REVIEW: Vice Ganda jokes about network war in The Mall, The Merrier

by Jocelyn Valle
Dec 31, 2019
Vice Ganda and Anne Curtis top-bill the MMFF 2019 entry The Mall, The Merrier.

THE MALL, THE MERRIER

Starring: Vice Ganda, Anne Curtis, Tony Labrusca, Dimples Romana

Director: Barry Gonzales

Writers: Jonathan Albano, Daisy Cayanan, and Alpha Habon

Producer: Carlo Katigbak and Olivia Lamasan (for Star Cinema); Vicente del Rosario and Veronique del Rosario-Corpus (for Viva Films); and Joji Alonso

Release Date: December 25, 2019

Makailang beses nang nakapagbitaw ng on-air comments si Vice Ganda patungkol sa network war, partikular ang noontime show na kinabibilangan niya, ang It’s Showtime ng ABS-CBN, at ang katapat nito na Eat Bulaga! sa GMA-7.

Aniya sa isang press interview kamakailan ay wala naman daw talagang rivalry sa pagitan ng mga hosts ng parehong show, at hindi sila magkakaaway.

Nauungkat lang ang issue sa panahong ito ng Kapaskuhan dahil, katulad ng mga nakalipas na taon, ay pareho sila ng Eat Bulaga! host na si Vic Sotto na may entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Apela ni Vice, “Set aside kung ano ang hindi maganda, we just have to celebrate pag Pasko talaga.”

Continue reading below ↓

Kaya naman sa MMFF 2019 entry niya na The Mall, The Merrier, merong eksena na pahiwatig sa network war.

Nangyari ito sa pelikula nang ang karakter ni Vice (bilang mall owner) at ang karakter ni Ruffa Gutierrez (bilang living Annabelle doll) ay nagsabunutan at gumulong-gulong sa kalsada hanggang makarating sa bakuran ng GMA-7, na ipinakita sa pamamagitan ng close-up shot ng tower at logo nito.

Tawanan ang audience nang sambitin ni Vice Ganda nang makita ang GMA Nework logo: "Pagagalitan tayo ng management!"

Ang kuwento ng The Mall, The Merrier ay nangyari sa Tamol Mall na itinayo ng mag-asawang Tanacio (Jameson Blake) at Mola (Elisse Joson).

Sina Tanacio at Mola ay may dalawang anak: ang panganay na si Moises (Vice Ganda) at ang bunsong si Morissette (Anne Curtis).

Nang mabuwag ang kanilang pagsasama ay naghiwalay sila ng landas bitbit ang tig-isang anak.

Nanatili si Tanacio sa pagpapatakbo ng Tamol Mall sa tulong ni Moises, na lumaking transwoman at sumasagot na sa pangalang Moira.

Continue reading below ↓

Nagtungo naman si Mola sa Australia, kung saan mag-isang itinaguyod si Morissette hanggang sa ito’y maging successful ngunit cold-hearted career woman.

Sa pagnanasa na maging tanging tagapagmana ng Tamol Mall ay naging magkaaway ang magkapatid, na habang tumatakbo ang pelikula ay ipapaliwanag naman kung bakit ang layo ng itsura sa isa’t-isa.

Nagkaroon ng horror twist ang comedy flick na ito sa pamamagitan ni Tita Moody (Dimples Romana) at ang sidekick niyang si Casim (Petite, isang stand-up comedian) kaya may pagsulpot ng Annabelle living doll na hango sa American horror film franchise na The Conjuring.

Halos lahat kasi ng inanimate objects sa loob ng Tamol Mall ay nabuhay at nagtangka ang karamihan sa kanila na patayin ang mga tao dito.

Bukod sa magkapatid na Moira at Morissette ay may ilang empleyado na trapped din sa mall, kabilang ang hunky apple of the eye ni Moira na si Gardo (Tony Labrusca).

Ang The Mall, The Merrier ay may pagkakahawig sa Sisterakas, ang entry ni Vice sa MMFF 2012 kasama sina Ai-Ai delas Alas at Kris Aquino.

Continue reading below ↓

Magkapatid din kasi sina Vice at Ai-Ai sa Sisterakas, ngunit hanggang doon na lamang ang paghahambing dahil hindi napantayan ang entertainment value nito ng The Mall, The Merrier.

Bagamat gano’n pa rin ang energy level at presence ni Vice, malaking factor ang kawalan ng malakas na kabatuhan ng punchline at comedic flair sa MMFF 2019 entry na ito.

Mas kilala kasing leading lady si Anne Curtis sa drama movies at TV series, idagdag pa ang pagsulat ng kanyang karakter na galit higit sa kalahati ng pelikula.

Magaling rin na dramatic actress si Dimples Romana at malakas ang recall ng kanyang kontrabida role na Daniela Mondragon sa teleseryeng Kadenang Ginto, ngunit may mas ibubuga pa sana siya sa comedy at horror.

Malaking tulong ang special participation ng ilang kilalang artista, tulad ni Ruffa Gutierrez at ng kanyang mommy na si Annabelle Rama, na kwela sa kanilang mga eksena.

Ang cute ni Enrique Gil bilang life-size Iron Man toy robot at nakakatuwa din si Maja Salvador na isang maliit na tao.

Continue reading below ↓

Agaw-eksena naman si Regine Velasquez nang bumirit siya ng kanyang hit song na “You’ve Made Me Stronger.”

Maging si Ion Perez, na real-life boyfriend ni Vice, ay may funny moments din habang nakasuot lamang ng boxer shots at nakabalandra ang abs.

Maraming mga pop-culture references sa pelikula, partikular na ang tungkol sa feud ng Barretto sisters na sina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto.

May mga nakakabilib na special effects pero kulang ang production values para pakinangin at pasiklabin ang buong pelikula.

May mga pagkakataon rin na hindi nakakatawa ang ilang jokes sa The Mall, The Merrier. Isa na rito ang joke tungkol kay Adolf Hitler, ang head ng Nazi party na namuno sa Holocaust o mass murder ng mga Jews.

Ang The Mall, The Merrier ay may Parental Guidance o “PG” rating mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ibig sabihin ay ang mga batang manonood na below 13 years old ay dapat na may kasamang adult companion sa sinehan.

Continue reading below ↓

Pasok ito sa listahan ng dapat panoorin kung Vice Ganda humor ang hanap sa MMFF 2019.

Ed's Note: The "PEP Review" section carries the views of individual reviewers, and does not necessarily reflect the views of the PEP editorial team.


Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda and Anne Curtis top-bill the MMFF 2019 entry The Mall, The Merrier.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results