti, okay na ako dun.

"She won in Cairo and I really put her on a pedestal kasi that's why ang hirap, 'no?

"It would be hypocritical of me to say that an award doesn't matter. It does because it motivates you, it's like a prize parang when you do good in school.

"But mas importante sa akin ang pagkakaibigan namin at mas importante sa akin kung sino talaga ang nararapat na mabigyan nun."

Kasunod nito, sinabi ni Iza na itinuturing niyang isa sa kanyang mga iniidolong aktres si Judy Ann.

Aniya, "I haven't seen her film pero kasi bilang idolo ko siya, parang hindi ko talaga matanggal sa utak ko, 'Siyempre, mas magaling siya sa akin!' Yung ganun, 'Idolo ko siya, e!'

Continue reading below ↓

"Hindi mo matatanggal yun, e, kaya yun ngang masabi mo lang na dumikit kahit konti, 'Oh my god!' Malaking pamasko na yun para sa akin!"

Nakapanayam ng press si Iza sa Culion cast party na ginanap sa Filinvest City nitong Lunes, December 23.

WHY SHOULD FILIPINOS WATCH CULION?

Umaapela naman si Iza sa mga manonood na Pilipino na tangkilikin ang lahat ng Metro Manila Film Festival 2019 entries kabilang ang kanilang pelikula.

Continue reading below ↓

Kasama ni Iza sa Culion sina Meryll Soriano at Jasmine Curtis-Smith. Ang director ng pelikula ay si Alvin Yapan habang ang screenplay naman ay sinulat ni Ricky Lee.

Pahayag ni Iza, "Alam niyo po, maraming nagtatanong din kung bakit nga naman [dapat panoorin].

"Meron pang nagsabi sa akin na... anong masasabi ko na a movie like Culion doesn't deserve to be part of Metro Manila Film Festival.

"Sabi ko, 'That's why it's a film festival. It may be heavy, yes, we understand that the theme is quite heavy but it's part of Philippine history that's why it matters... That's why it's a movie worth seeing.'"

Para kay Iza, marami ring matutunan tungkol sa kasaysayan ng Culion, Palawan ang mga manonood ng kanilang pelikula.

Dagdag nito, "It tells the story of Culion, Palawan, which was at one point in time, the largest and most progressive leprosarium.

"Ako kasi, bago ko nalaman ang tungkol sa proyektong ito, hindi ko din alam ang tungkol sa Culion.

Continue reading below ↓

"I'm sure magiging interesado na malaman kung anong buhay nagkaroon ang ating mga kababayan nung time na yun especially because they were stigmatized.

"They were parang considered outcasts of society dahil nga sa kanilang leprosy o Hansen's disease o yung tinatawag po natin dati na ketong na hindi na po tamang banggitin ngayon dahil nakakasakit po sa may mga pinagdaanan nun."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iza Calzado, one of the lead stars of Culion, says, "It would be hypocritical of me to say that an award doesn't matter." During the MMFF 2019 Parade of Stars, she was photographed with director Quark Henares (right).
PHOTO/S: Erickson Dela Cruz
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results