Masayang-masaya si Daniel Padilla para sa kasintahan niyang si Kathryn Bernardo na tatanggap ng award sa 51st Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.
Si Kathryn and tatanghalin bilang Phenomenal Box Office Star kasama ang kapareha nitong si Alden Richards para sa kanilang Star Cinema movie na Hello, Love, Goodbye.
Ang Hello, Love, Goodbye na ang tinuturing na highest grossing Filipino movie of all time na kumita umano ng P1.3 billion worldwide.
“She truly deserves. Yeah, dapat lang siyang bigyan, wala namang iba,” sabi ni Daniel nang ma-interview namin sa set ng ASAP Natin ‘To noong Pebrero 9, Linggo.
Excited si Daniel sa teleserye nila ni Kathryn na Tanging Mahal, maging sa bagong movie nila na After Forever.
“Isa na namang makabuluhang kuwento ang ibinigay sa amin. Talagang sapul sa puso, saksak sa puso na naman ito,” lahad ni Daniel.
“Istorya? Iba-iba naman ang kuwento dahil umaabot tayo sa certain age na puwede na nating ikuwento yung ganitong kinds ng story.
“Yeah, first time naming gagawin yung ganoong uri ng kuwento. Saka medyo mabigat yung pelikula."
Nabuwag na ang relasyon at loveteam ng JoshLia (Joshua Garcia at Julia Barretto) at JaDine (James Reid at Nadine Lustre).
Tinanong namin si Daniel kung ano ang mayroon ang Kathniel love team kaya tumatagal ang pagmamahalan at tambalan nila.
“I think wala namang recipe iyan. It's just magic. That's it."
Ginagawa na ni Daniel ang pelikulang Whether The Weather Is Fine kasama si Charo Santos-Concio. Ayon kay Daniel, ang dami niyang natutunan sa beteranang aktres at dating president ng ABS-CBN.
“Yeah, very good. Actually, last shooting ko was my last day. Bago ako gumawa sa Star Cinema, dumiretso muna ako sa film na iyan.
“No regrets, talagang beautiful decision. Excited akong mapanood din.”
Kinabahan ba siya na makatrabaho si Ma’am Charo?
“Yes, pero kesa maging fear yung reaction ko, kinompliment ko yung oportunidad na makasama ko si Ma'am Charo sa isang eksena.
“Masarap kaeksena yung mga mahuhusay na mga aktor. Kasi, dalawa lang naman iyan. It’s either kainin ka or matulungan ka.
“Sobra akong natulungan ni Ma'am Charo, sobra. Si Ma'am Charo naman, pag nasa movie ka, talagang ipaparamdam niya sa iyo yung suporta niya bilang isang aktor. Pangalawa, boss ko iyan, e.”