John Arcilla honors memory of Fr. Fernando Suarez in biopic

by Rose Garcia
Feb 11, 2020
John Arcilla will portray the late Fr. Fernando Suarez in the upcoming biopic film Suarez, The Healing Priest.
PHOTO/S: Rose Garcia

Nagulantang si John Arcilla sa pagpanaw ng healing priest na si Father Fernando Suarez noong Pebrero 4, Martes, dahil sa atake sa puso habang naglalaro ng tennis.

Si John ang bida sa biopic na Suarez, The Healing Priest.

“Noong mangyari iyun, it’s really overwhelming. Kasi, ang dami kong gustong sabihin,” pahayag ni John nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa last shooting day ng nasabing pelikula noong Pebrero 8, Sabado sa Bulacan.

“Ang dami kong gustong i-express na sabay-sabay na dumarating. Sabi nga namin ni Direk [Joven Tan], parang inihulma ang kuwento niya. Para siyang iniukit sa bato.”

Mahirap tanggapin ang kamatayan ni Father Suarez, lalo na sa mga supporters at kaibigan nito, pero parang naitakda na raw talaga.

“I know, I’m not in the position to say this, pero parang kumpleto na ang buhay niya. Bago pa siya maabsuwelto, ginagawa na ang pelikula.

“And I’m sure, confident siya na ang ikukuwento niya ay totoo. A week after naming mag-grind, na-vindicate siya. Sobrang saya ko no’n. Sabi ko, ‘Tama, tama ang desisyon ko.’

Continue reading below ↓

“Then, noong 85% na ang natapos nina Direk, sobrang saya niya. Kinabukasan, dapat magse-celebrate kami ng birthday niya. Nagpa-tournament siya ng tennis.

“Ang tennis ang pinakamamahal niyang sports. Sa gitna ng paglalaro niya ng passion niya na sports, doon siya nawala.

“Parang kumpleto na—gumagawa siya ng biopic niya, na-vindicate siya, naglalaro siya ng paborito niyang sports—at doon siya nawala...

“Namatay siya, February 4. Ang birthday niya ay sa February 7. Sa Bible, may sinasabi tayo na ‘and He rose from the dead.’

“Parang symbolical na nabuhay siya after three days...

“Parang napaka-symbolical sa akin na gumagawa ng movie, parang hindi lang kami naging witness sa life niya, parang ginamit din kami na instrument ng Nasa Itaas kung paano ikukuwento ang kasaysayan niya bilang healing priest."


Continue reading below ↓

John Arcilla with director Joven Tan and co-star Dante Rivero

SEXUAL ASSAULT ALLEGATION

Noong ialok sa kanya ang biopic ni Fr. Suarez, ikinonsidera ni John ang kaso nitong sexual assault.

Ito ay dahil may dalawang batang lalaki na nag-file ng sexual assault case against Fr. Suarez dahil sa insidente na nangyari diumano noong 2014 sa Illing, Mindoro. Nitong January 2020, naglabas ng dokumento ang Vatican na nagsasabi na si Fr. Suarez ay “not guilty” of sexually abusing minors.

Pag-amin ni John, “Ang mas naging problema ko noon, yung controversy. Sabi ko, ayokong gagawin ang pelikula para maging tagapag-promote lang ako ng mga bagay na hindi totoo.

“So, kailangan kong alamin. Hindi ko ‘to sinabi kay Father noon. Pero sabi ko, I really need to meet him kasi, may controversy. Noong makausap ko si Father, nakita ko ang sincerity.

“Then, sinabi ko, ako, okay sa akin kasi, nakita ko ang sinseridad ni Father. Naramdaman ko na iyung allegation ay parang allegation lang talaga.

Continue reading below ↓

“So, yun yung nagbigay sa akin ng desisyon para tanggapin. Hindi ako magiging parang mouthpiece or tagapagsalita lang niya.

“Ako ay gagawa ng isang kuwento na talagang makatotohanan at makabuluhan. Hindi pantakip sa kung ano man. Kasi, kung ganoon, hindi ko tatanggapin.”

FATHER SUAREZ'S DEATH

Ilang beses dumalaw at nagmisa si Fr. Suarez sa shooting ng pelikula. Ayon kay John, wala silang naramdaman na anumang premonition sa pagpanaw nito.

“Sa totoo lang, wala e, wala kaming naramdamang premonition. Noong nangyari na, parang doon na lang nagkaroon ng meaning ang lahat.”

Isa si John sa mga sumugod sa Asian Hospital kunsaan idineklarang D.O.A. (Dead On Arrival) ang pari.

“Noong tinext sa akin ni Direk, sobrang shocked ako. Sobrang nakaka-shock.

“Tinext ko agad si Miss Edith Fider [producer ng movie] kung nasaan ang body ni Father, nasa Asian Hospital daw, so, nagpunta ako agad doon.

“Sabi ko, ‘Saan ang morgue, saan ang morgue?’ Kasi, gusto ko siyang maramdaman. Gusto kong makita niya na kahit wala na siya, nandoon ang dedication.

Continue reading below ↓

“Yung nakaka-amaze, yung mga followers niya, mga believers niya, ang dami, mina-massage siya. Kasi, malambot pa siya.

“Two hours pa lang siyang nawawala, si Bishop [Antonio] Palang, ayaw siyang pagalawin, ayaw siyang paembalsamo.

“Lahat ng tao, mina-massage siya. Everyone was hoping na may miracle na mangyayari.

“Nakita ko yung kanyang lips, sobrang violet, tapos after a while, nawawala ang pagka-violet. Everyone was really hoping.”

Hindi siya natatakot kung bigla itong tumayo. Matatakot siya kung naembalsamo na at tumayo, para na raw itong zombie.

“Kung siya ay tumayo ngayon, nagkamali lang tayong lahat,” sambit ni John.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Arcilla will portray the late Fr. Fernando Suarez in the upcoming biopic film Suarez, The Healing Priest.
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results