Oscars 2020: South Korean film Parasite makes history, wins Best Picture

by Erwin Santiago
Feb 10, 2020
South Korean film Parasite wins four trophies, including Best Picture and Best Director, at the Oscars 2020.

Gumawa ng kasaysayan ang South Korean film na Parasite pagkatapos itong magwagi ng apat na tropeyo sa 92nd Academy Awards, na ginanap sa Dolby Theater sa Los Angeles, California, nitong Linggo ng gabi, February 9 (Lunes ng umaga, February 10, sa Pilipinas).

Ang pelikula na tumatalakay sa relasyon ng dalawang pamilya—isang mayaman at isang mahirap—ang kauna-unahang Asian film at foreign language film na nanalong Best Picture sa Oscars.

Ang direktor ng Parasite na si Bong Joon Ho din ang kauna-unahang South Korean filmmaker na nagwaging Best Director.

Isa itong surprise win para sa Korean director dahil inaasahan ng marami na ang direktor ng 1917 na si Sam Mendes ang makakakuha ng tropeyo pagkatapos nitong magwagi sa Directors Guild Awards.

Maliban sa Best Picture at Best Director, nagwagi rin ang Parasite bilang Best International Feature Film at Best Original Screenplay para kina Bong Joon Ho at Han Jin Won.

Ang top acting honors ay napanalunan nina Joaquin Phoenix bilang Best Actor para sa pagganap niya sa Joker, at si Renee Zellweger bilang Best Actress para sa pagganap niya sa Hollywood icon na si Judy Garland sa Judy.

Continue reading below ↓

Ito ang ikalawang Oscar trophy ni Renee, na naunang nanalo bilang Best Supporting Actress para sa Cold Mountain noong 2004.

Si Joaquin naman ang ikalawang aktor na nanalo sa Oscars dahil sa pagganap bilang iconic villain role na Joker. Ang una ay ang yumaong aktor na si Heath Ledger para sa The Dark Knight noong 2009.

Gaya ni Joaquin, first-time Oscar winners din ang Best Supporting Actor na si Brad Pitt, para sa Once Upon A Time In Hollywood, at ng Best Supporting Actress na si Laura Dern, para sa Marriage Story.

Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo sa Oscars 2020:

Best Picture: Parasite

Best Actor: Joaquin Phoenix, Joker

Best Actress: Renee Zellweger, Judy

Best Director: Bong Joon Ho, Parasite

Best Supporting Actor: Brad Pitt, Once Upon a Time in Hollywood

Best Supporting Actress: Laura Dern, Marriage Story

Best Original Screenplay: Bong Joon Jo & Han Jin Won, Parasite

Continue reading below ↓

Best Adapted Screenplay: Taika Waititi, Jojo Rabbit

Best International Feature Film: Parasite (South Korea)

Best Animated Feature Film: Toy Story 4

Best Cinematography: Roger Deakins, 1917

Best Film Editing: Ford v Ferrari

Best Documentary Feature: American Factory

Best Documentary Short Subject: Learning to Skateboard in a Warzone (If You’re a Girl)

Best Animated Short Film: Hair Love

Best Live-Action Short Film: The Neighbor’s Window

Best Costume Design: Little Women

Best Production Design: Once Upon A Time In Hollywood

Best Visual Effects: 1917

Best Original Song: "(I'm Gonna) Love Me Again," Rocketman

Best Original Score: Joker

Best Sound Editing: Ford v Ferrari

Best Sound Mixing: 1917

Best Makeup and Hairstyling: Bombshell

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
South Korean film Parasite wins four trophies, including Best Picture and Best Director, at the Oscars 2020.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results