Xian Lim to prioritize acting over film directing

by Arniel C. Serato
Feb 6, 2020
Xian Lim wishes to write and direct a film intended for a prestigious festival: "And I’m still learning every single day to be a director. So, I have a couple of films ready and hopefully in the future, if it permits me sa mga festival, na makapag-produce and direk pa rin ako, yes, but definitely.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Kahit na naging matagumpay ang directorial debut ni Xian Lim sa pelikulang Tabon para sa Cinemalaya 2019, mas focused pa rin daw ang Viva actor sa kanyang pagiging artista kaysa sa pagiging direktor.

Sa story conference ng pagbibidahan nitong pelikula na Sa Muli para sa Viva Films kamakailan lamang, umaasa din si Xian na pagdating ng araw ay makagawa siya uli ng pelikula para sa ibang film festival.

Kuwento ng 30-year-old star, “Core ko po rin talaga ang pagiging...as an actor.

“And I’m still learning every single day to be a director.

“So, I have a couple of films ready and hopefully in the future, if it permits me sa mga festival, na makapag-produce and direk pa rin ako, yes, but definitely.”

Karamihan sa mga sikat na aktor noon at ngayon na nagdi-direk na rin ay bumibida na rin sa kanilang sariling pelikula.

Kabilang sa kanila ang namayapang si Fernando Poe Jr. at si Coco Martin.

Continue reading below ↓

Nakikita ba niya ang umaarte siya sa pelikulang siya mismo ang magdi-direk?

Tugon ng Love Thy Woman actor, “Oo naman. I can see that in the near future.”

Samantala, isang period film ang Sa Muli na pagsasamahan nila ni Ryza Cenon sa direksiyon ni Fifth Solomon.

Umiinog ito sa tatlong henerasyon kaya maipapakita daw sa romantic-fantasy film na ito ang karakter ng mga tao sa bawat era.

Continue reading below ↓

Nang matanong naman si Xian kung sa tingin niya ano siya sa kanyang past life, sagot nito, “Feeling ko nga nung past life ko feeling ko nga aso ako o pusa.

“Kasi parang naintindihan ko sila kapag may mga kailangan sila, o kaya bakit sila ganyan, naglalambing, naiintindihan kita.

“Alam mo yun minsan ganun ako. Feeling ko okay ako as a pet dog or cat o sometimes ibon.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Xian Lim wishes to write and direct a film intended for a prestigious festival: "And I’m still learning every single day to be a director. So, I have a couple of films ready and hopefully in the future, if it permits me sa mga festival, na makapag-produce and direk pa rin ako, yes, but definitely.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results