Xian Lim on Kim Chiu: "Bihira lang ‘yong talagang naiintindihan ka and jive kayo together. Ako, I found Kim."

Xian Lim on friendship with Kim Chiu: "In the future, sana mas mag-blossom pa...sana mas mag-level up pa.”



Pangatlong pelikula na ni Xian Lim with Kim Chiu ang latest offering ng Star Cinema na Past Tense. Isa itong romantic comedy kung saan tampok din si Ai-Ai delas Alas sa direksiyon ni Mae Cruz Alviar.


“No’ng una, I always tell everyone na… ‘yong comfortability namin,” bungad na pahayag ni Xian nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 13th floor ng ELJ Building ng ABS-CBN noong November 22.

“Pero this time, I realized na kapag magkaeksena kami together, open lang talaga kami for mistakes.

“And siyempre everytime there’s mistakes, kumbaga kung pagsasabihan man ako ni Kim na... paano kung ibahin mo ito? Or kung may input siya.”

Totoo bang nagagalit siya kay Kim dati kapag may suggestion ito para sa eksenang gagawin nila? Na isa o dalawang oras na hindi niya ito kikibuin matapos sabihan ng 'Don’t tell me what to do'?

Natatawang paglilinaw ni Xian: “Hindi naman gano’n ‘yong words na… don’t tell me what to do!”

“Never kong sinabi ‘yon, a. Never kong sinabi ‘yon. Hahaha!

“Pero we’re open for the… ‘yong constructive criticism namin sa isa’t isa, nag-work talaga.

“Kasi if you guys work together, para… napag-uusapan. It works better that way.

“Hindi ‘yong maggugulatan na lang kayo sa eksena. Na parang… eto ‘yong sa akin, eto ‘yong sa iyo.

“Hindi gano’n. Dapat swak lang. Dapat jive lang talaga.”

May part sa story ng Past Tense tungkol sa time travel mula sa future pabalik sa past para maitama ang ilang bagay. May moment ba sa nakaraan ni Xian na kapag naiisip niya ay gusto sana niyang itama?

“Para sa akin, one mistake I’ve made is back in high school. No’ng transition from junior to varsity ng basketball.

“Kasi there’s a lot to take away from that. Kasi no’ng junior varsity ka, you get all the privileges. You get to be a star thing.

“’Pag varsity ka na, you have to prove yourself again. So what that taught me is… hindi ka puwedeng maging masyadong kampante.

“Iyon ‘yong I guess para sa akin at that time… masyado akong naging kampante. Na… ‘pag cross over ko naman, ganito pa rin ako, e. Ito pa rin.

“So I carry that up to now na kapag masyado kang kampante, matatanggal sa ‘yo ang mga privileges na meron ka.”

If he can have the chance to go back to the past or can go to the future, alin ang mas gugustuhin niya?

“Sa future. Wala na akong babaguhin sa past, e. So sa future na lang.
Isa sa conflict story ng Past Tense ay ang tungkol sa alin nga ba ang mas dapat mong piliin, ‘yong pinapangarap mong mahalin, o ‘yong nangangarap na mahalin ka?"

Para kay Xian, ano ba ang pipiliin niya?

“Ang hirap nga no’ng tanong, e. Para sa akin… ‘yong mahal ako.

“Gusto ko ‘yong mahal ako. Kasi para mahalin ako ng taong iyon, siyempre bago ako mahalin ng taong iyon makikita niya ‘yong effort at mga ibinibigay mo.

“Bago ka magmahal ng isang tao, di ba, hindi mo naman biglang mamahalin ang isang tao, di ba? Dapat may mga mangyari, may mga dahilan, at may mga stages ‘yan.

“So mas pipiliin ko ‘yong mahal ako.”

Kung ang pag-uusapan ay ang relationship nila ngayon ni Kim, how is it nga ba today and how does he want to see it in the future?

“Now we are… I’m very thankful. Sobra akong masaya na meron akong nakilalang isang katulad ni Kim Chiu.

“Dahil no’ng pagkadating ko pa lang sa Pilipinas tinitingnan ko lang ang billboard niya.

Na… ang ganda-ganda naman nito, crush ko ‘to, ‘yong mga gano’n.

“Pero other than that, ‘yong… to be able to open up to someone, bihira iyon, e. Bihira kang makakahanap ng…

“Maybe you might have a lot of acquaintances. You might have a lot of people you say hi and hello.

“Pero bihira lang ‘yong talagang naiintindihan ka and jive kayo together. Ako, I found Kim.

“And thankfully iniintindi niya ako palagi. Meron akong nasasabihan ng mga problema ko at sama ng loob.

“And in the future, sana mas mag-blossom pa. At di ba nga… may mga stages ‘yan.

“Sana mas mag-level up pa, di ba?”

May effort ba siyang ginagawa para mas mag-level up ang samahan nila ni Kim?

“Oo naman!” sabay ngiti niya. “Oo naman. Yes.”

Kung iri-rate from 1 to 10 ang lalim ng pagtitinginan nila, anong rating ang maibibigay niya?

“Alam mo mahirap mag-rate ng friendship. Mahirap kasi it’s always… meron palagi kayong… maski nga ‘yong mga matatanda, there’s always mga new things that they discover sa isa’t isa.

“So it wouldn’t be fair to rate it. Pero… sige from 1 to 10, sabihin na nating 9. And the remaining 1, parang room for improvement.

“Para meron pang room to know that person more, di ba?”

Una silang nagtambal ni Kim sa Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo Sumunod ay sa Bride For Rent. Ikatlo na nilang pagsasama sa Past Tense na ipapalabas na ngayong November 26.

Saang pelikula siya mas nahirapan?

“Dito sa Past Tense. Dahil ‘yong fat suit nga, first time, e.

“First time akong magkaroon ng prosthetics at mainit talaga.

“Tapos ‘yong inilalagay nila sa mukha, una it takes four hours. Kasi medyo kinakapa pa nila ‘yong hulma ng mukha.

“Tapos ‘yong fat suit, nagkaroon pa ng limang changes. Dahil dati isang suot lang.

“Pero marami na ngang changes na ginawa. Kasi nga sobrang init.

“Tapos merong mga eksena na magalaw, papawisan ka lang nang papawisan. At nakakahilo… hulas-hulas na minsan.

“Pero ‘yon… you have to stay in character. So talagang ‘yong prosthetics, very very challenging,” panghuling nasabi ni Xian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN