Untrue director reveals conditions for lead stars Cristine Reyes, Xian Lim

by Glenn Regondola
Feb 11, 2020
Untrue director Sigrid Andrea Bernardo (left) revealed the conditions she set before working with Cristine Reyes and Xian Lim in this suspense-thriller film.
PHOTO/S: Noel Orsal

Ni-require ni Direk Sigrid Andrea Bernardo na mag-workshop sina Cristine Reyes at Xian Lim bago sila mag-shooting ng suspense thriller na Untrue sa Republic of Georgia.

“Yung physical transformations, very important sa akin,” kuwento ni Direk Sigrid Andrea nitong Lunes, February10, sa Botejyu Resto sa Estancia Mall, Mandaluyong City.

“Tinapat ko naman sila, e. ‘You really have to look the part, if you really want the role.’

“’Xian, you have to gain 20 pounds, ‘tapos, kailangang may stubbles, kasi masyado kang guwapo. Masyado kang model. Malinis. Kung gusto mo talaga, kailangang ganito, you have to be in ten workshop days.’

“Si Cristine, di ako papayag na wig, e. So, very important yung red hair. Kapag napanood ninyo yung pelikula, important yung red hair.

“So, sabi ko, hindi ako papayag na wig. So, kailangang short yung hair niya at pakulayan. So, it was a non-negotiable deal.”

Satisfied siya sa working relationship nina Cristine at Xian.

Continue reading below ↓

Aniya, “I’m very happy na sobrang dedicated sila. Even sa workshops nila. Ako, I’m very proud of them, dahil ang hirap talaga.

“Even during the shoot, people say na napakadali lang nilang idirek, na ano, kasi sila rin ay nahirapan, e.

“Kasi, yung shooting namin, di naman chronogical order, di ba? Sa isang location, ganito ang kanilang character, so baliw-baliw na rin sila.

“So, kailangan talaga mag-focus sila sa acting nila.”

Iba ang tema ng Untrue sa mga nauna niyang movies na Ang Huling Cha-Cha ni Anita (2013), Kita Kita (2017), at Mr. and Mrs. Cruz (2018).

“Sobrang dream ko na gumawa ng suspense-thriller film. And I always want to challenge myself,” sambit ni Direk Sigrid Andrea.

“Why not? So after Mr. and Mrs. Cruz [2018], sabi ko, iba naman. So, yung explanation sa kuwento [Untrue], kasi, it’s really about mental health issues.

“Hindi man siya… kasi, suspense-thriller ito, pero yung lalim niya, yun.”

Continue reading below ↓

Bakit sina Cristine at Xian ang napili niya sa roles na ito?

“Yung script talaga, sinulat ko for another actress [Claudine Barretto]. I think, alam naman ng lahat ‘yan,” paliwanag ni Direk Sigrid.

“So, hindi natuloy, and ibinigay sa akin sina Cristine at Xian. But in-adjust ko iyung script para sa kanila.

“And, I’m very happy sa naging resulta.”

Ang pelikulang ito ay ipapalabas sa February 19.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Untrue director Sigrid Andrea Bernardo (left) revealed the conditions she set before working with Cristine Reyes and Xian Lim in this suspense-thriller film.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results