Ronnie Alonte admits, "Dati, relax lang po ako, hindi po ako seryoso sa trabaho."

by Rose Garcia
5 days ago
PHOTO/S: Rose Garcia

Para sa Valentine’s Day 2020, wala raw naihanda si Ronnie Alonte para sa girlfriend na si Loisa Andalio dahil pareho silang busy sa pag-promote ng Star Cinema movie nila, ang James & Pat & Dave, na palabas na sa mga sinehan.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ronnie sa blogcon ng James & Pat & Dave sa 9501 restaurant noong February 13, isang araw bago ang Valentine’s Day.

“Sa totoo lang po, pinag-iisipan ko yan, hindi ko lang po talaga alam kung papaano masisingit sa time, sa oras. Siguro naman po, pinaalam ko na rin naman kay Loisa.

“Wala siyang ine-expect ngayon pero sa birthday niya, meron siyang ine-expect sa akin.”

Dugtong din niya, “Pero sana, makakain, makapag-date kami sa labas para ma-feel din namin ang Valentine’s. Kahit isa, dalawang oras kasi po, nagta-trabaho kami.”

Tingin naman daw ni Ronnie, nagawa na niya kay Loisa ang dream date ng isang babae.

Continue reading below ↓

“Noong anniversary po, tingin ko, nagawa na namin. Pero mahabang taon pa ang tatahakin namin. Marami pa kaming pagdadaanan. Marami pang puwedeng mangyari.

“Feeling ko, hindi pa naman lahat ay nabibigay ko sa kanya.”

Kung nabigyan siya ng pagkakataon, paano niya sana gustong i-celebrate ang Valentine’s Day kasama si Loisa?

“Makalabas sana kami ulit, makapag-beach kami or kahit man lang makapag-set-up kami sa garden, yung kaming dalawa lang.

“Gusto kong ma-try kasi ako, hindi ako romantikong tao. Hindi ako mahilig magpu-post. Pero sana, magawa ko yung alam niyo yun, gusto ko lang na maiparamdam sa kanya kasi alam ko, gusto niya rin yun.”

Unang pelikula na pinagtambalan nila ni Loisa ang James & Pat & Dave. Kumpara sa iba, sila yung nabigyan ng oportunidad na magkapareha na may relasyon na sa totoong buhay.

Pero, kung tatanungin siya, ano yung nabago pa sa kanila ni Loisa sa pagsasama nila sa pelikula?

Continue reading below ↓

“Siguro po ang nabago lang sa amin, yung oras namin sa isa’t-isa. Yung communication namin, medyo nababawasan po dahil sa promo, hindi kami masyadong nakakalabas, hindi kami masyadong nagkikita. Minsan may raket siya."

Ayon pa kay Ronnie, kilalang-kilala na naman daw nila ni Loisa ang isa’t-isa.

“Siguro po ngayon, mas naging matibay kami,” saad niya.

“Kung paghiwalayin kami ng trabaho after ng movie na ito, puwede siyang i-partner sa iba. Puwede akong i-partner sa iba, so, handa naman kami ro’n.

“Pero kung kami ang masusunod, sana, sino po ba ang ayaw ng blockbuster na movie? Kung blockbuster ang movie, sana po ay bigyan kami ng pagkakataon na patunayan pa.”

Pakiramdam niya raw kasi, mga artista silang nagsisimulang muli.

“Para kaming mga bagong artista ngayon. 2020, bagong taon, bagong pelikula so sana po, bigyan kami ng pagkakataon na patunayan namin na karapat-dapat kami.”

Sa isang banda, aminado si Ronnie na may “risk” daw ngayon ang may pelikulang ipinapalabas dahil sa takot ng mga tao sa coronavirus.

Continue reading below ↓

Yung sa halip na manonood ng sine ang iba, puwedeng mapigilan dahil sa takot na magpunta sa mataong lugar.

Ayon sa ABS-CBN star, “Yun nga po ang ikinakalungkot namin. Sa totoo lang po, before pa po mag-showing ang movie, yun na po ang kinatatakutan namin.

“Yung mga nangyayari ngayon sa bansa na hindi maganda, lalo na yung mga tao. Ako, personally, bago mag-showing ang movie, nag-try akong pumunta sa isang mall, walang katao-tao, walang katao-tao talaga. Takot na takot silang lumabas.

“Yun po ang kinakatakot namin pero sana naman po, galing po sa kadulu-duluhan ng puso namin, bigyan niyo po kami ng pagkakataon.”

Dugtong pa niya, “Alam ko po, may iba na gustong manood pero natatakot lang. Huwag po kayong matakot. Bigyan natin ng oras kahit dalawag oras lang na sumaya kayo, kiligin.

“Kasi marami tayong matutuhan sa movie. Hindi naman sa binubuhat ko ang sariling bangko. Pero, i-enjoy niyo lang, alisin po muna ang stress, laban lang, happy, happy lang.”

Continue reading below ↓

Kinamusta rin namin si Ronnie kung kumpara noong gawin niya ang Vince & Kath & James, mas pressured siya ngayon sa James & Pat & Dave.

“Kasi po dati, relax lang po ako, hindi po ako seryoso sa trabaho,” pag-amin niya.

“Binigyan ako ng ganung kalaking proyekto, Seklusyon, VKJ, Bloody Crayons, relax. As in. Hindi pa seryoso.”

Ngayon, mas seryoso na ba siya?

“Well, hindi naman po ako masyadong kinakabahan, may kumpiyansa pa rin ako na kaya natin ‘to. Pero siyempre, kabado ka dahil siguro ngayon po, seryoso po ako, nag-mature na.

“At gagawin ko po ang lahat para maligayahan ang lahat na panoorin ang movie namin.”

Mas nakakaragdag sa kaba na real-life sweetheart kasi sila ni Loisa?

“Hindi naman po, enjoy lang,” nakangiting sabi ng Kapamilya actor.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results