Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Loisa Andalio, Ronnie Alonte love team to be tested in James & Pat & Dave

by Rose Garcia
Feb 2, 2020
Loisa Andalio and Ronnie Alonte both claim they always resolve their arguments before doing a scene. "Kasi, ayaw naming may cause of delay, ayaw naming maapektuhan ang ibang tao," says Loisa.
PHOTO/S: Jerry Olea

Nailang pa rin sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa kissing scene nila sa Valentine offering ng Star Cinema na James & Pat & Dave, kahit na sa totoong buhay ay magkarelasyon sila.

“Noong una, nakakahiya pa rin. Iba yung alam mong may mga tao,” natatawang sabi ni Loisa sa mediacon ng movie nitong Enero 31, Biyernes sa Dolphy Theater, ABS-CBN Compound, Quezon City.

“Yung kiss naman namin, kapag nagki-kiss naman kami, wala naman kami sa set.”

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Loisa at Ronnie kung ano ang pinagkaiba nila sa ibang love teams katulad ng LizQuen (Liza Soberano-Enrique Gil), KathNiel (Kathryn Bernardo-Daniel Padilla), at MayWard (Maymay Entrata-Edward Barber).

“Yung pinagkaiba namin sa ibang love team..? Hirap, ah!” bulalas ni Loisa.

“Siguro, kami ang first time na nabigyan ng ganito. Unang pelikula natin ‘to, di ba? Yung ibang love team, ang dami na nilang nagawang pelikula. So, yun po siguro ang pinagkaiba namin.”

Continue reading below ↓

Natatawang sinundutan naman ni Ronnie ang sinabi ni Loisa ng, “Mas marami po silang projects.”

Paglilinaw pa ni Loisa, “Hindi po, kumbaga, yung parang nagsisimula pa lang ang love team namin dahil dito sa James & Pat & Dave.”

Kumpara nga sa ibang love teams na na-groom muna sa pamamagitan ng pagkakaroon ng supporting roles sa iba’t ibang proyekto sa TV at pelikula, ang tambalang LoiNie nina Loisa at Ronnie ay bibida agad sa isang pelikula, pagkatapos na ma-introduce sa Fantastica na pinagbidahan noon ni Vice Ganda sa Metro Manila Film Festival 2018.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pagmamalaki pa nina Loisa at Ronnie tungkol sa relasyon nila, kung may personal man silang isyu, hindi nila hinahayaang makaapekto ito sa trabaho nila.

Ayon kay Loisa, “Kami po ni Ronnie, kapag nag-away po kasi kami, hindi kami natatapos mag-away na umaabot ng isang araw.

“Hindi kami natatapos mag-usap na hindi kami magkasundo. Ganoon po ang relasyon namin at kapag may problema kami, kapag nasa shooting kami, pag-uusapan po muna namin bago kami lumabas.

Continue reading below ↓

“Kasi, ayaw naming may cause of delay, ayaw naming maapektuhan ang ibang tao.”

Ang James & Pat & Dave ay sequel ng Metro Manila Film Festival 2016 movie na Vince & Kath & James, kung saan sa ending ay nagkatuluyan sina Vince (Joshua Garcia) at Kath (Julia Barretto). Idinirek iyon ni Theodore Boborol, na siya ring direktor ng James & Pat & Dave na magsu-showing na sa Pebrero 12.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Loisa Andalio and Ronnie Alonte both claim they always resolve their arguments before doing a scene. "Kasi, ayaw naming may cause of delay, ayaw naming maapektuhan ang ibang tao," says Loisa.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results