Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

REVIEW: Coleen Garcia and Edgar Allan Guzman are effective as a love team in Mia

by Bernie V. Franco
Jan 18, 2020
The romantic-comedy film, Mia, lives up to its promise. Coleen Garcia plays the title role in this film, which also stars Edgar Allan Guzman.

MIA

Starring: Coleen Garcia, Edgar Allan Guzman, Yayo Aguila, Willam Martinez Carmina Villarroel, Star Orjaliza, Jeremy Domingo, Sunshine Teodoro, Pau Benitez and Xenia Barrameda.
Director: Veronica Velasco
Writer: Veronica Velasco and Jinky Laurel
Producer: Insight 360 Films

Release date: January 15, 2020

Sa ayaw at sa gusto man ng pelikula, may mataas na expectation dito lalo pa’t ito ang opening salvo ng local films pagpasok ng 2020.

Sa kabuuan, ang pelikulang Mia ay may potensiyal na maka-impress ng kritiko dahil maganda ang istorya, may chemistry ang lead stars na experimental ang tambalan, epektibo ang pagganap, at may adbokasiyang napapanahon.

Kwento ito ni Mia Salazar (Coleen Garcia), isang “doctor to the barrios” na na-assign sa isang rural area sa Palawan.

Pero ang taong dapat pinupuntahan para sa tulong ay nangangailangan din ng tulong.

Dahil sa trahedyang sinapit ng kanyang fiancé, nalulong si Mia sa alcohol.

Dito niya nilulunod ang kanyang lungkot at pighati dahil sa sinapit ng kanyang pag-ibig.

Continue reading below ↓

Para sa kanya, wala nang saysay ang buhay.

Nagising siya isang umagang nagpabago sa ikot ng kanyang mundo.

Pagdilat ng kanyang mga mata, nakahiga siya sa kama na halos hubo't hubad.

Mas nagulat siya na kasama niya ang isang lalaking halos hubo't hubad na rin: si Jay Policarpio (Edgar Allan Guzman).

Ang nakakapagtaka, walang matandaan si Mia kung paano siya napunta sa ganoong sitwasyon.

Hindi rin niya matandaan kung paano sila nagkakilala ni Jay.

Si Jay ay may Ph.D. sa Forestry at nagtatrabaho bilang isang forester. Isa siyang nerd na may passion for the environment.

Familiar ang love story nina Mia at Jay: two opposites drawn to each other.

Si Jay ay ang ideal guy: positive, formal, charming, at family-oriented.

Si Mia ay carefree, isang modern woman na outspoken.

Dahil gusto ni Jay si Mia, gusto niya itong iligtas mula sa kanyang destructive behavior.

Ang tanong: handa na ba si Mia na muling bumangon at umibig muli?

Continue reading below ↓

Dahil si Jay ay isang forester, madaling naipasok ang environmental issues, kagaya ng isyu sa pagmimina.

Dahil si Mia ay alcoholic, natalakay ang isyu ng mga taong may matinding pinagdaraanan, kagaya ng addiction, depression, at alcoholism.

Fresh ang konsepto ng pelikula.

Nagiging popular ang formula na kailangang sundan ang kwento hanggang dulo para makuha ang sense ng buong pelikula.

May mga eksena ang karakter ni Coleen na nalalagay sa isang sitwasyon, pero hindi niya alam kung paano siya napunta roon.

Tinatalakay dito ang “alcohol amnesia.”

Nahahatak ang manonood sa mga katanungan ni Mia sa sarili.

Pero hindi ka magsisisi dahil lahat ay mabibigyan ng kasagutan sa dulo ng pelikula.

And there is a feeling of satisfaction.

Yung feeling na, pagdating sa dulo, nabuo mo na ang malaking puzzle at makikita mo na ang kabuuan ng itsura nito.

COLEEN-EDGAR ALLAN team up is fresh, effective

Ito ang unang beses na nagtambal sina Coleen at Edgar Allan.

Continue reading below ↓

Coleen lights up the screen with her glowing presence.

Markado rin ang kanyang pagganap ng title role.

Kung tutuusin, mabigat ang role ni Coleen dahil sa trahedyang sinapit ng love life ni Mia.

Pero magaan ang ginawang atake ng aktres.

Salamat sa effective delivery niya ng punchlines, nagawa niyang tanggalin ang bigat sa kanyang role.

Maaari pa sanang naging mas effective ang kanyang pagganap bilang doktor kung naaral ang nuances para maging mas convincing.

Pinatunayan naman uli ni Edgar Allan na isa siyang talented actor.

Kapani-paniwala ang pagganap niya bilang isang ideal guy na gugustuhin mong ipakilala sa iyong mga magulang.

Hindi rin matatawaran ang mahahabang monologues niya na kahit mala-kilometro ay hindi nakakabagot panoorin.

May kakaunting pagkakataon lang na pakiramdam mo ay sumobra na ang pagganap niya.

Tama ang timpla ng chemistry nila ni Coleen dahil relatable ang kanilang mga karakter.

May mga pagkakataong magtatanong ka kung realistic ba ang role ni Jay dahil “too good to be true” ang kanyang pinapangatawanan.

Continue reading below ↓

Pero ibabalik ka sa “reality” ng mga hirit ni Mia na realistic ang pananaw sa buhay.

Malaking tulong din ang support cast sa mahusay na performance ng kabuuan.

Marami rin sa mga sobrang nakakatawang hirit ay galing sa kanila.

May mga dialogue naman na ang intensyon ay magpatawa, pero kulang sa buwelo.

Pero napansin ko lang, ang dami kong ngiti sa pelikulang ito.

Halos dalawang oras ang pelikula pero hindi ako naiinip.

Fluid ang pagkakatahi sa mga eksena ng direktor.

Hindi rin pilit ang pagtalakay sa environmental issues, gaya ng isyu sa pagmimina.

Posibleng magkaroon ng initial reaction ang manonood sa environmental campaign ng pelikula.

Pero balanse ang treatment dito dahil sinalamin ng dalawang karakter ang panig ng publiko: ang anti at pro.

Ang desisyon kung saan papanig ay iniiwan pa rin sa manonood.

Kung tutuusin, simple lamang ang lugar kung saan kinunan ang mga eksena, pero breathtaking ang cinematography.

Continue reading below ↓

Modern din ang musical scoring ng pelikula at swak sa mga eksena.

Sa kabuuan, the movie lives up to its promise to present a light romantic comedy film, which puts a smile on your face when you walk out of the cinema.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The romantic-comedy film, Mia, lives up to its promise. Coleen Garcia plays the title role in this film, which also stars Edgar Allan Guzman.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results