Is Joshua Garcia willing to work anew with ex-girlfriend Julia Barretto?

by Melba R. Llanera
Jan 13, 2020
Joshua Garcia appreciates both his JOSHLIA and JOSHNELLA fans.
PHOTO/S: Allan Sancon

Inamin ni Joshua Garcia na na-miss niya si Julia Barretto, ang kanyang ex-girlfriend. Ito ang ibinunyag niya sa January 11 presscon ng pelikula nilang Block Z, na ginanap sa 9501 restaurant, ABS-CBN compound, Quezon City.

Hindi alam ng ABS-CBN actor ang magiging reaksyon ng dating kasintahan sa kanyang pahayag.

Tumagal ng halos dalawang taon ang relasyong JoshLia bago ito nauwi sa hiwalayan noong 2019.

“Normal naman siguro iyon pag nakita mo iyong ex mo. Good thing magkaibigan kami,” paliwanag ni Joshua nang makausap namin sa set ng ASAP Natin ‘To, noong Enero 12, Linggo.

“Tama si Julia, parang when we saw each other, parang familiar itong vibe, itong mga nangyayari.”

Ayon kay Joshua, excited sila sa kanilang zombie movie dahil alam nilang maganda ito, at kampante silang puwede nila itong ipagmalaki.

“Sana, mabigyan ng chance ng mga tao para magkaroon sila ng magandang right na mapanood nila,” pakli ng aktor.

Continue reading below ↓

Payag ba si Joshua na makasama uli sa isa pang proyekto si Julia?

“Kung may maibigay na trabaho, why not, di ba? Kasi, di naman tayo tatanggi sa grasya.

"Kung pag-pair-in uli kami ng ABS sa isang soap or movie—sige, gagawin ko, why not?"

Siniguro ni Joshua na kung may isang bagay siyang ipinagpapasalamat, ito ay napanatili nila ni Julia ang pagiging magkaibigan kahit nagkahiwalay sila.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Oo naman, yun ang naha-happy kami. Kasi, di nawala iyong friendship sa amin.”

Malapit nang magtapos ang Kapamilya teleseryeng The Killer Bride, kung saan katambal ni Joshua si Janella Salvador.

“Memorable siya sa akin kasi, siyempre, ang ganda ng bond na nagawa namin, parang pamilya kami,” pagngiti ni Joshua.

“Like si Ate Maj [Maja Salvador], mas naging close ko. Si Janella, di ko in-expect na magiging ganun kami ka-close. Babae, pero naging close kami.”

Sa seryeng ito nabuo at yumabong ang tambalang JoshNella.

“Actually, na-overwhelm na lang din kami na ang daming suporta na natatanggap namin mula sa mga fans. We're very thankful.

Continue reading below ↓

"Tinanggap ng tao, ang sarap sa feeling!”

Open si Joshua na magkatrabaho sila muli ni Janella.

Nagbigay rin ng mensahe si Joshua sa JoshLia at JoshNella fans na patuloy na sumusuporta sa kanya.

“Sa mga JoshLia fans, maraming salamat sa pagsuporta, na kahit na bumagyo, nandiyan pa rin kayo. Maraming salamat and God bless sa inyong lahat.

“Sa mga JoshNella fans, maraming salamat sa lahat ng suporta na ibinibigay ninyo. Sa pag-tweet ninyo gabi-gabi para mag-trending iyong Killer Bride, nakikita naming lahat iyon, maraming salamat. God bless sa inyo and more power!”

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Garcia appreciates both his JOSHLIA and JOSHNELLA fans.
PHOTO/S: Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results