Julia Barretto talks about doing "challenging" movie with ex-boyfriend Joshua Garcia

by Allan Sancon
Jan 13, 2020
Julia Barretto on shooting the film Block Z with Joshua Garcia (right): "There's a love angle so the challenge there is paano namin aatakihin ang ibang atake, ibang angle, ibang klaseng lalim. It's edgier." This zombie movie is directed by Mikhail Red (middle).
PHOTO/S: Allan Sancon

Inamin ni Julia Barretto na naging "challenging" para sa kanya at ang ex-boyfriend niya na si Joshua Garcia na gawin ang pelikulang Block Z.

Si Mikhail Red ang director ng upcoming zombie movie na mapapanood sa mga sinehan simula January 29, 2020.

Ano ang pakiramdam nina Joshua at Julia habang ginagawa ang horror movie na ibang-iba sa mga past movies nila na rom-coms at drama projects?

"Umpisa pa lang, di ba, excited na talaga kami," sagot ni Joshua habang naka-tingin kay Julia.

"Nung pini-pitch pa lang sa amin, nung sinabi pa lang sa amin na gagawa kami ng zombie movie, sobrang excited na kami.

"Sabi pa nga namin, sana huwag mapunta sa iba."

Dagdag naman ni Julia, "We were very excited.

"Sa ilang years namin na nag-work together, we did a lot of rom-coms and we did a lot of rom-dramas.

"Naging challenging siya sa amin.

"Of course, there's a love angle so the challenge there is paano namin aatakihin ang ibang atake, ibang angle, ibang klaseng lalim. It's edgier.

Continue reading below ↓

"The love in the movie is more sacrificial."

Napag-usapan rin ng dating magkasintahan ang tungkol sa kanilang working relationship habang ginagawa ang proyekto na ito.

Ani Joshua, "Okay naman kami! (sabay tingin kay Julia) Okay kami! (matagal na nanahimik si Joshua at inulit ang sagot niya) Okay kami!

"Actually noong nakita ko siya, ito personally, na-miss ko rin siya! Kasi ang tagal naming hindi nagkasama. Na-busy siya, na-busy ako."

Ito naman ang reaksyon ni Julia sa sagot ni Joshua, "We're okay, thank you for asking. That's one of the things that I'm super grateful for, that we were able to protect and make sure that the friendship will stay and remain the same.

"Tama siya. The first time I saw him, it felt familiar kumbaga, it's a familiar place...it's a comfortable place...it's a safe place."

Ang Block Z ay maituturing na reunion project ng dalawang love teams: ang tambalan nina Maris Racal at McCoy de Leon at ang JoshLia love team nina Julia at Joshua.

Continue reading below ↓

Dahil dito, may aabangan bang love angle sa horror film na ito?

Bahagyang natawa sina Julia at Joshua pero nag-volunteer si Maris na sumagot sa tanong na iyon at ito ang kanyang pahayag: "Ako na lang ang sasagot. Lahat naman ng movie, hindi lang naman dapat action, meron ding emotion and love.

"For me, yung love na makikita dito sa movie, yung love in its highest form. Hindi lang siya girlfriend-boyfriend love. Alam mo yung it's a life-or-death situation, ise-save mo ba sila? Anong gagawin mo to save your loved ones?"

Para naman kay Direk Mikhail, ang Block Z ay isang violent movie na magpapakita ng kahinaan ng mga tao.

"May gore talaga dito. Tapos mga young characters killing each other. So may pagka Battle Royale ito."

Ang Battle Royale ay isang 2000 Japanese movie kunsaan may mga high school students na napilitan na nagpatayan nang isali sila sa isang futuristic survival game.

Continue reading below ↓

Pagpapatuloy ni Direk Mikhail, "Pag may zombie epidemic, tayo actually ang nate-test. Nate-test ang humanity natin kung may natira pa."

Ginanap ang press conference ng Block Z sa 9501 restaurant, ABS-CBN compound noong January 11, 2020.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto on shooting the film Block Z with Joshua Garcia (right): "There's a love angle so the challenge there is paano namin aatakihin ang ibang atake, ibang angle, ibang klaseng lalim. It's edgier." This zombie movie is directed by Mikhail Red (middle).
PHOTO/S: Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results