Norte, Hangganan ng Kasaysayan nominated for Best International Film at Film Independent Spirit Awards

Norte, Hangganan ng Kasaysayan, a film directed by Lav Diaz and starring Sid Lucero (in photo), is nominated for Best International Film at the 30th Film Independent Spirit Awards.


Nominado sa Best International Film category ng 30th Film Independent Spirit Awards ang Norte, Hangganan ng Kasaysayan, ang pelikula ni Lav Diaz na official entry ng Pilipinas sa Best Foreign Language Film category ng 87thAnnual Academy Awards o Oscars.

Ikinatuwa ng maraming Pinoy ang nomination sa Film Independent Spirit Awards ng pelikula ni Lav dahil nabuhayan sila ng pag-asa na malaki ang tsansa na makapasok sa Best Foreign Language Film race ng 2015 Oscar Awards ang Norte, Hangganan ng Kasaysayan, na may English title na Norte, The End of History.

Ang Norte ang nag-iisang Asian movie na nominated sa Best International Film category ng 30th Film Independent Spirit Awards.

Co-nominees ng pelikula ni Lav ang Force Majeure (Sweden), Director: Ruben Östlund; Ida (Poland) Director: Pawel Pawlikowski; Leviathan (Russia) Director: Andrey Zvyagintsev; Mommy (Canada) Director: Xavier Dolan; at Under the Skin (United Kingdom) Director: Jonathan Glazer.

Sa February 21, 2015 ang awarding ceremony ng 30th Film Independent Spirit Awards sa Los Angeles, California.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN