Coco Martin-Angelica Panganiban movie postpones shooting

by Ruel J. Mendoza
Feb 9, 2020
Angelica Panganiban and Coco Martin were supposed to shoot in Dubai for their movie Love or Money but shooting was postponed because of the virus outbreak.

Dahil sa banta ng sakit na novel coronavirus (nCoV), naapektuhan ang shooting ng movie nina Coco Martin at Angelica Panganiban na Love or Money.

Sa bansang Dubai sana magaganap ang shooting ng Star Cinema movie na nasa ilalim ng direksyon ni Mae Cruz-Alviar.

Pero dahil sa nilabas na travel ban, on-hold muna ang shooting ng romantic-comedy movie na unang pagsasamahan sana nina Coco at Angelica.

Noong maganap ang story conference ng Love or Money noong December 2019, sinabi na nakatakda sanang ipalabas ang movie for Valentine's Day this February 2020. Ang James & Pat & Dave na ang ipapalabas ng Star Cinema on February 12.

Ayon kay Direk Mae, original concept daw ni Olivia Lamasan (Star Cinema managing director) ang Love or Money.

"This concept has been with Star for a long time now. It was originally Direk Olive Lamasan's concept. They waited for the right time na magawa itong konseptong ito and the perfect casting. And then, when they found the perfect casting for this, that's when they realized na this is the perfect Valentine's offering for 2020."

Continue reading below ↓

Nagbiro pa nga si Angelica na siya lang daw ang makakapatigil ng taping ng top-rating primetime series ni Coco na FPJ's Ang Probinsyano dahil magsu-shooting sila for Love or Money.

"Stop muna yung Probinsyano, ako lang yung nakapagpatigil! Wait lang daw muna, ha. Wait lang," natatawang sinabi pa ni Angelica sa story conference.

Sagot naman ni Coco na maayos na ang kanyang schedule para ma-accommodate niya ang shooting schedule nila ni Angelica.

"Actually maayos naman yung schedule. Sanay din naman ako na habang nagpo-Probinsyano, nakakagawa ng pelikula. Pinaghahandaan kasi talaga namin ito. Ang wish namin mahabol talaga for Valentine's."

Kinabahan nga raw si Coco sa unang tambalan nila ni Angelica.

"Kinakabahan kasi bagong kombinasyon and definitely, yung project, ibang-iba sa Probinsyano, e. Ngayon, siyempre, nae-excite ako dahil babalik ako sa drama, at the same time, si Angge, napakahusay na artista sa drama and comedy kaya nakaka-pressure para sa akin.

"Dun ako natatakot, yung comfort zone ko, every morning alam ko na yung gagawin ko. Ito kasi iba, first time kong makakatrabaho si Direk Mae. Iba yung matututunan mo. Gusto ko yung natututo ako more than sa kumportable ka sa ginagawa mo."

Continue reading below ↓

Na-excite din daw si Angelica dahil nakatrabaho na niya si Coco noong mag-guest siya sa FPJ's Ang Probinsyano.

"Ang exciting kasi ang tagal natin siyang nakikita sa Probinsyano, and nakapag-Probinsyano ako, pero sobrang sandali lang, mga isang buwan lang. So iba rin yung magiging experience na makagawa kami ng movie together. Iba ang maio-offer namin sa pelikulang ito."

Ginawa ring biro ni Angelica ang pagkakaroon niya ng kissing scene with Coco.

"Kailangan ipaalam ko kay Mr. M [Johnny Manahan]! Medyo strict si Mr. M sa akin. Iniingatan niya ang image ko!

"Yung kissing scene, pumayag na ang mama ko, recently lang... pero yung daring na magpapakita ng skin, dapat aprubahan ni Mr. M. Kasi sweet girl na ako. Mahihiya si Kathryn Bernardo!" tawa pa niya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban and Coco Martin were supposed to shoot in Dubai for their movie Love or Money but shooting was postponed because of the virus outbreak.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results